5: A Planned Tournament

20 3 0
                                    


Poleene's POV

Di paren ako nakakatulog ng maayos dahil sa lintek na sipon na ito, parang lalagnatin pa nga ako eh. Pero papasok pa rin ako.

**

Naka-ayos na ko at saka na ako umalis,habang nakasakay ako sa luob ng trycicle bahing paren ako ng bahing ano bayan parang gusto ko tuloy makipag-palit ng ilong.

Di bale ng pango atlis nakaka-hinga at may ilong.

Pagka-dating ko sa school meron ako nakitang malaking poster. Mukhang bago ito ah? Nilapitan ko ito at binasa.

"The Gamers Tournament. 'Let The Games Begin!' "

Aba... tournament ito ng mga ML players, at malamang kasali si Nash at Joel dito at di nga ako nagkamali nandito nga sila. Pero teka? Akala ko ba 1v1 pero bat parang naging 2v1? Meron silang makakalaban at isa lang.. At ang pangalan ng player ay..

"Bad Blood?" Mukhang bago ito ah? Meron pa namang siguro akong time para magtanong kila Nash at Joel, punta na nga lang ako sa next class.

"You seem interested at the upcoming event?" Jusko mahuhulog yung puso ko dito kung saan saan na lang sumusulpot itong Gian na toh kakalbuhin ko talaga toh eh.

Tawa sya ng tawa dahil alam nyang nagulat ako.

"So.. Happy ka na don? Dahil sa reaksyon ko? " sabi ko ng pataray, "eh kasalanan ko ba na nakakatawa yang reaksyon mo?" Sabi nya at ngumisi sya "ay nako pupunta na nga ako ng classroom" ay wait.. Kaklase ko nga pala sya kaya pala nakisabay sya ng lakad sakin.

"Manonood ka ba?" Tanong nya sakin mukhang seryoso sya eh. "Malamang nandun yung dalawa kong tropa eh" sabi ko "si Nash at Joel?" Alam nya? "Oo" sabi ko pero di na sya nag dagdag ng sasabihin nya kanina tawa sya ng tawa ngayon seryoso? Rineregla ba toh? Haha joke lang.

Pagka-pasok namin sa room wala pa si Ms. Daniela kaya syempre as usual magulo sila, pero ako? Syempre basa ng libro.

"Aral is life huh?" Tanong nya "syempre ayoko bumagsak nuh" sabi ko sakanya at natawa sya, anong nakakatawa don?

"Alam mo?" Ay hindi, hindi ko alam malay ko ba kung ano sasabihin nya? Wahahaha pilosopo rin ako eh nuh? "Alam mo naiinggit ako sa kilay mo.." amp lasing ba toh? Pati kilay ko pagtritripan kasalanan ko ba kung hindi ako marunong mag ahit? Loko rin toh eh.

"Ehh kasalanan ko ba kung hindi ako marunong mag ahit ng kilay?" Sabi ko at ngumisi sya "hindi yon.. Gusto ko yung pagka-kapal dahil maganda sayo" oh please wag mo na kong bola-bolahin i-dribble kita eh.

"Kahit kelan malandi talaga sya" hays okay Poleene sanay ka na sa ganito.

Kilala ko yung boses na yun at walang iba kundi si Samantha Dela Cruz ang queen bee, the most famous and syempre maganda at sexy and rich. Edi wow.. As if I care, maganda nga sya ugali naman nya galing basura.

"Lumayo ka muna sakin.." sabi ko ng mahina pero mukhang na gets naman nya kasi umalis sya, at ipinag-patuloy ko nalang yung pagbabasa ko.

Maya-maya dumating na si Ms. Daniela kaya lahat kami nag sipag-tahimik at umupo.

After two subjects nag recess na, pero dito lang naman ako at wala akong gana kumain.

Maya-maya nakaramdam ako ng sakit sa anit ko. Sinasabunutan nya na pala ako masyado ba akong manhid para hindi maramdaman yun kailangan ko na ata magpa-check up sa doctor.

"Hoy babaeng malandi makinig ka! Simula ngayon wag na wag mo ng kakausapin si Gian dahil akin sya!" Sus alam ko na yung mga ganitong eksena. Pero ako? Ang isang Poleene Muñoz walang gagawin syempre meron gusto nya pala ng away eh edi ibibigay ko.

Pagka-bitaw nya ng buhok ko at syempre may pa-flip ng hair, unti-unti akong tumayo at linapitan sya at hinila yung buhok nya at binaba ko yung mukha nya sa teacher's table ng malakas. Wit wew! Not bad.. Maganda pwet nya, ano ba tong pinag iisip ko hindi ako tomboy lintek.

"Hoy babaeng retokado ang mukha! Kahit kelan hindi ako malandi! At isa pa sya yung lumapit at hindi ako! Eh kung sayo si Gian edi sayo! May sinabi ba akong gusto ko sya? Syempre wala!" Habang sinasabi ko yun ina-alog alog ko yung ulo nya para magising din sya ng kaunti.

"Tyaka bago mo ko sabihan ng pangit at malandi. Tignan mo muna yang sarili mo sa salamin" sabi ko at saka ko sya binitawan.

Pagka-angat nya ng ulo nya kalat-kalat yang make up nya haha! Mukha sya clown na nangud-ngod ang mukha sa lupa.

"Pagbabayaran mo toh!" Sabi nya sakin "edi pagbayaran! Kahit ilang milyong dekada pa ang ibigay ko sayo eh" sabi ko at nainis na talaga sya wahahaha, don't mess with the wrong person kasi.

Wala rin naman din nakakita ng nangyari kasi kami lang naman ang naiwan sa room and yes tahimik na ulit.

Naisip ko yung tournament habang ako lang mag isa..

Di kaya si Gian yun?

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon