KABANATA XI

975 32 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XI~

"Lieselle, tanong ko lang, parang LQ kayo ni Sen'yorito nitong mga nakaraang araw." Sabi ni Glenda habang tinutulungan akong magpalaman ng mga sandwich.

Oo, nitong mga nakalipas na araw simula ng dumating s'ya ay paglalapit pa lang sya ay agad akong lalayo, o 'di kaya'y tinataguan ko s'ya.

"Ano ka ba Glenda, wag ka ngang maingay at baka marinig ka ng mga kaibigan ni Sen'yorito." At ts'aka ng girlfriend, bulong ko sa sarili.

"Eh bakit naman?" Sabi nito.

"Kasi hindi kami LQ, atsaka bakit naman kami mag i-LQ, eh wala namang kami."

Napabusangot naman ito at pinag-patuloy ang ginagawa.

"Glenda, ikaw muna maghatid n'yan sa pool area, may kukunin lang ako sa maid's quarter." Sabi ko at umak'yat na pataas ng pangalawang palapag.

Pagkarating ko sa kwarto namin ni Glenda at kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang phone na galing kay Sen'yorito. Pagkakuha ko ay bumaba na para hanapin si Sen'yorito.

Nakita ko ito sa likod ng mans'yon katabi ng dalawang puno ng mangga. Napahinto ako ng makitang may kasama itong babae, halatang masaya ito sa pinaguusapan nila, pinigilan kong malungkot at pilit na umayos ng itsura.

Pinagmasdan ko ang babae sya ba yung sinasabing kasintahan ng Sen'yorito? Sabagay bagay nga sila, gwapo-maganda at kap'wa mayayaman.

Pagkaalis ng babae ay t'saka ako naglakas ng loob para lumapit kay Sen'yorito.

Napaharap ito sa gawi ko at umayos ng tayo, tapos ngumiti ito sa akin.

"Thank God , I miss you Lieselle, bakit mo ba ako iniiwasan ng mga nakaraang araw?" Sabi nito at akmang lalapit sa akin ay lumayo na ako.

"S-Sen'yorito, isasauli ko na po sana itong phone."

Natigilan ito nawala ang ngiti sa labi nito.

"What? There's any problem Lieselle?" Kumunot na ang nuo nito.

"W-Wala naman p-po, isasauli ko lang po ito." Opo may problema...

"Alam kong may problema Lieselle, you using again that fucking po at me, tell me, bakit mo sinusuli sa akin yan? Binigay ko na sayo 'yan." Sabi nito at akmang lalapit ulit sa akin pero agad ulit akong lumayo.

Lakas loob ko syang tiningnan sa mata kahit alam kong nanginginig ang mga kamay ko.

"Gusto ko lang po talagang isauli atsaka kailangan ko pong gumamit ng po sa inyo, katulong lang ako at kayo ang boss ko."

Inabot ko na sa kan'ya ang paper bag, kinuha nya ito. Kinuha n'ya sa loob ang phone at dumilim ang mukha nito.

Napasinghap ako ng itinapon nito ang phone sa puno ng mangga kaya naghiwalay-hiwalay ang mga parte nito.

"S-Sen'yorito--"

"Is that what you want? Then okay." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na ito sa harapan ko.

Oh, di'ba Lieselle? 'Wag kasing umasa, gusto ka lang n'ya pero, tanggapin mo na may girlfriend na yung tao

Paniguradong 'yan ang sasabihin sa akin ni Mary kung nagkataon.

Tahimik akong nakaupo sa harap ng Sen'yora Selina habang nagkekwento ito sa akin, nasa may isang maliit na kubo kami dito sa loob ng hacienda, gusto sanang magpasama ng Sen'yora sa paglalakad kaso ay umulan naman kaya nagkekwento na lang ito.

"Alam mo Lieselle, sa lahat ng mga naging tauhan namin, sayo talaga ang may pinaka magaan ang loob ko, apo na rin ang turing ko sayo, siguro dahil sa tagal mo na ring paninilbihan sa amin." Ngumiti ang Senyora sa akin kaya napangiti na rin ako.

Natigilan kami ng Sen'yora ng tumakbo papunta sa amin ang hinihingal na si Manog Guard.

"Sen'yora, dumating na po si Sen'yorito at basang-basa ng ulan, hindi kasi nito dinala ang kotse n'ya, si Uno kasi ang ginamit n'ya."

"Hay naku! Salamat, sige pwede ka ng makaalis."

Umalis na si Manong Guard at humarap sa akin si Sen'yora habang sapo-sapo ang nuo n'ya.

"Naku, naku, grabe talaga iyong batang yun." Sabi n'ya.

"Bakit ho?" 'Di ko natiis at nagtanong na rin ako.

"Kanina ay nakasalubong ko at galit na galit, sabi n'ya magpapalipas lang ng galit, tapos umalis pala ng 'di nagpapaalam at 'yun inabutan ng ulan, kaya pinahanap ko agad kala Ernesto, ano kaya ang problema noon?"

Natahimik ako at yumuko. Siguro ay nagalit s'ya sa akin dahil sa pagpapakipot ko, sabagay sino ba naman ako para umasta ng ganun?

"Lieselle sabay kana sa akin oh, may dala akong payong." Napaharap ako kay Carlos at lumapit sa kan'ya.

"Sige tara na at baka lalong lumakas ang ulan."

Nang nasa bandang gate na kami ay napaharap ako sa may terrace ng kwarto ni Sen'yorito, at nakita ko itong nakatingin sa gawi namin ni Carlos, kaya agad akong umiwas ng tingin.

"T-Tara na Carlos."

"Oo na, atat tong babaita na to."

Habang naglalakad kami ay napaisip ako. Ayos kaya lang s'ya? Kahit papano ay nakakaramdam ako ng konsens'ya, pero tama lang naman ang ginawa ko di'ba?dapat lang na umiwas ako dahil alam ko sa aming dalawa, ako ang mas masasaktan.

--
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon