Nasa labas na ko ng gate ng school. Lumalamig na rin naman yung ulo ko, epal kasi yung Gian na yun panira ng araw.Tinignan ko yung bag ko para kunin yung wallet ko..
Shet
Wala pala akong pamasahe naalala ko naiwanan ko pala yun sa desk ko sa bahay.
Pero sabagay medyo malapit-lapit naman Yung bahay namin from school.
Naglakad nalang ako pero bat parang may pumapatak na basa sa ulo ko?
Inangat ko yung ulo..
Kung mamalasin nga naman..
Wala pa naman akong dalang payong ngayon ka pa umulan! Nakakainis naman! Di bale mabilis lang naman toh eh.
Naglalakad na ko sa gilid ng kalsada at basang basa na ko.. Achoo!
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh.. potek giniginaw na ko.
Maya-maya nakaramdam ako na wala ng pumapatak.. Teka may nag papayong ba sakin?
Liningon ko kung sino ang nasa likod at..
Wow ang isang Gian Evangelista papayungan banaman ako?
"Ano kailangan mo?" Sabi ko ng pa-seryoso. "Masama ka bang tulungan?" Sabi nya at ngumiti sya.
Ano daw paki-ulit? Tulungan? Nakain nito? Pag tritripan lang naman ako nito so no thanks.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo" sabi ko at naglakad na ko.
"Achoo! Achoo!" Aish epal napatumba pa tuloy ako buti nalang napa-hawak ako sa poste.
"Ano hindi mo pa kailangan ah-" tinigilan ko sya kung ano pa yung sasabihin nya, "diba sabi ko enemies? E-N-E-M-I-E-S at paninindigan ko yon- Achoo!" Epal naman tong ilong ko kaganda-ganda na nga ng speech ko amp.
"Dami mong sinasabi eh lalagnatin ka na tara" sabi nya at hinatak nya ko. San nya ko dadalhin?
"Sumakay kana" ano? Hahatid nya ko? Ni hindi nya nga alam kung saan ako naka-tira.
"Hindi mo naman alam kung saan ako nakatira eh, sinasayang mo lang oras mo dahil sakin.." sabi ko at ngumiti sya problema nito?
"Edi sasabihin mo sakin kung saan mahirap ba yon? Oh dali sakay" tinulak nya ko sa loob at isinara nya yung pinto, aba bastos toh ah di pa nga ako tapos magsalita ang bad mo! Ay acting bata lang? Echos.
Nag drive na sya at bakit nya ba ako tinutulungan? Wala naman masama di ba kung magtatanong ako?
"Tinutulungan kita kasi baka magka-sakit ka" teka nabasa nya ba yung iniisip ko? Wow ha o baka naman masyadong halata sa mukha ko. Hmpf.
"Di naman ako nagtatanong" okey Poleene mag patay malisya ka lang.
"Pero sa kina-loob looban mo gusto mo na mag tanong" sabi nya at ngumiti sya.
"Salamat.." sabi ko ng hindi tumitingin sakanya pero naramdaman ko na ngumiti sya.
"Di na tayo Enemies?" Tanong nya. "Depende.." sabi ko at ngumiti nanaman sya. Happy masyado? Amp.
--
Mga ilang minuto na rin nakalipas at nakadating na ko sa bahay.
Pero..
Hindi ko alam kung bakit ako napa-ngiti ng pagka-baba ko.
--
4'th person's POV
"Relax ka lang.. malapit-lapit naman rin yung tournament kaya marami ka pang oras para mag train" sabi ng lalaki habang nag yoyosi.
"Ako?! Mag rerelax?! Lahat nalang nakuha nya sakin pati ba naman yung babae na matagal ko ng gusto since elementary palang kami?!" Sabi naman ng isa pang lalaki na blonde ang buhok.
"Hinding hindi ko sya papalagpasin.." sabi ulit ng lalaki na blonde ang buhok.
"... Gian Evangelista"
BINABASA MO ANG
The Gamer's LOVE
RomanceSabi nila ang mga GAMER daw walang kwenta pag nag mahal dahil lahat ng attensyon nila nasa laro pero.. Nung nakilala ko sya.. Oo bad boy din sya pero nung kinilala ko sya.. kinilala nya rin ako hanggang sa nahulog na kami sa isa't-isa, kahit isa sya...