Awakened Desire
~KABANATA XIV~
“Sige, bababa na ako, hinahanap na kasi ako ng Manang Linda.”
Akmang bubuksan ko ang pinto na hawakan nito ang kamay ko.
“Okay , but mamaya bababa ako, ayokong nakikita na dumidikit sayo 'yang Carlos na ' yan. Understand?”
“Pero Sen 'yorito--”
“No buts.”
“Sige.”
Pipihitin ko na sana ang doorknob ng hilain n'ya na naman ako, akmang magtatanong ako pero nailapat n' ya na ang labi n'ya sa akin.
Napapikit na lang ako at dinama ang labi n' ya sa akin. Nang maghiwalay kami ay idinilat ko na ang mga mata ko.
“S-Sen'yorito, nakakarami n-na kayo.” Nahihiya kong sabi
“Eh, ano naman ngayon? Wala namang magagalit di'ba? You don't have boyfriend And I don't have girlfriend too--but soon.”
Matiim n'ya naman ako tinititigan kaya tumikhim ako ng mahina at naghanap ng pang-iwas sa pagkailang.
“S-Sino naman 'yun?”
“Later, malalaman mo, at tiyak magugustuhan mo.”
Ayokong umasa pero a-ako kaya 'yun? Eh kasi ano ba para sa kan'ya ang mga halik namin?
“Sige, bababa na ako.”
Dali-dali ko ng binuksan ang doorknob at baka matagalan pa ako bago bumaba.
“Lieselle, 'san ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap.”
Napalunok ako at naghanap ng maidadahilan.
“A-Ahm... N-Nakatulog ho ako, sa... Sa likod ng mans'yon.”
“Ah ganon ba? Dapat sa maid's quarter ka na lang natulog, oh s'ya tulungan mo na ako, dumating na ang mga kaibigan ng Sen'yorito, kailangan ng magawa ang meryenda nila.”
Tinulungan ko na si Manang, nagluto ito na pancake samantala ako ay naghuhugas at naghihiwa ng mga prutas. Pagkatapos naming maghanda ay dinala na namin to sa may pool area.
Natanaw ko agad ang mga nagtatawanan na tao roon. Ta-tatlo sila at may isang babae na katabi ng may kulay abo na highlights ang buhok, tama, s'ya yung pinagkamalan kong kasintahan ng Sen'yorito.
Naramdaman naman ng mga ito ang presens'ya namin kaya humarap ito sa gawi namin.
Pagkalapag ni Manang ng tray na may laman ng pancakes at prutas ay nagsalita ito, habang nilalapag ko ang mga baso na may mga juice.
“Lieselle, ikaw muna ang mag-entertain sa kanila, at tatawagin ko lang ang Sen'yorito.”
Marahan akong tumango, pagkaalis ni Manang, ay humarap na ako sa mga tao na nasa mesa at upuan na nasa tabi ng pool.
Tatlong mga lalaki ito at lahat sila-halos mga perpekto. Humarap sila sa akin.
“Oh, hi there I'm Frazer, Kiel's gorgeous cousin.” Kinamayan ako ng lalaking may halong abo ang buhok, sa tingin ko ay matinik ito sa babae,halatang-halata sa pormahan nito, tumingin naman sa akin ang katabi n'yang babae.
“Trixie, that's my name.” Sabi n'ya at bumalik ang tingin sa magazine, hindi katulad ni Frazer na kinamayan ako. Sa tingin ko ay girlfriend s'ya ng pinsan ng Sen'yorito.
“I'm DK, best friend of Kiel.” Sabi ng lalaking itim na itim ang buhok.
“Hoy pare magpakilala ka naman puro ka libro!” Natatawang sabi ni Frazer sa lalaking may hawak ng libro at nakasuot ng reading glasses.
Tumingin ito sa gawi ko at inilapag ang libro t-teka, libro ba 'yan tungkol sa The Descent Of A Man by Charles Darwin??Grabe!! Mamahalin ang librong' yan dahil sa ibang bansa lang mabibili ito.
Tingin pa lang malalaman na nagyayamanan ang mga ito, mga suot na damit pa lang halatang mamahalin.
“I'm Chadd, the best friend of that fuckass, your Lieselle right?”
Teka, pano ako nakilala nito?
“Ah, opo.”
“ 'Wag muna kaming i-opo, I think lapit lang naman ang mga tanda namin sayo.” Sabi ng DK ‘kuno’ at nilantakan ang pagkain.
“May taste 'yang pinsan mo babe.” Napatingin ako dun sa Trixie na yumapos kay Frazer.
“Anong ibig sabihin n'yo?” Nalilito kong sabi.
“Well--”
Hindi na natuloy ng Chadd ang sasabihin n'ya ng may tumawag sa kan'ya.
“Hey guys.” Napatingin kami sa bagong dating na Sen'yorito.
“Magaling kana dude?” Tanong ni DK. Ngumise naman sa akin si Sen'yorito.
“Yeah, ang galing kasi ng gamot ko.”
Napalunok ako ng makitang nakatitig ito sa akin.
“Mukhang kulang tayo ah, By the way where's Fourth?” Tanong ni Sen'yorito at umupo sa bakanteng upuan.
“Well, naghahanda para sa Engagement party nila ni Cia” sabi ni Chadd ay ininom ang juice.
“Eh kailan raw sila ikakasal?”
“Kapag nag eighteen na raw si Cia.”
Pakiramdam ay di na ako kailangan dito ako kaya umalis na lang ako. Dumaretso ako sa sala, pero tanaw ko parin ang Sen'yorito, tumatawa ito ng makita ko sya. Napangiti na rin ako, napawi ang ngiti ko ng may naalala ako.
Hayy, sobrang layo ko sa kanila--at sa kan'ya. Mayayaman sila at nirerespeto ng lahat ng makakita, samantala ako tanging pag-aaral lang ang maipagmamalaki.
Pero kahit ganon ewan ko sa sarili ko, bakit hindi ko sya malayuan, siguro nga tama sila Kung gusto mong sumaya, matuto kang sumugal. Kaya sa pagkakataon na ito, hahayaan ko muna ang sarili ko.
-----
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire (Magnificent Man Series#1)
RomansaMagnificent Man Series 1 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)