Chapter II

189 1 0
                                    

 “That’s sweet! Ang gwapo talaga niya pero sira lang image niya sa bawat babae” sabi ni Hannah sa kanyang kaibigan na si Lj.

“Hindi ko alam kung bakit ako kinukulit niyang lalaking yan. Nakakainis” pagsagot naman nito.

“Baka type ka niya bes!” sabay tapik sa balikat at pagkakilig pa.

“Type naman niya lahat ng babae. Sa dami ng kanyang pwedeng pagtripan, ako pa talaga ha” pag-kairita nito.

“Hindi naman lahat no.. Magaganda lang. Pero bat ako hindi niya kinukulit? Pag ako… patitinuin ko ang lalaking yun. Sana ako na lang type niya. Hahaha”

“Malandi lang te? Try mo ginagawa ni Ivon sa kanya para magustuhan ka niya. Gosh. Sa dami ng lalaki sa buong mundo mas gusto pa nilang magpagamit sa lalaking yun” ani Lj.

“Hindi ka ba nagwagwapohan sa kanya? Mayaman pa. Bes ha, baka dumating yung araw na kakainin mo lahat ng mga sinabi mo. Naku” pang-aasar nito sa kaibigan.

Hindi naman man-hater itong si Lj pero pagdating kay Jake, sobrang kinaiinisan niya ito. Dahil sa paglalaro ng damdamin ng mga babae? Siguro. Kaya dumadami na rin ang mga babaeng manluluko dahil sa lalaking yun. She wanted a faithful man who will love her no matter what. Pero she admit, his handsome. All girls know that.

“Ano naman kung mayaman? Hindi mangyayaring mafa-fall ako sa taong yun. Tignan mo college na sana siya pero hanggang ngayon 3rd year high school pa rin. Di man lang siya nahiya, kilala pa naman ang pamilya nila.”

“Eh ba’t parang ikaw pa itong sobrang affected sa kalagayan niya? Total matalino ka naman… Turuan mo kaya”

Sa katunayan, scholar si Lj sa school nila. Hindi tulad ni Jake na pinapabayaan niya ang studies niya purke may kaya ang kanyang pamilya.

Maraming sumusubok na manligaw kay Lj pero lahat sila busted pero may isang manliligaw siya na kahit busted pa ito kay Lj pinagpapatuloy pa rin niya. Si Will James, isang 4th year high school… TDH na ang nakasanayang tawag sakanya dahil sa katangian niyang tall, dark and handsome. Mahigit isang taon na itong nanliligaw sa dalaga. Isa siyang football player at magaling siya maglaro nito, sumasali siya sa mga national competition.

“Buti pa nga si Will may ipagmamalaki” sabi ni Lj sa kanyang kaibigan.

“So you rather choose Mr.  TDH kesa kay Mr. Heartthrob?”

“Kung dalawa lang silang pagpipilian… Why not diba? Mas gusto ko ang matinong lalake”

“Kay Mr. Heartthrob parin ako kahit anong mangyari.” Sabay halakhak nito.

Lust to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon