21: Nakaka-Panibago

0 1 0
                                    


Gian's POV

Ng matapos na ako maghanda para pumasok, bigla ako napaisip. Kamusta na kaya si Poleene? Busy kaya sya? Siguro kasi mag pra-practice pa yun para sa pageant nya.

Napatayo na ako at kinuha ang backpack ko at isinukbit ito sa balikat ko, maglalakad na lang ako papunta sa University tutal malapit lang naman dito yon saamin.

--

"Ang ganda naman nya, kaka-enroll nya lang kaya?"

"Sino sya, grabe nahiya yung ganda ko sa ganda nya."

"Grabe naiinggit ako sakanya."

Yan ang mga naririnig kong bulungan ng mga babae at lalaki pagkadating ko sa university.

Babae? Bago? Sino?

"Excuse me-... Gian?"

Poleene?

Poleene's POV

"Excuse me-... Gian?"

Nagulat ako ng makita ko sya sa harap ko, teka baka hindi na nya ako makilala kasi nga inayos tong mukha ko kahapon sa parlor ng mall.

"P-Poleene?" Nauutal na sabi ni Gian na parang hindi makapaniwala, grabe ganon ba talaga ang pinagbago ko at ang panget-panget ko nuon?

"Ako nga."

Sa puntong yon, yung mga tao na nakapaligid saamin hindi makapaniwala at lalo na yung mga babae nag bubulungan.

Bigla nalang ako hinatak ni Gian sa braso ko papalayo dun at dinala ako sa isang corner.

"Teka teka! Ano ba?!" Pagmamaktol na tanong ko at nai-irita na rin ako dahil naiilang na ko kanina sa tingin ng mga tao sakin kanina pagkadating ko sa University.

"Ikaw na ba talaga yan Poleene?"

"Oo nga!"

"Hindi mo naman kailangan magbago maganda kana sa paningin ko."

Ah ganon sige banat pa ang aga-aga para patunawin mo ko.

Wait... Ako matutunaw sa banat ng isang Gian Evangelista?

"Kita mo, ikaw nga si Poleene. Binanatan lang kita para makita kung ikaw talaga yan-.. Ouch!"

Isang malakas na batok na galing sakin ang natanggap nya, nakakainis toh akala ko totoo na yun pala testing lang para mapatunayan ko na ako nga si Poleene.

"Ewan ko sayo! Papasok na ko baka ma-late pa ako!"

Pagka-alis ko din rinig ko paren ang malakas na tawa nya, tss pilyo talaga.

Pagka-dating ko sa classroom ang dami nag sipag-tinginan saken, nako ito nanaman tayo.

Pagka-upo ko may lalaki na tumabi sakin.

"Um.. Miss bago ka po ba?"

"Hindi." Malamig kong sagot.

Kita ko sa peripheral vision ng mata ko ang pagka-kunot ng noo nya ngunit alam kong nagtataka ito.

"Goodmorning class."

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon