“Bes hindi ko nakikitang pumapasok si Jake” sabi ni Hannah sa kaibigan.
Hindi sinagot ni Lj ang sinabi sa halip ay niyaya niya itong kumain sa canteen.
“Hi” sabi ng binata sa likuran ni Lj at iniabot ang isang boquet ng flowers.
Napalingon si Lj… “Thanks” tanging sagot lang nito.
“Ako walang flowers TDH?” tanong naman ng kaibigan ng dalaga.
“Next time na lang sayo” sagot naman nito.
Sa bahay nila Lj, masayang nagkwekwentuhan ang mag-asawa.
Maaga namang nakauwi ang dalaga dahil half-day lamang nila sa araw na iyon.
Nang makauwi siya, may nakita siyang lalaki na nakahiga sa kanyang kwarto at napahiyaw siya.
“Inay! Itay! May lalaki sa kwarto ko!”
Pinuntahan naman ng mag-asawa ang kanilang anak.
“Wag ka ngang maingay, natutulog ang tao tapos mag-iingay ka lang” sabi ng ina.
Inalis niya ang kumot ng lalaking nakahiga sa kanyang kama at nagulat siya… Si Jake!
“Nay bakit nandito ang lalaking ito?”
“Maaga siyang pumunta dito, malamang hindi pumasok yan. Alam mo bang tinulungan niya ako sa paglalaba? Hindi marunong pero sa isang oras ba namang pagtulong sa akin ay ayos na” sabi ni Aling Nena.
“At tinulungan pa niya akong mangisda. Nakita mo ba yung motor sa likod ng bahay? Bigay niya iyon para hindi ako mapagod sa paglalakad pumunta sa bukid” dagdag ng kanyang ama.
Hindi makapaniwalang ganito ang ginagawa ng binata.
Mahimbing ang tulog ni Jake sa sobrang pagod sa mga ginawa.
Nang magising siya. Nakita niyang may nakatayo malapit sa kanya.
“Nasa langit na ba ako?” sambit ng kagigising na binata. “Ikaw ba ang anghel ko?”
“Bumangon ka. Mag-usap nga tayo” pagsusungit ng dalaga.
Bumangon naman ang binata at hahalikan na dapat si Lj pero sinampal niya ito ng malakas.
“Bakit ka ba ganyan? Lj mahal kita!” sabi ni Jake.
“Mahal mo ko o gusto mo lang angkinin ang katawan ko?”
“Hindi ako magpapakahirap ng ganito kung hindi ako seryuso sayo”
“Hindi kailan man nagging pagmamahal ang kalibogan Jake” sani ni Lj.
“Iba ka sa kanila. That’s why I love you. Hindi yung katawan mo. Ang mahal ko, ikaw.” Sagot ng binata.
“Sinira mo ang binigay kong chance para sayo, alam mo ba yon?”
“Anong ginawa ko? Nag-eeffort nga ako para sayo eh”
“Anong nangyari sa inyo ni Ivon noong Friday? Kailangan niyo pa talagang ivideo Jake? Now tell me… If you really love me then bakit mo kailangang maki pag sex sa iba while courting me? While doing efforts for me?” napaluha ang dalaga.
Nagulat ang binata. Bakit may sex video? Hindi naman siya si Hayden Kho. Si Ivon ang gumawa ng lahat ng yun!
“Hindi ko alam. Lj tinanggihan ko siya but..”
“But? Malibog ka? But? Marupok ka? Gusto mo kuha ako ng semento para itry natin sa mukha mo kung marupok ka nga?”
“Please. I’m sorry babe” sabi ng binata.
“I’m not your babe. Umalis ka na. Thanks na lang sa pagtulong sa mga magulang ko. Dalhin mo yung motor at umalis ka na” pagtataray ni Lj.
Walang nagawa si Jake kundi umalis na lang pero hindi niya binawi ang ibinigay na motor sa ama ng kanyang minamahal.
“Bakit ka naman ganun sa binata anak?” wika ng kanyang ina na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila.
“Ayukong magpakatanga para sa lalaking iyon nay” sagot ni Lj.
Nangpunta si Jake sa bahay nila Ivon at kinausap ang dalaga.
“Next time na sirain mo ako kay Lj, mukha mo na ang sisirain ko at ipapakin kita sa aso” galit na sabi ng binata.
“Why? What did I do?”
“Wag ka ng magmamaang-maangan pa. Ikaw din siguro may kagagawan sa chismis na yun noon. Para sabihin ko sayo Ivon, you’re a bitch and I never wanted to love a bitch! Bitches are for bed ONLY!”
Hindi na nakaimik si Ivon sa sinabi ng binata.