11: Getting To Know Each Other

6 1 0
                                    


Poleene's POV

Nag di-dinner kami nila mom kasama si Gian.

"Poleene pagkatapos natin mag dinner sumama ka sakin may pupuntahan tayo" muntikan ko na maibuga yung iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni Gian, saan nya ko dadalhin?

Sabagay tama lang din yun may itatanong pa ako sakanya.

"Anak sumama ka na okay lang kami na ng maid dito ang mag aasikaso" sabi ni mom, papayag naman talaga ako kasi marami pa akong tatanungin sa lokong toh.

"Arasso Umma, im coming." Sabi ko nalang at inubos yung pagkain ko.

"Yes naman! May first date na ang baby ko! Oh ano pa ang hinihintay mo dyan? Mag ready kana" ito naman si mom excited nanaman.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko at nag bihis ako.

Nagsuot lang ako ng black na reap jeans at grey na hoodie tyaka black and white kong sapatos.

Nagsuklay na ako ng buhok ko at sinuot muli yung salamin ko at bumaba.

Oo kung manamit ako parang lalaki wala eh boyish ako eh.

Pagka-baba ko naka abang na si mom tyaka si Gian sa may pintuan.

"Thank you po tita Melanie" sabi ni Gian at ngumiti si mom.

"Oh no problem my future son in law" ha ano daw? Anong future son in law pinagsasabi ba nito ni mom?

"Umma?!" Sabi ko at natawa si mom.

"Ito naman, sige na mag ingat na kayo. Saranghaeyo my ttal" sabi ni mom at yinakap nya ko at yinakap ko rin sya.

"Saranghaeyo Umma." Sabi ko at umalis na kami ni Gian.

[Saranghaeyo= I Love You]
[Ttal= Daughter]

Pagka-labas namin ni Gian binatukan ko na sya kaagad.

"Ouch! What was that for?!" Tanong nya, tss may pa-english english pa sya dyan na nalalaman.

"Last mo ng gagawin yan ha?! Tyaka san ba tayo pupunta?!" Tanong ko at nag cross arms ako.

"Basta sumakay ka nalang" sabi nya at sumakay nalang ako at sumakay na rin sya.

Bigla sya lumapit sakin para kabitan ako ng seat belt. Pa gentleman pa tong mayabang na toh sikmuraan ko sya makita nya eh. Wahaha just kidding.

"Alright lets go" sabi nya at pinaandar nya na yung kotse nya at nag simula na sya mag maneho.

Ilang minuto rin kami nag biyahe pero maya maya napansin ko na merong mga lanterns na kami na nasasalubong.

Tumigil na yung pag mamaneho nya.

"We are here." Sabi nya at ngumiti sya at bumaba, bumaba na rin ako.

Pagka-baba ko angganda ng paligid.

May mga kandila na kulay red at white sa paligid at kulay yellow na lanterns na naka-sabit sa taas, meron namang nag iisang bench dun na merong tall lanterns sa bawat gilid ng bench.

Pag lumapit ka sa bench makikita mo ang lahat. Buildings,houses at kung ano ano pa. Pero ang pinaka-nagustuhan ko yung stars sa itaas.

"Tara?" Sabi nya at tumango nalang ako kaya naglakad na ako papunta dun sa may bench at umupo.

"Bat mo ba ako dinala dito?" Tanong ko at ngumiti sya sakin.

"I have a confession to make." Sabi nya at nagulat ako, confession? What kind of confession? Aish malalaman ko din yan sasabihin naman nya eh.

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon