Awakened Desire
~KABANATA XXXVII~
Kinakabahan akong sumulyap kay Kiel habang nagmamaneho ito.
“Sigurado ka bang gusto mo makita si Levin?”
Shit! Baka mabiktima s'ya ng ugali ni Levin!
“Yup, I want to meet my brother in-law.”
“Anong brother in-law ka d'yan? Hindi pa nga tayo kasal.”
“Malapit na Lieselle, kaya mag-practice ka na ng bago mong signature, at mapapalitan na ng de Valle ang apelyedo mo.”
Napakagat ako ng labi at palihim na ngumite, para tuloy akong teenager nito na kinikilig sa mga banat n'ya.
“Ewan ko sayo.”
Kinindatan lang ako nito at hinawakan ang kamay ko ts'aka ito hinalikan.
“I love you.” Sabi nito.
“I love you too.”
Lalong lumawak ang ngiti ko at tumingin sa daan.
Itong lalaking to kaya n'ya talagang paibahin ang mood ko.
Nagkaroon na kami ng magandang usapan kanina, yung malinaw at nasagot lahat ng tanong ko. Sa isang iglap bumalik yung dati, yung anong gusto ko, katulad ng ganito...
Nang makarating na kami sa building ng condominium ay gibarahe n'ya na ang sasakyan, nauna itong lumabas para pagbuksan ako ng pinto ts'aka kami magkahawak na kamay ng pumasok sa elevator. Pagkapasok namin ay medyo kinakabahan talaga ako, sana 'wag namang pairalin ni Levin ang kasungitan n'ya.
“Mukhang mas kabado ka pa sa akin ah? There's anything problem hmm?” Hinaplos haplos nito ang kamay ko at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
“Wala naman, hindi pa kasi kita nababanggit kay Levin.”
Nahihiya kong sabi at naghihintay sa sasabihin n'ya.
Pero hanggang sa makarating na kami sa harap ng unit ko ay hindi pa ito nagsasalita. Kaya bago pumasok ay hindi ko muna binuksan ang pinto, at hinarap s'ya.
“Galit ka?”
“Huh? Bakit naman?”
“Simula kasi sinabi kong hindi kita naibanggit kay Levin, 'di kana nagsalita.”
“Bakit naman ako magagalit? Iniisip ko lang ang mga salitang sasabihin ko sa kapatid mo, para pumayag agad sya sa akin.”
Ngumiti ako at hinalikan ang pisnge nito. Nilagay ko na ang code at bumukas na ang pinto. Pagkabukas nito ay natanaw ko na si Levin na nakahilata sa sofa habang umiinom ng soft drink in can.
“Levin.”
Pag-aagaw atensyon ko rito.
Tumayo na ito at humarap sa gawi namin ni Kiel.
“L-Levin, si Kiel, b-boyfriend ko.”
Sana 'wag n'yang pairalin ang kabaliwan n'ya please.
Umupo ito sa sofa at taimtim na tinitigan si Kiel.
“Sit. And we're going to talk.”
Napangiwi ako at tiningnan si Levin ng masama.
“Levin, ano ka ba umayos ka nga mas matanda yan sayo, hindi kita tinuruan ng ganyang pag-uugali--”
“No, it's okay, andito nga ako di'ba para pag-usapan ang tungkol sa relasyon natin.”
Umupo na ako at tumabi si Kiel sa akin, habang si Levin ay seryosong nakaupo sa harap namin. Nilingon ko si Kiel na seryoso rin.
“Magsimula na tayo. I'm straight to the point ipapaalala ko lang sayo.”
Napasinghap ako dahil sinabi ni Levin, tsk Levin and his sharp words...
Pero imbes na kabahan si Kiel ay ngumite ito.
“Yeah, I know you, you are one of the Campus officer of Ateneo de Manila. My mom is the dean of that.”
Halatang nagulat si Levin pero hindi pa rin ito nagpatinag.
“Kaya mo bang buhayin ang ate ko?”
“Lahat ng gusto ng ate mo ay buong puso kong ibibigay.”
Tumaas ang isang kilay ni Levin.
“Mr. de Valle, I know you too. You're the owner of de Valle Hotel, and also known as playboy, ano namang gagawin mo para mapatunayan na hindi mo lolokohin ang ate ko?”
“Levin!” May diin kong tawag sa pangalan nito.
“No it's okay, it's my pleasure to answer that question baby.”
He wink at me like it's a small thing.
“Kahit tanungin mo lahat ng tao sa mundo kung gano ako ka seryoso sa ate mo, you can also ask your ate Mary.”
Nawala ang pagkaseryoso ni Levin at halos mapanganga ako ng lumawak ang ngiti nito kay Kiel.
“You've passed my questions, kailan ang kasal?”
My brother is such a bipolar.
“Pag-iisipan pa namin ng ate mo.”
Sumulyap sa akin si Kiel at hinawakan ng mahigpit ng kamay ko, grabe pati charm n'ya hindi kinaya ni Levin.
“Oo nga pala, may pina-design akong bagong kotse kay Fourth, I'll give you that soon.”
“Talaga? I-I mean thanks. Ahm... Kumain ka na ba bayaw? May niluto ako, you want?”
Bayaw?
“My pleasure ”
Tumayo na silang dalawa at pumunta sa kusina habang ako naiwang nakatanga.
Seriously?
-------
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire (Magnificent Man Series#1)
RomanceMagnificent Man Series 1 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)