KABANATA XIII

989 30 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XIII ~

“S-Sen'yorito, ito na po yung almusal at mga gamot n'yo, sabi pala ni Manang Linda Pagkatapos mo raw kumain ay inumin mo raw ang gamot.”

Inilipag ko na ang tray sa may lamesa nito na nakatabi sa kama. Umalis na ito sa may terrace ng kwarto n'ya at lumapit ito sa akin. Dahil sa paglapit nito ay nataranta ako at aalis na sana pero bigla nitong hinila ang kamay ko kaya nauntog ako sa dibdib nito.

Agad naman akong naglagay ng distansya sa aming dalawa at tumingin sa kan'ya.

“Kaya pala ayaw mo akong kausapin?” Sabi nito.

Kumunot naman ang nuo dahil sa sinabi nito. Pero napaatras ako ng unti-unti itong lumapit na naging dahilan ng pag-atras ko, hanggang sa naramdaman ko na sa likod ko ang pinto, akmang hahawakan ko ang doorknob ng inunahan n'ya na ako.

“Trying to escape my question?”

“Hindi ko kayo maintindihan Sen'yorito, t-ts'aka kailangan ko ng bumaba, may gagaw--” Napasinghap ako ng ilapit nito ang mukha n'ya sa akin.

“Tell me baby, bakit mo ba ako binabaliw ng ganito? Ginawa ko pa naman ang lahat para makauwi dito, tapos hindi mo man lang ako papansinin? Why? Because of that guy?”

Lalong kumunot ang noo ko sa mga sinabi n'ya. Nagmama-mangaan pa s'ya.

“S-Sir, baka, makita tayo ng g-girlfriend n'yo.” Napayuko na lang ako, bakit ba s'ya ganto? Bakit n'ya ba ako ginaganito?

Imbes na lumayo ay lalo pa itong lumapit at iniharang nito ang mga braso nya sa akin na para bang ayaw pakawalan.

“Girlfriend? Who's motherfucker said to you that?”

Iniwas ko sa kan'ya ang tingin.

“N-Narinig ko kala Sen'yora at Manang Linda, inilibot mo pa nga s'ya dito, k-kasama yung mga kaibigan mo. ”

Hinawakan n'ya ang baba ko at hinarap sa kan'ya ang mukha ko. Nakita kong nakangisi ito.

“Listen to me, hindi ko s'ya girlfriend, she's my friend's girlfriend, maybe grandma thought Trixie is my girlfriend.”

Lumaki ang mga mata ko sa narinig, pero teka, eh bakit ang sweet nila sa likod ng mans'yon?

“Pero kung 'di mo s'ya girlfriend bakit ang sweet n'yo kagahapon?”

“Hindi kami sweet, natatawa lang kami, her cousin send me a love letter, kaya natatawa kami--wait are you jealous?”

Kumawala ako sa kan'ya at kun'yaring inaayos ang damit.

“H-Hindi ah, nagtataka lang kasi ako kasi ang tagal n'yong bumalik.”

“Nagtataka? Eh, samantala, pagdating ko 'di mo ko pinapansin, then makikita kitang nakikipag-tawanan sa lalaking tinulungan kang dalhin ang pagkain.”

Napakurap ako, si Carlos ba ang tinutukoy n'ya?

“Tapos, nagulat na lang ako ng sinuli mo na s'akin yung phone, ayaw mo na ba dun? Why? He bought you a new one?”

“Sen'yorito, ano po bang pinagsasabi n'yo? Kaibigan ko lang si Carlos, ts'aka di n'yo na po kailangang magpaliwanag, ano naman po ang karapatan ko.”

“I need to, dahil hindi mo ko kinakausap, pinapansin at iniiwasan. Okay I admit, sinad'ya kong hindi ka i-text, at tawagan, because I want you to miss like I do, then natagalan ako dahil sa company issue sa Manila, kung alam ko lang sana na 'di mo ko papansinin edi 'di ko na lang 'yun ginawa.”

Napatingin ako sa kan'ya, bumilis na naman ang timbok ng puso ko.

“O--Okay lang 'yun Sen'yorito, sige kumain na kayo para mainom n'yo na ang gamot n'yo, dapat kasi 'di kayo nagpa-ulan.”

Akmang aalis na ako sa harapan nito ng ikulong n'ya na naman ako.

“Gusto mong malaman kung bakit ako umalis kahapon?”

Napalunok ako.

“B-Bakit?”

“Kasi, naiinis ako sa lalaking lagi mong kasama. Hindi mo ko pinapansin, then nakikipagtawanan ka sa kan'ya, kaya imbes na sisantehin ko s'ya ay umalis na lang ako.”

Nagseselos ba s'ya? Natawa naman ako ng mahina, Sen'yorito bakla si Carlos! Gusto kong sabihin yun sa kan'ya.

“Bakit ka tumatawa? Can't you see? I'm jealous! Boyfriend mo ba s'ya? You didn't miss me? Are you still mad at me?”

“Sen'yorito, wala naman akong karapatan na magalit, ts'aka, hindi ko boyfriend si Carlos, matalik ko lang s'ya na kaibigan, sige na kumain na kayo.”

Napigil ko ang hininga ko ng dampian n'ya ako ng halik.

Hinawakan nya ang batok ko at hinapit ang bewang ko para maabot n'ya lalo ang labi ko. Nakapikit ito Samantalang natulala ako, hindi ko alam ang gagawin. Napapikit ako ng maramdaman kong gumagalaw na ang labi n'ya, habang tumatagal ay nasasabayan ko na rin s'ya sa mga galaw n'ya,na alam kong mas nasiyahan pa s'ya.

Napasinghap ako ng bumaba ang halik nito sa panga ko at binibigyan ako ng maliliit na halik papunta sa leeg ko, ewan ko pero 'di ko s'ya maitulak may kung anong meron sa akin na hindi ko maintindihan. Pinigilan ko si Sen'yorito ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan ng k'warto n'ya kung saan naroon kami.

“Hijo! Alam mo ba kung asaan si Lieselle? 'Di ko kasi makita yung batang 'yun eh.“

Ngumisi naman sa akin si Sen'yorito.

“Manang, ewan ko po kung nasaan eh, baka nasa hardin.”

“Oh sige, s'ya magpahinga kana para gumaling ka na agad.”

“Thanks manang.”

Nang marinig ko na ang pag-alis ni Manang ay kumawala na ako.

“S-Sen'yorito, kumain na kayo, para makainom na kayo ng gamot.”

Hinila ako nito paupo sa may teresa ng kwarto n'ya. Naupo kami sa may pabilog na mesa doon at dalawang upuan.

“Feed me.”

Natanga naman ako sa sinabi n'ya.

“A-Ano?”

“I said feed me, I have a fever right?”

S'akin lang ba talaga to, na parang nag-iisip bata s'ya?

“S-Sige, para mainom n'yo na ang gamot n'yo.”

Ngumiti ito ng pakaluwag-luwag.

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon