23: Bring's Home The Crown

5 1 0
                                    


Poleene's POV

"Candidate Number 10! Poleene Muñoz! Congratulations!"

Hindi ako makapaniwala... Ako? Tama ba ang narinig ko?

Yinakap ako ni Meg at may binulong sya sa tainga ko, "Congratulations Poleene."

Yinakap ko din sya at nagpasalamat, at maya-maya lumapit sakin yung dalawang emcee na may dalang bouqete at tyaka korona, isinuot saken yung korona at binigay naman sakin yung bouqete.

Nakita ko sila Eomma, Cherry, Pie, Ace at Gian na tuwang tuwa sakin pati na rin yung ibang crowd.

Parang maiiyak ako sa tuwa dahil hindi ko inaakala na ako pala yung Ms. Freshman 2019.

Gian's POV

Grabe tignan mo nga naman oh ang aking minamahal na binibini na si Poleene ang nanalo.. Pero kahit naman hindi sya nanalo masaya paren naman ako para sakanya.

Tyaka... Sya lang naman ang reyna ng buhay ko.

"Uy pare tara na mag pa-picture na tayo kay Poleene!" Sabi ng isa kong kaibigan na si Jhed.

Lumapit kami ni Jhed kay Poleene para magpa-picture pero syempre hinila ko si Jhed palayo at binigay ang phone ko na bukas ang camera.

"Ako muna" sabi ko kay Jhed at tumingin ako kay Poleene na ngumiti na napa-irap.

Nagpicture na kami ni Poleene.. Yes! May first picture na kami ni Poleene haha!

Pagkatapos nun nagpa-picture na rin si Jhed, pero pagkatapos nun bigla dumating si Ace para magpa-picture din.

Nako piste! Nag iinit nanaman yung dugo ko dahil lang dito.

"May problema ba Gian?" Tanong ni Ace saken na may nakakalokong ngiti.

Tumango nalang ako at wala akong panahon para sagutin sya kasi baka imbes sagutin ko sya baka masapak ko pa sya.

"Oh tara mag celebrate tayo para sa anak ko!" Bigla namang sulpot ni Tita Melanie.

"Lahat tayo Eomma?" Tanong naman ni Poleene.

"Aba'y oo naman anak. So lets go na dali im so proud of my daughter!" Sabi ni Tita Melanie kaya lahat kami sumunod sakanya.

Pero bago yun nag bigayan kami ni Ace ng matutulis na tinginan bago umalis.

Kala mo ikaw mananalo para kay Poleene? Huh! Di ko hahayaan yun dahil akin lang sya.

Pagdating namin sa bahay nila Poleene ang dami agad na naka-handa na pagkain, may carbonara, cake, brownies, chicken, shanghai at marami pang iba.

Teka? Pasko na ba? Hahaha joke lang.

Lahat kami nagsi-upuan pero nag agawan pa kami ng pwesto ni Ace kung sino ang tatabi kay Poleene, bwiset naman oh!

"Ako na tatabi sakanya" malamig na tugon ko.

"Ahhh hindi ako na." Sabi naman ni Ace. Lintek ka ayaw talaga mag pa-awat ha?!

"Hep! Hep! Hep! Para walang away i-gitna nyo nalang ako." Sabi ni Poleene kaya umupo sya sa gitna.

Habang umupo kami ni Ace ang sama paren ng tingin namin sa isa't isa.. Tsk.

Poleene's POV

"Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espirito santo Amen.. Lord thank you po para sa masayang araw na ito, salamat dun sa pageant kanina at ginabayan nyo po ako, at maraming marami salamat sa mga blessings.. In jesus name, Amen."

Pagkatapos ko magdasal lahat kami nagsipag kuha na ng mga ulam, kanin, mga iinumin, at desserts. Ako kumuha lang ako ng carbonara at shanghai.

"Po-Po tikman mo tong fried siomai ang sarap!!" Sabi ni Ace sakin at napalingon ako sakanya at ngumiti.

Susubo na sana ako kaso bigla nagsalita si Gian.

"Ahh Poleene! Ito tikman mo itong egg pie! Ang sarap nito." Lumingon naman ako kay Gian tapos susubo na sana ulit ako kaso nag salita si Ace.

"Poleene ito munang fried siomai." Sabi ni Ace na may halong sama ng tingin kay Gian.

"Ah hindi ito munang egg-..."

"Teka!" Sigaw ko at kinuha ko yung fried siomai at yung egg pie at inilagay ko sa plato ko.

"Ano okay na? Okay na kayong dalawa?" Tanong ko na may halong irita, eh sino ba namang hindi ma-iirita eh hindi mo na nga alam kung sino uunahin mo at kanino lilingon.

Napatingin ako kila mom at tyaka sa mga yaya at nakita ko na natatawa sila pero napakamot nalang ako sa ulo ko hayst!

"Poleene.. Anak, im very sure when your Appa gets home, he will be very proud of you." Sabi ni Eomma at napangiti nalang ako.. Ang tagal na rin kasi hindi naka-uwi ni Appa eh..

[Appa= Daddy]

"Ahh Poleene." Sabay na sabi nila Ace at Gian.

"Ano nanaman?" Malamig na sagot ko kasi ayan nanaman sila -,-

"Mag dadate tayo."

"Ano?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon