3: Enemies

22 6 0
                                        


Poleene's POV

Leche... di pa nakaka-isang buwan inaasar na ko ng Gian na toh habang ginagawa ko trabaho ko sa lamesa ko. Eh sya? Kamusta naman sya? Syempre tamad walang ginagawa.

"Kelan ka tatahimik?" Sabi ko ng pa-seryoso "nakaka-irita ka ng hayop ka" sabi ko ng pabulong para di kami marinig ni ma'am.

"Hanggang ma-fall ka sakin" sabi nya.. Ako? Ma-fafall? Bitch please, nag papatawa ba sya? No way.

"Takas mental ka rin eh nuh? FYI hindi ako katulad ng iba na papatol agad, porket gwapo ka? Manigas ka dyan" sabi ko sakanya at tinarayan ko sya.

Bago sya makapag-salita nag ring na yung bell ibig sabihin nun lunch na.. Hay salamat di ko na makikita tong mokong na toh.

Tumayo na ako at linagay ung mga gamit ko sa loob ng bag.

"Uy tol tara na sa canteen kasama natin si Betty" sabi ni Nash habang si Joel nag iintay sa labas.

Oo nga pala.. Si Betty ay ang nag iisa kong girl best friend.. Actually kami yung pinaka close sa isa't isa.

Tumango nalang ako at lumabas na ng room.

--

Habang nasa canteen kaming apat, nag order muna ako ng fruit salad, ito lagi yung kinakain ko.

Pagka-kuha ko ng pagkain ko bumalik na ko sa pwesto namin.

"Oh bes ang aga-aga ganyan nanaman itsura mo?" Sabi sakin ni Betty.

"Siguro na busted nung bagong dating na yun si Gian" sabi ni Joel at tumawa, binato ko naman sya ng plastic bottle pero naka-ilag sya.

"Gagu kilala mo ko Joel.. Sasapakin kita pag inulit mo yang sinabi mo" sabi ko at sinubo ung slice ng apple, "opo boss" sabi ni Joel at tumawa.

"Pero pogi din yun ah" sabi ni Betty at muntikan ko ng maibuga yung kinakakain ko, "nagpapatawa kaba? Sya pogi sus, walang wala sya sa itsura kong toh" sabi ko at nag pout naman si Betty.

"Hay nako Poleene ayan ka nanaman sa pag-giging tibo mo tumigil ka nga kababae mong tao" sabi naman ni Nash at tumawa naman ako.

--

Natapos na rin ang lunch at bumalik na rin ako sa room ko.

Pagka-balik ko sa room ang ingay-ingay.

" WALA SI MA'AM WOOH! "
" AYUN OH TARA MAG INGAY TAYO "
" hahaha! ANG SAYA!"

Naks naman wala pala si ma'am, pero di ako nakikisali sa ingay nila, instead nag basa nalang ako ng libro.

Umupo na ako sa upuan ko at nagbasa nalang ako.

*BLAG!*

Amputa-.. Bastos talaga tong mokong toh ah! Binatuhan ba naman ako ng notebook nya! Ang sakit tuloy ng noo ko.

"Ano nanaman ba problema mo ha?! Hayop ka ah! Kita mong nanahimik ako dito!" Sigaw ko sakanya.. wala naman nakakarinig sakin maingay din kasi yung iba.

"Pake mo? Wala ako magawang maganda eh" sabi nya at kumindat sya.. Nako-nako talaga kinakain nya yung pasensya ko kung pwede lang pumatay ng tao idinukot ko na yang mata nya nako nang-gigil ako pigilan nyo ko.

"Ah so maganda pala toh sa paningin mo?" Sabi ko at ibinaba yung libro ko at sinamaan ko sya ng tingin.

"Oo.. may angal ka?" Sabi nya sakin at ngumisi sya na parang may binabalak sya.

"Syempre meron gagantihan kita mag hintay ka lang" sabi ko sakanya at tinarayan ko sya.

Pero bat parang linalapit nya yung mukha nya sa mukha ko.. Palapit ng palapit. Walang hiya, andami daming tao dito.

Bumibilis yung tibok ng puso ko.

"Magagawa mo ba yun?" Sabi nya sakin at na amoy ko yung hininga nya ang lamig at ang bango. Bakit hindi ko magawang mag salita.

Itinulak ko sya ng malakas, "fuck off.. you cannot take an advantage on me that easily.. And now? We are just enemies" sabi ko sakanya iniligpit ko nalang yung gamit ko tutal last subject naman ito eh kaya mas mabuti umuwi nalang ako ng maaga.

Pero bakit ganun yung naramdaman ko kanina?

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon