Awakened Desire
~KABANATA XII~
Maaga pa lang ay nagising na ako para magluto ng almusal namin nila Levin. Nagtimpla na rin ako ng kape. Habang naghahanda ako ay lumabas na sa maliit na kwarto ko si Levin.
“Magandang umaga ate.” Bati nito sa akin habang humihikab.
“Magandang umaga bunso, pakigising na si tatay, mag-aalmusal na tayo.”
Pagkarating nila ni tatay sa hapag ay nagsimula na kaming kumain.
“Tay, anong oras ka na nakauwi?”
Uminom muna ito ng tubig ts'aka humarap sa akin.
“Siguro ay mga mag-aala una na.”
“Tay, wag ka muna kayang sumama kala Mang Carlos mamaya? Kulang ka na sa tulog, baka mapano kayo.”
Ngumite ito sa akin.
“Anak, eh papano ang iniipon nating pag matrikula mo para sa pasukan?”
Hinawakan ko ang kamay nito at bahagyang pinisil.
“Tay, kahit ngayon lang magpahinga ka na muna, ts'aka pano kung magkasakit ka pa? Samahan n'yo muna rito si Levin.”
“Sige na nga, daan ka muna mamaya kala Carlito at ipaalam mo ako.”
“Sige 'tay, kain na tayo.”
Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako at naglakad na papunta kala Carlos. Pagkarating ko roon ay sinabi ko agad ang pinapasabi ni tatay ats'aka na kami umalis ni Carlos papuntang Hacienda.
“Hindi talaga tayo magtitinda ngayon?” Sabi ko kay Carlos na nababahala.
“Ang kulit? Wala nga di'ba?” Sabi nito.
“Sino daw yung bumili sa pantalan?”
Kaninang umaga raw ay kakadaong pa lang daw ng bangka nila tatay ng may umubos na raw sa paninda nila kaya di na kami magtitinda ngayon sa palengke, kaya ibig sabihin non ay dederetso na kami ng Hacienda-kaya kinakabahan na ako.
“Sabi ni tatay, mukhang mayaman raw pero bata pa mga kaedaran natin.” Sabi n'ya.
Napaisip naman ako.
“Baka yung bumibili sa palengke?” Tanong ko.
“Ewan ko.” Sabi n'ya
Pagkarating namin sa Hacienda ay tiningnan ko agad ang paligid at baka makita ko si Sen'yorito. Pero magtatanghali na ay 'di ko pa nakikita ang presensya n'ya.
'Asan kaya siya?
Habang nagluluto kami ni Manang Linda ay 'di ko napigilan at nagtanong ako.
“Manang Linda, a-asan po ba si Sen'yorito? P-Parang di ko po s'ya nakita ngayon.”
Humarap ito sa akin.
“ 'Yung mga kaibigan n'ya ay namasyal,”
Siguro ay sumama rin s'ya dahil andun ang girlfriend n'ya.
“Pero naiwan lang s'ya dito.”
Gulat akong lumingon kay manang Linda.
“Ho? Bakit hindi po s'ya sumama?”
Imbes na sagutin ako ni Manang Linda ay ibinigay n'ya sa akin ang isang beef soup, tubig at isang gamot sa isang tray. Tiningnan ko naman si Manang Linda na nagtataka.
“Para kanino ho 'yan?”
“Di'ba nagtataka kung bakit hindi sumama ang Sen'yorito? Iakyat mo ito sa k'warto n'ya, may sakit kasi ang batang 'yun, magpa-ulan ba naman kahapon, ewan ko at nagulat nga kami ng Sen'yora na galit na umalis 'yun dito kahapon.”
Natahimik naman ako at kinuha ko na ang tray. Nakaramdam tuloy ako ng konsens'ya. Napahinto ako ng lumapit sa akin si Carlos.
“S'an mo 'yan dadalhin?” Tanong nito.
“Kay Sen'yorito, tulungan mo nga ko bakla, at baka matapon ko ito.”
Agad na kinuha sa akin ni Carlos ang tray at tinulungan ako na dalhin sa k'warto ng Sen'yorito.
Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang pinaghalong itim at krema na kulay ang kwarto nito. Natigilan ako makitang nakaupo ito sa terrace nya pero sa amin nakatingin ni Carlos, malamig n'yang tiningnan si Carlos.
“Sige, Salamat Carlos, bumaba kana ako na bahala dito.”
Tumango na lang ito sa akin at isinara na ang pinto.
Napalunok ako ng humarap na kay Sen'yorito na nakatingin sa akin.
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire (Magnificent Man Series#1)
Lãng mạnMagnificent Man Series 1 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)