KABANATA XXI

880 28 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXI~

Mabigat ang hininga ko at pilit na pinapakalma ang sarili, mahapdi na rin ang mata ko kakaiyak.

“Levin, tama na wag ng umiyak, 'andito lang si Ate.”

Hinahagod-hagod ko ang likuran nito habang hinahaplos ang buhok. Patuloy lang ito sa pag-iyak at lalong sumiksik sa bisig ko.

“Lieselle, hija, lumapit na kami sa Mayor, s'ya na raw ang gagastos sa mga ginastos rito sa hospital, tapos, barangay na raw ang gagastos sa lamay at paglibing ng tatay mo.” Tumabi sa akin si Mang Carlito.

“Mang Carlito, kailan n'yo pa alam?”

Bumuntong hininga ito at nagsimulang magsalita.

“Apat na buwan pa noon,ng pagka daong namin sa dalampasigan, nahirapan ang tatay mong huminga, kaya agad naming dinala sa hospital, sabi ng doktor, may tama na raw ang tatay mo sa atay at baga, pero mas malala raw ang kalagayan ng baga nya', tapos sabi ng doktor, 'di na s'ya magtatagal balak ko sanang sabihin sa iyo yun kaso nga lang sabi ng ni Lito 'wag muna baka raw kasi makaapekto sa pag-aaral mo at ga-graduate ka na noon ng Senior High School, pasens'ya na hija.”

Naluluha akong tumingin kay Mang Carlito.

“Ano ba kayo Mang Carlito, ayos lang yun, si tatay k-kasi eh.” Pumiyok ang boses ko sa huli kong sinabi at 'di na pigilan ang pagtulo ng mga luha.

“Nakakainis 'yang si Lito, akala ko ba ay sabi n'ya ay sabay kaming papantay ang paa? Ang aga n'ya namang umalis, naalala ko tuloy sabay pa kami n'yan noon na naliligo.” Mahina itong natawa kahit na nakikita ko itong malungkot at umiiyak.

Lalo na lang bumuhos ang mga luha kong pinipigilan ko.

Kanina ay naabutan ko na lang si Tatay na nakahilata sa bahay habang umiiyak si Levin. Wala na itong hininga at puti na ang mga labi. Pero pilit pa din naming sinugod sa dito sa hospital.

Pinikit ko ang mata ko at pinigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pagkadilat ko ay nakita kong nakatulog na pala si Levin kakaiyak.

“Tawagin ko lang ang Manang Delia mo, para iuwi na muna tong si Levin sa bahay namin para maayos na natin ang mga aasikasuhin natin sa para sa tatay mo.”

Marahan akong tumango. Pagkarating ni Manang Delia at Carlos ay binuhat na ni Carlos si Levin at sinenyasan ako na mauna na sila ng nanay n'ya.

Bago kami umalis ni Mang Carlito ay dumaan muna ako ng palikuran, pag kapasok ko sa isa sa mga cubicle roon ay agad kong denial ang number ni Sen'yorito.

“Hello?”

“K-Kiel.”

“Lieselle, kamusta ka na? Did you miss me?”

Halata sa boses nito ang kasiyahan.

“O-oo, kamusta ka na d'yan?”

“Hayy, magulo pa nga eh, may mga requirements and iba pang problema sa kompanya, I want to finish this all shit, I'm want to see you badly, hug you and kiss you, ikaw kamusta ka na?”

“M-maayos lang naman, sige baka may ginagawa ka mauna na ako.”

“Sige bye baby, see you again, I'm miss you and I love you.”

“I l-love you rin.”

Agad kong pinatay ang Cellphone at naghilamos. Ayokong sabihin muna kay Kiel ang mga nangyayari, baka lalong madagdagan ang problema non. Pagkalabas ko ay nakita kong hinihintay ako ng Mang Carlito, at tumuloy na kami.

Naayos na namin ang lahat ng kailangan, maraming nakilamay sa burol ng tatay, kahit papaano ay maraming dumamay sa amin. Andun rin si Carlos mula umaga hanggang hapon para makapahinga ako.

Dumalaw rin ang Sen'yora, pero din na nakabalik dahil pumunta ito ng Espanya. Minsan lang nakakapunta si Mary dahil malapit na ang eleks'yon, tumatakbo kasi ang tatay n'ya bilang Congressman dito sa bayan namin.

Walang araw na hindi kami umiiyak ni Levin, buti na lang 'andyan sila Carlos para damayan kami. Ika-siyam na araw ay inilibing na si tatay na sinagot na ng barangay.

Pagkauwi ko ng  bahay ay binuksan ko na ang sobre na ibinigay ng tatay kay Mang Carlito. Isa itong liham.

Lieselle,

Anak alam kong hindi ako naging perpektong ama sa in'yo ni Levin, pero anak mahal na mahal kayo ng tatay, siguro ay ganito na talaga ang kapalaran ko, susunod na ako sa nanay n'yo, magkakasama na kami. Aalagaan mo ang kapatid mo, pasensya ka na at mahihirapan ka dahil wala na ako, sa ilalim ng tukador ay mayroong medyo maliit na kahon buksan mo iyon, 'andoon ang inipon kong pang-matrikula mo, mag-aral ka ng maayos anak, para' di ka magaya sa akin para maiahon mo sa hirap ang nakakabata mong kapatid, tuparin mo ang pangarap nating makapagtapos ka ng pag-aaral, para kahit nasa langit na ako may maipagmamalaki ako sa mga kasama ko. Anak aalagaan mo ang kapatid mo at ang sarili mo, Mahal kayo ng tatay, tandaan mo 'yan.

Napahagulgol na lang ako at niyakap ang kahon kung saan nakalagay ang pera na inipon ng tatay. Agad akong pumunta sa bahay nina Mary Pagkarating ko ay niyakap agad ako nito.

“Pasens'ya na Lieselle at 'di ako naka-abot sa libing ng tatay mo.”

”Ayos, lang 'yun! Mary, sa katunayan andito ako para sa offer mo, tinatanggap ko na, pero isasama ko ang kapatid ko.”

(A novel by biGRAYStterness)

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon