KABANATA II

1.5K 40 0
                                    

Awakened Desire

~KABANATA Ⅱ️~


Nag-mag ring na ang bell ay sinabit ko na ang shoulder bag ko sa balikat at tumayo.

Nagulat ako ng may humawak agad sa braso ko.

“Lieselle, ang bagal mo gutom nako!” Napatawa ako ng mahina ng makitang namamaktol na sabi nito.

“Maria, tara na nga nag-iingay na ang mga dragon mo sa t'yan.”

Napasimangot ito ng marinig nya ang totoo nyang pangalan ayaw kasi nito sa pangalang Maria, masyado daw mahinhin kaya sanay ito sa Mary at ts'aka di daw yun babagay sa katulad nyang siga- o mas kilalang totomboy-tomboy.

“ 'Wag mo ngang banggitin ang pangalan na 'yan naaalibadbaran ako eh!”

“Oo na tara na nga.”

Tinulungan ako nitong bitbitin ang mga libro ko.

Pagkalabas ng classroom sumalubong agad sa amin ang ingay mga estudyante sa hallway.

Pero may biglang humawak sa balikat ni Mary kaya nasapak n'ya ito.

“Aray naman Mary!”

“Oh Paulo ikaw pala.” Sabi ko.

“Paeng, bat nandito ka? Pinopormahan mo ba si Lieselle?!” Maangas na sabi ni Mary at tinanggal ang kamay ni Paulo sa balikat ko at pumagitna.

“Eh ano naman ngayon kung pormahan ko si Lieselle? Selos ka no? Sabi na nga ba at crush mo ko eh!” Sabi ni Paulo at si Mary naman ang inakbayan.

Pinilipit naman Mary ang kamay ni Paulo na nagpatawa sa akin.

“Gago! Anong ano naman ngayon? Kilala ka dito sa campus bilang chick boy kaya bawal ang mga makakating lalaki na pumaligid sa amin ni Lieselle,” humarap naman ito saken at hinala ako.

“Tara na nga Lieselle at baka makapatay pa ako.”

“Uy teka Mary,wag n'yo naman akong iwan!” Sabi ni Paulo at hinabol kami.

Pagkapasok namin sa Canteen umupo na kami sa bakanteng mesa.

“Baby Mary ko anong order mo?” Tanong ni Paulo kay Mary.

“Tang*na mo Paulo lumayo-layo ka nga sa'ken gag*ng 'to!”

Natawa naman ako sa dalawa nato. Napadako naman ang tingin ko sa isang mesang nagtatawanan.

“ 'Di ba 'yan si Kiel?”

“Ah, oo Mary.” Sabi ko.

“Bakit kaya bumalik ulit 'yan dito?”

Napaharap naman ako sa kan'ya.

“Huh? So nag-aral na siya dito?”

“Oo, 'di mo alam? Eh sikat 'yan dito ano kaba! Minsan kasi nasa Maynila' yan nag-aaral then babalik dito, pabalik-balik lang, ts'aka di na kataka-taka na di mo mapansin subsob ka kasi sa pagtatrabaho at pag-aaral.”

“Ito na ang pagkain.”

Natigil kami ni Mary sa pag-uusap about kay Sen'yorito ng dumating na si Paulo.

“Uy teka bat may pagkain na ako, eh wala akong pinabili?”

“Ano ka ba! Okay lang 'yan libre na namin, ang tagal na nating mag kakaibigan kaya alam na namin na 'di ka na naman bibili ng pagkain mo dahil iniipon mo ang pera mo, tama ba?” Sabi ni Paulo at inabot sa akin naman ni Mary sa'kin 'yung pagkain.

“Salamat guys, promise kapag nakapag tapos na tayo lilibre ko talaga ka'yo.”

“Oo na, sige kain na!” Sabi ni Mary.






“UY, DARATING raw si Sen'yorito Kiel kaya umayos kayo huh?”

Napahinto ako sa pagbibilad ng palay ng marinig ko si Aling Linda.

“Oh narinig mo iyon iha? Magpaganda ka at baka ma-inlove ang Sen'yorito sa'yo.” Namula naman ako sa tuksuhan nila Mang Pido sa akin.

“Mang Pido naman, puro talaga biro!”

Napuno naman ng tawanan ang palayan.

“Magandang umaga po Sen'yorito!” Bati ni Mang Pido dito.

Hindi na ako nag abalang makinig sa pinag-uusapan nila Mang Pido at Senyorito Kiel dahil sa pagtatrabaho.

“Lieselle hija, halika ka dito!”

Agad kong inayos ang leggings ko at lumapit kala Mang Pido.

“Bakit ho?” Magalang kong sabi.

“Gusto raw matuto ni Sen'yorito na magtanim, ikaw na lang ang magturo.”

Tumingin naman ako kay Sen'yorito na nakatingin sa palayan.

“Oo naman po.”

Pagkasabi ko ay pumunta na kami sa taniman.

“S-Sen'yorito ganito pag tatanim, kumuha po kayo ng palay tapos po hukayin nyo po ang tataniman gamit ang dalawang daliri t'saka n'yo po itanim, dapat po ay wag masyadong malalim at hindi po rin masyadong mababaw.” Sabi ko ng med'yo ilang.

Tumango naman ito at ginaya ang sinabi ko.

Inabot kami ng isang oras, madali naman turuan si Sen'yorito kaso nga lang nawili ata kaya nagtanim ng nag tanim samantala at ako pinapanood lamang s'ya.

Tagaktak na ito na pawis kaya inabot ko sa kan'ya ang puting towel.

Pero imbis na kunin ay tinitigan n'ya lang ito.

“Papupunasan mo ko, nakita mo namang puro putik ang kamay ko, Tss! Wipe it.” Sabi nito.

“S-Sige po.”

Lumapit ako dito at dahan-dahan kong dinampi ang towel, napakurap ako ng makita ang mukha nito sa malapitan.

Makakapal ang kilay, matatangos ang ilong maganda ang hugis ng labi at tsaka makinis ang mukha mukhang nahiyang tumubo ang mga tigyawat.

Napalaki ang mata ko ng makitang nakatingin ito sa mga labi ko.

“Sen'yorito, Lieselle, hali na kayo dito at kakain na.” Agad akong lumayo ng marinig ko ang boses nila Mang Pido.

Buti na lang!

“Sen'yorito balita ko single raw kayo , kung naghahanap kayo ng nobya , ay itong si Lieselle na lang bukod sa maganda ay masipag at matalinong bata , aba'y magalang pa!”

“Mang Pido naman!”

Nagsitawanan naman ulit ang mga tao sa kubo.

Anak ng pating oh! Pulang-pula na ako!

Pagka-tapos sa palayan ay naglakad na ako pauwi kasama ang bayong ko.

Napahinto ako ng huminto ang sasakyan ni Sen'yorito sa tabi ko.

“Get in, isasabay na kita pauwi.”

“Ah, okay lang po.”

“It's not okay, gabi na at baka mapano ka, ts'aka pasasalamat ko na to sa pagtuturo mo sa akin.” Malamig na sabi nito.

Sumakay na ako sa sasak'yan n'ya. Napalingon ako dito habang nagmamaneho  napalunok ako.

Bakit ang b-bilis ng tibok ng puso ko? Hayy, baka kinakabahan lang ako.


--
(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon