Chapter XVII

78 1 0
                                    

Walang pasok dahil Sabado. Malamang.

Niyaya ni Will ang kanyang girlfriend para kumain sa labas, pumayag naman si Lj.

Namasyal sila sa mall at kumain na rin sa Jollibee.

At nandoon pala sila Ivon kasama ang kanyang mga girl friends.

“Ganda niya girl ah, sobrang napahiya si Jake sa babaeng yan” wika ni Jas, isa sa mga kaibigan ni Ivon.

“Oo nga, nasaksihan ko yun. Mas pinili pa niya si TDH kaysa kay Jake” dagdag pa ng isang kaibigan.

“Look what I can do. I’ll teach that girl a lesson” ani Ivon.

Lumapit ang dalaga kina Lj.

“Hi Lj” pagngiti nito at kinuha ang nakabasong soft drink at doon ibinuhos sa dalaga.

Nagulat si Lj sa ginawa ng babae, nagtinginan na rin ang lahat ng tao sakanila.

Hindi rin nakaimik si Will sa ginawa ng dalaga.

“Para yan sa pagsira mo sa relasyon namin ni Jake” sabi pa ni Ivon.

Naku ah. Si Ivon pa talaga ang galit sa lagay na yun? Relasyon o imahinasyon?

Tumayo si Lj… Kinuha ang naka platong spaghetti, at doon niya sinubsob ang dalaga.

“Para fair” pagganti ng dalaga.

“How dare you!” galit na sambit ni Ivon.

Well, matapang talaga si Lj. Kulang na lang tumawa ang mga taong nakakita sa ginawa ni Lj kay Ivon.

“Wag mo akong pagbibintangan na sumira ng relasyon niyo. Nakita mo may date kami ng boyfriend ko. Wala akong pakialam sa inyo ni Jake. So will you pls excuse us?” pagtataray ni Lj.

“Halika na… Magpalit ka na ng damit. Hayaan mo na” wika ni Will.

Ang babaeng dapat magpahiya ay siya naman ang napahiya sa harap ng maraming tao.

Bumili naman ng damit si Will para may pamalit si Lj.

Hindi na nagtagal ay niyaya na niyang umuwi na lang sila.

Pumayag naman ang kanyang boyfriend.

“Sorry ah” ani Lj.

“Sorry for what?”

“Nasira first date natin”

“Ayos lang yun. Nakasama naman kita. Hayaan mo na, insecure sayo si Ivon” sagot ni Will.

Inihatid na niya ito sa bahay nila. Pinakilala ni Lj ang binata sa kanyang mga magulang.

Hindi na nagtagal doon si Will at umuwi na rin.

“Mas gwapo si Jake” sabi ng ama.

“Ano ba tay? Si Will ang boyfriend ko. Mas may itsura nga si Jake pero kinakain naman siya ng pag-uugali niya” sagot ng dalaga.

“Mahal mo ba anak?” tanong naman ng ina.

“Hmm.. Mabait siya nay”

“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko Lj” sabi ng ina. Hindi na lang sumagot si Lj at pumunta na sa kanyang kwarto.

Lust to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon