Poleene's POV"Anak gising na!"
Sa pagkakaalam ko ay sabado ngayon kaya di muna kita papakinggan mom.
"Si Ace naghihintay!!" Bigla ako napaupo sa hinihigaan ko. Bakit sya nandito?!
Oh wait... Pupunta nga pala kami sa mall para ipa-parlor ako kasama si mom at si Ace.
"You look shock?"
"Ay kabayo ka!-... waaah?! Sinong may sabi sayong pasukin mo ang teritoryo ko?!" Pasigaw na tanong ko sakanya habang tinakpan ko ng unan ang aking mukha.
Si Ace naman kasi susulpot-sulpot, hindi paren talaga nag babago, ganyan din sya nung bata pa kami eh.
"Di mo na kailangan mag takip ng mukha, kasi maganda ka pa sa umaga." Ace Takeshi! Enebe?! Ang aga aga bumabanat ka na!
"Eh! Umalis ka muna mag-aayos lang ako" sabi ko at kahit hindi ko nakikita alam kong nakangiti ito.
"Not unless you will show me your face" ugh! Nosebleed malamang ang grade nito sa English 100
"Ayoko!" Sabi ko at mahinang tumawa ito.
"Edi ako nalang."
Ha? Ano daw?
Maya-maya naramdaman kong may umupo sa tabi ko at ikinapikit ito ng mga mata ko, naramdaman kong hinawakan nya ang dalawang kamay ko at dahan dahan nya ito binaba para makita ang mukha ko.
At dahan dahan lumalapit ang mukha namin at...
"Mag toothbrush ka muna"
Magaling ka talaga Shi-Shi sobrang galing mo.
Narinig ko syang tumawa at hinampas ko sya sa braso nya, "Tse! Mag babanyo na ako!" Sabi ko at mabilis akong tumakbo sa banyo baka ano pa marinig ko don at hindi pa ako kumilos ng mabilis.
Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Ace. At nakahiga pa talaga sa kama ko?!
"Hoy!" Sabi ko at na-pamewang ako sa harap nya.
"Ay sorry... Ito na tatayo na pero tulungan mo muna ako." Sabi nya at ngumiti ito.
Inirapan ko sya at kaagad kong inabot sakanya ang kamay ko at inabot nya naman at...
HINILA NYA KO!
Ngayon nasa ibabaw na ako ng katawan ni Ace napapikit ako ng sobrang diin at nag iinit ang mukha ko pakiramdam ko namumula na ako.
Agad kong idinilat ang mga mata ko.
"Ace Takeshi!" Sabi ko at tinakpan nya ang bibig ko.
"Shhh... Hayaan mo nalang na ginagnito kita, naririnig mo ba ang tinitibok ng puso ko? Tumitibok yan para sayo. Ganon kita ka mahal." I unconciously smiled tapos hinayaan ko nalang ang ulo ko na isandal sa dibdib nya.
Ang lakas ng tibok ng puso nya.
"Ehem"
"Waaah!" Napasigaw ako at nahulog sa kamay tumingala ako at nakita si Mom.
"Oops sorry my Ttal baka nakakalimutan nyo na may pupuntahan pa tayo?" Sabi ni mom at ngumiti ito, tinignan ko si Ace na lumulobo ang parehong pisngi na halata nag pipigil ng tawa. Sinamaan ko ito ng tingin.
Tumayo ako at naglakad palabas at nakita si mom na naka-ngiti sakin.
"Mwo?" Tanong ko at mahina na ikinatawa ito ni Mom
[Mwo?= What?]
"Its nothing, its just that im happy for you. Oh sya mag ayos ka na at marami tayong gagawin ngayon arasso?"

BINABASA MO ANG
The Gamer's LOVE
RomanceSabi nila ang mga GAMER daw walang kwenta pag nag mahal dahil lahat ng attensyon nila nasa laro pero.. Nung nakilala ko sya.. Oo bad boy din sya pero nung kinilala ko sya.. kinilala nya rin ako hanggang sa nahulog na kami sa isa't-isa, kahit isa sya...