Chapter V

126 1 0
                                    

“Nay bakit ang tagal naman ni itay” sabi ng dalaga.

“May ginawa pa siguro. Baka umextra na naman. Gutom ka na ba? Kumain na lang tayo”

Kumakain na ang mag-ina nang narinig nila ang boses ng kanilang padre de pamilya.

“Nena! Lj! May bisita tayo!” pagsisigaw ng kanilang ama.

Tumayo ang nanay ni Lj para salubungin ang kanyang asawa at ang kanyang sinasabing bisita.

“Gabi na, sino ba yan?”   tanong niya.

“Nawawalang mistisong binatilyo. Dito muna siya sa atin magpapalipas ng gabi.” Pagpapaliwanag nito.

Nang makita ng matanda kung sino ang binatang ito ay agad na niya itong pinapasok.

“Gwapong binata” sabi nito.

“Ai salamat ho. Pwede ho bang dito muna ako matulog? Magbabayad po ako.” Sabi ng binata.

“Tulong ito para sayo iho, hindi kami nagpapabayad” wika ng matanda.

Pinaupo nila ang binata sa kawayan nilang upuan.

“Nay, Tay sino ba……” Nagulat ang dalaga kung bakit nasa bahay nila ang lalaking ito.

“Hoy! Bakit ka nandito?” pagsusungit ng dalaga.

“Ano ka ba Lj bakit ka ganyan sa binata? Kilala mo ba siya?” tanong ng ina.

“Oo naman po. Pauwiin niyo na yan nay, hindi yan marunong matulog sa papag. Mayaman yang taong yan” wika ni Lj.

“Ang harsh mo naman” sagot ng binata.

“Wag ka ngang ganyan Lj. Rumespeto ka sa bisita” pangangaral ng ama.

“Sorry po” mahinang sagot ng dalaga.

Napangisi naman ang binata. Naiinis si Lj kung bakit pa doon napadpad ang lalaking ito.

Inalok nila ang binata ng pang-haponan at tanging isda lamang ang kanilang  ulam sa gabing iyon.

“Pasensiya na iho at ito lamang ang maiaalok namin sa iyo” pagpapaumanhin ng ina ni Lj sa binata dahil sa amoy pa lamang ay halata nang mayaman itong binatang ito.

“Naku okay lang po. Paborito ko nga po ang isda eh” sagot naman ng binata.

“Presko mga isda dito iho, may maliit kasi kaming fish pond diyan sa tabi ng ilog” sabi ng matandang lalaki.

Sumubo ang binata at nasarapan siya sa luto ng isda. “Ah opo ang sarap nga po” sabi ng binata.

“Hooo. Echusero” bulong ng dalaga.

Nagkamay pa si Jake dahil sa sarap ng isda. Hindi nila akalain na marunong ito. Natuwa sila sa binata.

“Di naman pala maarte itong lalaking ito” sabi sa sarili ni Lj.

Lust to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon