KABANATA XXXVI

1K 34 1
                                    

Awakened Desire

~KABANATA XXXVI~

“P-Pwede naman tayong mag-usap na di ganito ang sitwasyon di'ba?” Naiilang talaga ako sa kalagayan namin.

Mahina itong natawa at lumayo sa akin bahagya, kaya nakatayo na ako ng tuwid.

“B-Bakit andito ka pa?” Napakagat labi ako ng mautal na naman.

“Sa tingin mo, bakit 'andito pa ako huh?” Umupo ito sa isa sa mga swivel chair at di pa rin maalis ang mapaglarong ngiti nito.

Bahagya akong napaamang. Why does this man look so perfect?

“ 'Y-Yung ano, about happened to us?”

“ 'Yun lang?” Tanong nito.

Tumayo s'ya at lumapit sa akin, ng makalapit ay hinuli nito ang bewang ko at pinagdikit ang nuo namin.

“K-Kiel...” Mahina kong tawag sa pangalan nito at napako ang tingin sa labi n'ya.

Nahigit ko ang hininga ko ng biglang bumukas ang pinto ng meeting room, at uniluwa non si Jasmine na nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin ni Kiel.

“S-Sir Ezikiel, pasensya na po, h-hinahanap ko lang po si Miss Lieselle...”

Bahagyang lumayo sa akin si Kiel at nilingon si Jasmine.

“Sabihin mo kay Fourth, your Miss Lieselle will take a leave for this day.”

“S-Sige, p-po.”

Agad-agad na umalis si Jasmine dahil halata naman sa mukha nito ang takot kay Kiel. Lukot ang mukha akong humarap kay Kiel.

“At bakit naman ako magli-leave?”

Hinuli nito ang mukha ko at inilapit ang mukha sa akin, na agad na nagpasinghap sa akin.

“May pupuntahan tayo.”

Hindi na ako tumutol at nagpahila na lang palabas ng kwartong 'yun. Nagbaba ako ng tingin ng makitang pinagtitinginan kami ng mga empleyado na nasa loob. So ahm, yeah... Siguradong ako ang headline ng balita.

Nang pagkasakay sa kotse ay tanging makena lang ang naririnig. Palihim akong sumulyap sa kanya habang nagmamaneho s'ya, this man is such a perfect, he's rich, powerful and has perfect appearance.

Nang sumulyap ito sa akin ay nag iwas tingin ako. Naramdaman nya kaya na tumitingin ako? 'Wag naman nakakahiya pag nagkataon!

“S-Saan mo ba ako dadalhin?”

“Malalaman mo, soon.”

Ngumiti ito sa akin, yung dating ngiti n'ya na hanggang tenga. Agad akong tumingin sa bintana at duon ako ngumiti, nahawa na ako sa ngiti n'ya...

Binuksan ko ang bintana at humampas sa mukha ko ang sariwang hangin, hinangin na rin ang mahaba kong buhok. Nadako naman ang tingin ko sa mga puno na nasa gilid ng kalsada. Buti pa rito at marami pang puno...

Saan kaya kami Pupunta? Magagalit ba s'ya kasi hinusgahan ko agad s'ya? Eh kasalanan nya din naman yun di'ba? A-anong mangyayari?

Napahinto ako sa pag-iisip ng huminto na ang sasakyan . T-Teka , ito yung lugar na ahm ... Kung saan nangyari yung sa amin...

“A-Anong ginagawa natin dito?”

Nag-aalangan akong bumaba ng bumaba na rin s'ya ng kotse.

“Mag-uusap tayo kung saan tayong dalawa lang talaga.”

Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak papasok ng bahay na 'yun. Pagkapasok ay bumungad sa amin ang malinis na paligid nito, yung tipong kahit walang nakatira ay alagang-alaga ito. Kahit saang anggulo ay malinis ito.

Awakened Desire (Magnificent Man Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon