9: Bonding

4 1 0
                                        


Poleene's POV

Nakarating na kami ni Shi-Shi sa mall excited na ako.

"Shi-Shi where should we go first?" Sabi ko at mga ilang segundo ngumiti sya.

"Tara! Sisilog tayo!! Miss ko na eh" sabi nya at hinatak nya ako papunta sa Sisilog.

Yes favorite namin pareho ang sisilog tyaka na miss ko na din na kumain nun kasama sya, dati nung umalis sya kumakain ako ng sisilog kada subo ko naalala ko yung mga magagandang ala-ala namin.

Sya na sumagot ng kakainin namin and ako naman sa drinks.

Maya maya bumalik na sya at umupo sya sa harapan ko, habang nag hihintay kami hinawakan nya kamay ko.

"Sobrang na miss kita Po-Po, alam mo ba? Nuon nung nagkahiwalay tayo walang araw ko ang sumaya kasi wala ka" sabi nya at ngumiti sya.

Shocks naman! Banat ba yun? Or sobrang na miss nya talaga ako? Yung pagka-sabi nya kasi non ang sexy with a bright smile.

Leche ka Poleene umayos ka nga kung ano ano pinagsasabi mo mamaya masira nyo yung bonding nyo.

"Haha ako rin naman" sabi ko at ngumiti rin ako sakanya.

Binitawan nya nalang kamay ko nung dumating na yung waiter dala dala yung mga inorder namin.

"Okey kain na tayo!" Sabi ko at hinanda ko na yung kutsara at tinidor ko.

"Hep hep hep!! May nakakalimutan ka" sabi nya at ngumisi sya.

"Ano?" Tanong ko, ano nga ba?

"Ang una makatapos ng kakainin ililibre ng kung anong gusto" sabi nya at bigla ko naalala.

Oo nga pala may kumpetisyon kami palagi pag dating sa pagkain ng sisilog.

Pero baka nakakalimutan nya na ako lagi nanalo? Hm pero tignan natin kung magbabago yun.

"Sige...1...2...3!" Sabi ko at sabay kami kumain ng mabilis

Kumain nalang ako ng kumain at uminom ng uminom.

Ilang segundo nakita ko syang hindi na kumikibo.

Teka?! Nanalo sya?! Iisang subo nalang ako eh!!

"Yes! Nanalo na rin ako for the first time!! Haha ang bagal mo naman!" Sabi nya habang tumatawa.

"Hmp first time lang yan malamang naka-chamba ka lang" sabi ko at inubos na yung pagkain ko.

"Haha! Belat! Oh tara ililibre mo na ko" sabi nya at hinatak nya ko.

Lagi naman toh nakahatak sakin! Excited lang? Hay nako Shi-Shi haha.

Maya maya idinala nya ko sa may bilihan ng pabango.

Wow lang ha pabango pa talaga?

"Sige pipili na ko wait lang" sabi nya at nakangisi sya.

Habang namimili sya napalingon ako sa labas.

Nakita ko nanaman yung lalaki kanina sa park ng school.

Bigla ako nakaramdam ng kaba, may stalker ba ko? Hindi rin nag bago yung tingin nya sakin ganyan na ganyan rin yung tingin nya sakin kanina sa parking lot.

"Huy Po-Po okey ka lang?" Natauhan ako nung nagsalita si Ace lumingon ako sakanya tapos lumingon ako sa labas at nakita kong nawala na yung lalaki.

Humarap na ulit ako sakanya.

"May problema ba?" Tanong ni Shi-Shi sakin tapos ngumiti nalang ako para hindi sya mag alala

"Wala..wala naman" sabi ko at ngumiti sya.

"Oh ito pinili kong pabango" sabi nya at tinignan ko yung pinili nyang pabango.

Wow! Giorgio Armani pa talaga ang pinili nya ha? Payaman talaga toh.

Dinala ko nalang yung pabango sa counter at binayaran ko na.

Maya maya umalis na rin kami don at bigla nya ako yinakap at inalog alog nya ko balak ba ako hiluhin nitong baliw na toh? Haha joke lang.

"Thank you Po-Po your the best talaga!!" Sabi nya at parang nahilo ako kaka-alog nya.

"Oo na oo na bitawan mo na ko nakaka-hilo" sabi ko at tumawa sya.

"Haha sorry, okey tara sa timezone" sabay hatak nanaman ano bayan hari ba toh ng hatak? Nakakahilo na jusko day.

Pagdating namin sa timezone hinatak nya kami sa basketbolan.

"So ikaw lang maglalaro?" Tanong ko at nag cross arms ako.

"Edi tuturuan kita" ngumiti sya ng nakakaloka at hinatak nya ako at kumuha sya ng bola at pinahawak nya sakin.

Maya maya dahan dahan nya hinawakan nya yung dalawang kamay, ramdam ko sa likuran ko na dumikit yung dibdib nya sa likod ko, grabe ang tangkad talaga nito ni Ace.

Maya maya linapit nya yung bibig nya sa tenga ko.

"Ready ka na?" Tanong nya at medyo malalalim ang boses nya dun mabango rin hininga nya.

Hindi ako makasagot at tumango nalang ako.

Bawat turo nya sakin nakaka-shoot kami pareho at ako naman feeling ko sobrang safe ko pag nasa likuran ko sya, sobrang kumportable ko pag kasama ko sya pakiramdam ko din pag kasama ko sya walang mawawala.

Maya maya natapos na kami maglaro pero hindi parin sya umaalis sa likuran ko pero bigla nya ko yinakap mula sa likod ko.

"Po-Po.." sabi nya at nakaramdam ako ng kakaiba parang nag iinit yung pisngi ko nag blublush ba ko? Ace naman! Wag naman ganyan oh nakakatunaw ang hotness mo ih.

Poleene wag kang maharot behave.

"Ba-bakit?" Teka nag stutter ba ko?

"Ang saya ko na nakapag-bonding tayo ng ganito, kaya ang gusto ko hinding hindi na  tayo mag hihiwalay dahil marami pa akong gustong gawin na pangarap na kasama ka" sabi nya at nagulat ako.

Pangarap? Pangarap na kasama ako? Okay self wag assuming malay mo gusto ka nya makasama sa isang trabaho na makakabuti din sakin o kaya masasayang bagay na mangyayari samin in the future.

"Salamat Ace, pangako hinding hindi na tayo maghihiwalay kahit anong mangyari ikaw parin ang mananatili kong one and only crazy bestfriend" sabi ko at nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumiti sya.

Maya maya kumalas na sya sa pagyayakap sakin.

"Tara sa may benches tayo sa labas" sabi nya at hinawakan nya yung kamay ko. Thank God hindi na nya ako hinatak.

Pagkalabas namin pareho kami bumili ng cotton candy tapos umupo kami sa may benches.

"Khamsamnida" sabi ko habang naka-ngiti.

"Hm? For what?" Tanong nya habang napasubo sya sa cotton candy nya.

[Khamsamnida= Thank you.]

"For this special moment" sabi ko at kinain yung cotton candy ko.

Inakbayan nya ako at ngumiti sya.

"Thank you din dahil sayo sumaya ulit ako, tyaka thank you rin dahil pinag-tagpo ulit tayo ng tadhana, tyaka lagi lang ako nandito para sayo kahit anong mangyari" sabi nya, napangiti ako.

Sobrang thankful ko dahil nagkaroon ako ng bestfriend na katulad ni Ace, sya yung tipong maloko,sweet pero nangingibabaw parin ang kabaitan, tyaka oo crush ko sya pero hindi ko muna inisip kung kelan ako aamin ang mahalaga nagkita ulit kami at walang nagbago.

Mahal kita Ace Takeshi bilang isang matalik kong bestfriend.

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon