KABANATA XXIII

915 26 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXIII~

“Happy birthday, to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!! Happy 16th birthday Levin!!” Kanta namin ni Carlos sa kapatid ko.

Hinipan na nito ang mga kandila, at tumingin sa akin.

“I thought gabi ka na makakauwi ate?” Sabi ng kapatid ko at nag-slice na ng cake.

“Ano ka ba! Birthday mo ngayon kaya kailangan ay present ako no, by the way here's my gift for you.” inabot ko sa kanya ang pula na paper bag.

“What is this?”

“Open it.”

Kahit na nalilito ay binuksan n'ya ang binigay ko sa kanyang regalo.

“A watch?” Nagtataka nitong sabi.

“Bakit? Di mo nagustuhan?”

“Nagustuhan ko naman, but you know ate andami ko ng relo, dapat ay di mo na ko ni-regalo-han kumpleto na ako ng gamit.”

Sinundot-sundot ko ang tagiliran nito at tumawa.

“Ayiee! Ang bait ng kapatid ko parang hindi suplado ah.”

“Stop that ate!”

Tumawa na lang ako, Natigilan kami ng dumating na si Carlos dala ang niluto n'yang Craby meat.

“Tama na yan at kakain na.”

Akmang kukurot si Levin dito ng tampalin ko ang kamay n'ya.

“Aray naman ate!”

“Maghugas ka muna ng kamay.”

Dumeretso ito sa lababo para maghugas ng kamay, pagkatapos ay bumalik na ito at kumain na kami.

Anim na taon na rin ang lumipas, sa loob ng mga taon na yun ay hindi madali ang pinagdaanan namin at ng sarili ko, kasabay ng pagkamatay ng tatay ko ay ang pagbitiw ko sa taong minahal ko, hindi naman sa bitter na ako, well naka-move on na rin ako, siguro kung hindi nga kami naghiwalay ni Kiel ay hindi ko lahat to maaabot.

Mahirap rin ang pinagdaanan namin, ng una naming tungtong sa Maynila ay nangupahan muna kami nila Mary at Carlos rito, mahirap ang habang nag-aaral ay nagtatrabaho, isama mo pa ang pag-aalaga kay Levin, unang nakatapos si Carlos sa amin bilang guro, salamat kay Carlos at tinulungan nya ako sa paggastos kahit na nagpapadala rin sya sa mga magulang nya.

Buti na kang ay may scholarship pa ako para sa pag-aaral ko. At ng makapag tapos na kami ni Mary ay bumalik ito ng probinsya, samantala ako ay naging isa sa mga nagdedesenyo sa isang sikat ng kompanya na Axth Cars, kaya habang tumatagal ay nakaiipon na rin ako ng pera, nailipat ko private school ang kapatid ko na kasalukuyang ika-sampung baitang ngayon.

At nakabili na rin namin ni Carlos ang pangarap naming condominium, na pinaghahatian namin, natupad na lahat ng pangarap namin ni tatay. Kahit na wala na sya ay masaya ako at natupad ang pangarap namin.

“Ate, gusto mo ng kape?! ” Sigaw nito, dahil nasa kusina ito habang nasa terrace ako ng condo.

“Sige Levin bigyan mo ko!” Sigaw ko pabalik.

Pinikit ko ang mata ko at nilanghap ang hangin na tumatampal sa mukha ko galing sa labas. Nang pagmulat ko ay nakita ko ang hilera ng mga ibat-ibang  mga sasakyan na nasa highway na nasa baba, napatingin naman ako sa langit, full moon ngayon, ts'aka marami ring mga bituin.

Nang makita ko ang mga bituin ay naalala ko ang isang ala-ala, ang taong nakasama kong panoorin ang bituin. Kamusta na kaya s'ya? May anak na kaya sila ni Diandra?

“Ate, mukhang busy ka ah.”

Ts'aka lang naibalik ang ulirat ko ng marinig ang boses ni Levin.

“Huh? Anong busy?”

“Busy makipag-usap sa hangin.”

Umupo ito sa upuan na nasa harap ko na pinalagitnaan ng bilog na mesa. Agad ko itong binatukan.

“Aray ko ate! Ang sadista mo.”

“Hoy lalaki! Akala mo di ko alam huh! Halos araw-araw kang may pinaiyak mapa-lalaki man o babae katulad kanina nagsumbong sa akin ni Orland yung kaklase mo, may pinaiyak ka raw na babae, Sophie ata 'yun eh?”

Napairap ito sa hangin at ininom muna ang kape bago sumagot.

“Tss... Sumbungero, may crush lang sayo yun ate no, ts'aka' di mo nga alam ang nangyari.”

“Oh sige anong ginawa mo?”

“You know what ate, she's so obsess over me, then sinabi ko na I don't like her, then leave me alone.”

Binatukan ko ulit ito.

“Aray ate ah, nakakarami kana!”

“Wag ka ngang maingay at baka gumagawa ng lesson plan ang kuya Carlos mo. Ts'aka ikaw, wag ka ngang mas'yadong mean sa mga babae, para ka tuloy bakla.”

“Me? Hell no, pinagtitilian at pinag-aagawan ako ng mga babae at school ate, tapos bakla ako?”

“ 'Wag ka kasing nagpaaiyak ng babae Levin, imagine may nagpaiyak sa akin? Di'ba magagalit ka? S'yempre ganon din mararamdaman ng magulang nung pinaiyak mo.”

“Okay, pero promise ate, pag may nanakit sayo, babasagin ko ang mukha.”

Mahina akong natawa at ginulo ang buhok nya. Ngayon hanggang leeg nya na lang ako, samantala dati  mga hanggang dibdib ko pa lang sya.

“Asus, Sige na matulog na at may pasok ka pa bukas.”

“Okay, g'night ate,matulog ka na rin at baka magka eye bags ka pa, sige ka, pumangit ka.”

“Opo matutulog na po.” Pambibiro ko rito.

Nang pagkaalis nito ay bumalik ulit sa bituin ang tingin ko, it was six years ago, marami ng nagbago. Naka move-on na rin ako kahit noon ay umiiyak pa ako tuwing gabi, ngayon ay napatawad ko na rin sya,siguro ay di talaga kami para sa isat-isa.

------

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon