KABANATA XXXIX

1K 29 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXIX~

Peste! Nagkanda traffic traffic pa! Simula ng pagkaalis ko ng bahay ay hanggang ngayon andito pa ako naiipit sa traffic.

Napakagat ako ng labi at hindi mapakali na sinulyap ang relo, damn! Bakit ang malas ko ngayong araw na to?

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may tawag or text sa akin si Kiel. Pero, wala ni isa, hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip ng masama. T'saka pam-babae talaga yung boses na narinig ko.

Nag ring ang cellphone ko at nagmamadaling sinagot ito, pero akala ko si Kiel ito pero hindi, si Jasmine lang pala...

“Jasmine,” mahina kong bungad dito.

“Miss Lieselle asan ka na po? Mag li-leave po ba kayo kaya hindi kayo makakapasok?”

“Hindi, naipit kasi ako sa traffic eh, pero papasok ako.”

Lumingon ako sa kalsada na hanggang ngayon ay hindi pa gumagalaw.

“Sige po Miss Lieselle.”

“Salamat Jasmine.”

Pinatay ko na ang tawag at kinalabit ang driver ng taxi.

“Kuya, wala po bang ibang daanan na pwede nating daanan?”

Humarap sa akin si kuyang driver.

“Pasens'ya na po Ma'am pero wala po talaga eh.”

Nilabas ko na ang wallet ko at kumuha ng pera.

“Ito po bayad ko, dito na lang po ako.”

Pagkabigay ko ng pera ay lumabas na ako mg taxi , bumungad sa akin ang mainit na simoy ng hangin. Tiniis ko na lang ang init at naglakad na lang. Medyo malapit na rin kasi dito ang building na pinagtatrabahuan ko.

Tumigil muna ako at dumaan muna sa isang café sa lumipas kasi na mga araw ay takam ako sa matatamis, at ewan ko kung bakit, um-order muna ako ng black coffee at isang slice ng Bavarian Cake, naupo ako sa isang bakanteng mesa, habang kumakain ay sinulyap ko muna ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe o tawag si Kiel, pero wala talaga.

Napalunok ako at mariing pumikit, hindi ako lolokohin ni Kiel!

Napasulyap ako sa glass door ng bumukas ito,kumunot ang nuo ko. Anong ginagawa n'ya dito?

Tatayo na sana ako para lapitan si Kiel ng may sumunod na babae sa likuran n'ya, sobrang ganda ng babae, her skin is so thin, naka floral dress ito.

S-Siya ba yung babae sa cellphone? Hindi ko namalayan na kinakain na ako ng selos, damn! Naiiyak ako! Pinanuod ko silang papunta ng counter may ibinigay sa kanila ang nasa counter na isang box ng cake.

Nagtatawanan silang lumabas ng café, ng pagkalabas ay tumayo na ako at iniwan ang kinakain. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko padabog akong naglakad papuntang building pero hindi pa ako nakakalayo ng café ng nagdilim ang paningin ko.

Napatigil ako at unti-unting nanlalabo ang paningin ko, w-what happening?

“Miss are you okay?”

Hindi ko na makita ng maayos ang taong nasa harap ko at bago makasagot ay nawalan na ako ng ulirat.



NAGISING ako na med'yo nahihilo pa , nang pagkamulat ng mata ko ay puro puti ang mga gamit.

'Asan ako?

Sumulyap ako sa paligid at base sa mga nasa paligid ko ay nasa Hospital ako, pilit kong inaalala ang mga nangyari ng bumukas ang pinto.

Pumasok dito ang lalaking may pagka brown ang buhok. Ngumiti ito at binaba ang isang plastic bag.

“Oh gising ka na, buti naman.”

Kahit na medyo nagtataka ay naglakas loob akong nagtanong dito.

“B-Bakit ako nandito?”

“Bigla ka na lang nawala ng malay kanina habang tinatanong kita, nakita kasi kita na gumegewang na sa paglakad, oo nga pala hintayin natin yung doctor, hindi ko rin kasi alam kung bakit ka nawalan ng malay.”

Tumango-tango ako hinanap ko ang bag ko at nakitang nag ri-ring ang cellphone ko, nakaregister ito kay Kiel.

Nainis ko ito i-power off at inilagay sa bag. Yung lalaking nasa loob din ay may kausap sa cellphone ng biglang bumukas ang pinto at pumasok dito ang doktora

Tumayo yung lalaki at tumingin sa doktora.

“Doc, ano pong nangyari sa kan'ya?”

Lumingon sa akin ang doktor at ngumite.

“Congrats Sir, your wife is three weeks pregnant, stress kasi si misis kaya nawalan ng malay.”

Tumawa yung lalaki.

“Nagkakamali po kayo, hindi ko s'ya kaano-ano, nakita ko lang kasi s'ya kanina sa daan, then tinulungan ko.”

Halatang napahiya ang doktora at nahihiyang humingi na paumanhin sa akin. Binigyan nya ako ng mga ilang payo sa pagbubuntis, katulad ng pagbabawas ng mga trabaho.

Pagkaalis nito ay tumingin ako sa lalaking may pagka-singkit.

“Salamat sa tulong mo, inakala pa tuloy na asawa mo ko.” Inaayos ko na ang gamit ko at tumayo na ako ng tuwid, nakatayo na rin ito.

“That's okay, isipin mo na lang na tulong ko yan sa baby mo, wait where's your partner?”

Napaasim ang mukha ko at nainis ng maalala ang lalaking yun.

“Wala akong partner.”

Tumawa ito kaya lalong nawala ang mata nito.

“Oh, LQ I see, payo ko lang ay ayusin nyo na ang problema n'yo, lalo't mag kaka baby na kayo, sige maiwan na kita hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko.”

“Salamat ulit sa pagtulong mo, ako pala si Lieselle.”

Bago ito lumabas ay sumaludo ito.

“I'm Eros, that's my gorgeous name.” Nang masabi nya ito ay lumabas na s'ya ng tuluyan.

Nang makapag bayad na ako sa Hospital bills ay lumabas na ako sa Hospital at pumara ng taxi  pauwi ng condominium.

Binuksan ko saglit ang cellphone ko para i-text si Jasmine.

To:Jasmine
Jasmine, hindi mo na ako papasok ngayon, sens'ya na.

Agad kong pinatay ang cellphone at napasandal sa upuan sa taxi. Magiging nanay na ako...

Kaya siguro, ang moody ko these past few days, kaya siguro rin na takam ako sa matatamis. Napangiti ako at hinaplos-haplos ang t'yan.

Ng makarating sa unit ay humilata ako sa kama, ang bilis pala mapagod kapag buntis, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Mamaya-maya ay nagising ako na parang hinahalukay ang t'yan ko, agad akong pumunta sa banyo at duon sumuka, nanghihina akong napasandal sa dingding na banyo at hindi alintana ang lamig nito.

Nang medyo may lakas na ako ay dahan-dahan akong tumayo para kumuha ng tubig sa kusina, habang umiinom ay napaharap ako sa wall clock at napalaki ang mata. Its already seven pm! Grabe ang naitulog ko, sumulyap ako sa kwarto ni Levin pero wala pa s'ya.

Saan ka nagpunta yun?

Nang may nag door bell ay dali-dali akong pumunta sa pinto.

“Levin bakit ngayon ka--” Natigilan ako at nalukot ng mukha.

-------

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon