(Sorry sa sobrang tagal ng update.. buhay estudyante eh lol)
_________________________Poleene's POV
"Anak gising na!!!"
Tinakpan ko ng unan yung mga tenga ko at ako'y inaantok pa.
"Anak ngayon ang pageant mo malalate kana!!"
Ow shit! Bigla ako napabangon at tumakbo sa kusina, "hay nako my ttal anong oras na kumain kana bilisan mo,maliligo kapa,tapos mag aayos ka pa oh my god.."
"Eh eomma ang sarap ng tulog ko eh.." sa puntong yun sinubo ko yung tinapay tapos lumagok ng isang baso ng gatas.
"Okay eomma ill take a shower" sabi ko at mabilis akong pumunta sa banyo, bago yun nakita ko ang puting gown na naka-sabit sa hanger.
Kaya ko ba talaga ito?
Gian's POV
Maaga akong pumunta sa university dahil sa totoo lang excited na akong makita si Poleene..
Pero nasaan na nga ba si Poleene? Ang dami ng tao dito at yung mga contestants nandun na rin, nako late nanaman yun.
"Looking for someone?"
"Ay palaka ka-.. Ace?" Bwisit tong kupal na ito, ang mortal ko pang kaagaw sa taong mahal ko.
"Woah bro.. Easy lang, maka-palaka ka sa mukha ko ang pogi ko naman na palaka haha." Sabi nito at humalakhak at ako itong napupuno dito sa mokong ito.
"Ano ba kailangan mo?!" Irita kong tanong.
"Wala naman.. Gusto ko lang sabihin sayo after Poleene's pageant mag dadate kami."
Sa puntong yun, napatingin ako sakanya at may halong galit sa mga mata ko.
"Asahan mong.. Uunahan kita." Sabi ko at umalis sya na tumatawa..
Isang kompetisyon pala ang ginagawa mo, makikita mo makakadami din akong puntos sa puso ni Poleene
Poleene's POV
Habang nasa kotse ako hindi ako mapakali dahil kabang kaba ako.
T-Shirt na puti palang naman at black shorts at tyaka sash at heels ang suot ko, dahil mamaya pa ang gowns.
"Anak.."
"Yes Eomma?"
"Wag mo isipin yung susuotin.. And the heels, isipin mo yung Q&A kasi yun talaga ang mataas sa lahat."
Tama si mom, Q&A dapat ang isipin ko.
Pagkadating namin sa university sakto at kakastart lang ng pageant, mabilis na pumunta ako backstage.
"Candidate number 9! Meg Martinez!" Sabi ng Emcee at ako nga pala yung candidate number 10, ugh! Struggle nga naman.
Pero ang ganda ni Meg, ngayon ko lang sya nakita. At ang amo ng mukha nya.
"And last but not the least! Candidate number 10! Poleene Muñoz!"
Okay Poleene you got this!
Naglakad ako at hindi ko inaasahan ang dami nag che-cheer sakin nakakabingi, ako naman yung binubully dito pero grabe, panaginip ba ito? Kita ko sa section nila Ace todo cheer yung boys and girls, nakaka-touch naman.
Kita ko naman si Samantha ubod ng galit na akala mo sasabog na bulkan, I just smiled to tease her haha.
Ng nasa gitna na ako umikot ako tapos hinarap ang mic.
"I Poleene Muñoz 17! For Ms. Freshman Year of 2019!"
Sa puntong yun bumalik na ako sa posisyon ko at lahat kaming mga candidates sabay naglakad pa-forward at nag wave tapos bumalik uli.
BINABASA MO ANG
The Gamer's LOVE
RomansaSabi nila ang mga GAMER daw walang kwenta pag nag mahal dahil lahat ng attensyon nila nasa laro pero.. Nung nakilala ko sya.. Oo bad boy din sya pero nung kinilala ko sya.. kinilala nya rin ako hanggang sa nahulog na kami sa isa't-isa, kahit isa sya...