“Jake bakit hindi mo pinapapunta dito si Lj? I told you na papuntahin mo siya dito para naman mag bonding kami ng soon to be daughter in law ko” sabi ni Mrs. Janine sakanyang bunsong anak.
“Next time mom. She’s busy” sagot naman nito.
Tinext ng binata ang dalaga ngunit walang reply ito.
“Gusto ka daw ka bonding ni mommy” text pa ng binata ngunit wala pa ring sagot.
Sa school nila…
Magkasama ang tatlo, si Hannah, Lj at si Will.
Nang makita sila ni Jake ay agad lumapit ito sa dalaga.
“Bakit hindi ka nagrereply?” pagtatanong ng binata ngunit hindi pa rin ito sinagot ni Lj.
“Pipi ka ba? Bingi? What’s your problem ha?” dagdag pa nito.
“Brad wag mong babastusin ang girlfriend ko” sabad ni Will.
“Don’t call me brad dahil di kita brad! And what? Girlfriend mo? In your dreams asshole!” sinuntok ni Jake ang binata at gumanti naman si Will.
“Tama na! Tama na Will!” sigaw ng dalaga.
“Oh ano ha? She’s my girlfriend not yours! Come with me Lj” sabi ng binata.
Nakiusyuso na ang mga nandoong studyante.
“No. I’m not your girlfriend. Will is my boyfriend so please stop it” wika ni Lj at kita sa kanyang mga mata na pigil na itong luluha.
“What the fuck are you talking about?” nabigla si Jake sa sagot ni Lj.
“Kakasagot lang niya sa akin. Ayuko ng away kaya hayaan mo na lang kami” ani Will.
Dismayado ang binata sa mga narinig. Napahiya pa siya sa mga studyanteng nandoon.
Bago lumayo si Jake, lumapit siya kay Will at…
“Ingatan mo siya” at sabay suntok nito. “Tanga ka pa naman” dagdag pa niya.
Hindi na nakaganti ang binata sa lakas ng pagkakasuntok ni Jake sa kanyng sikmura.
Nang makalayo si Jake doon na umiyak si Lj.
“Iwan mo muna kami Will” sabi ni Hannah.
“Pero…”
“Please Will” ani Lj.
Nag-usap ang mag best friend.
“Nagulat ako ng sagotin mo kanina si Will, bes alam kong hindi siya ang laman ng puso mo pero bakit mo kailangang gawin yun?” tanong ng kaibigan.
“Kasi kailangan. Hindi purke mahal mo ang isang tao, magpapaka-tanga ka na lang para sa kanya” sagot ni Lj habang tumutulo pa rin ang kanyang luha.
“Bakit hindi mo bigyan ng chance si Jake? Kulang na lang isigaw ni Jake sa buong mundo na gusto ka niya eh. Alam kong sira image niya pero tignan mo naman mga effort niya sayo. Bakit nga ba hindi mo binigyan ng chance si Jake?”
“I gave him the chance pero sinira niya. Ayukong masaktan ng ganito. Ayuko bes. Help me”
Niyakap ni Hannah ang kanyang kaibigan.
“Hindi na ako magtatanong. Tumahan kana bes. Sayang ganda mo niyan” pagcocomfort ng kaibigan.
“Kung ano man ang dahilan para masira tiwala mo sa kanya, hindi ko na tatanungin pero curious talaga ako bes!” dagdag pa nito. Ang kulit talaga ni Hannah kahit kailan.
Dumiretso si Jake sa bar at doon nagpalipas ng sama ng loob. Uminom mag-isa.
“Oh Jake bakit ka mag-isa?” tanong ng isang babae.
“Hi May” sabi naman ng binata.
“Anong May? Danna ang pangalan ko! Babaero talaga. Diyan ka na nga” sagot naman ng dalaga.
“Sorry naman Dina” pahabol pa ng lasing na si Jake.
“Danna hindi Dina!”
Lasing na lasing na ang binata at hindi na alam ang mga pinagsasabi at sa dami ba naman ng mga babaeng nakasama niya talagang hindi na alam nito kung sino ang Danna, Dina, May at kung ano ano pang pangalan.
“Sir lasing na po kayo” sabi ng waiter.
“Binabayaran ko naman iniinom ko ah. Bakit ba?”
Hindi na umimik ang waiter. At makalipas ng isang oras nakatulog na rin siya.
Tinignan nila ang cellphone ng binata para ma contact ang kanyang kakilala upang maiuwi ito.
Tinawagan nila ang “Mom” sa contact ng binata.
“Hello ma’am nasa Magno’s Bar ang anak niyo sa QC po, nakatulog na po siya dito” tinig ng lalaki sa kabilang linya.
“Magno’s bar? Okay. Papunta na kami” sagot ng ina ng binata.
“Josh samahan mo nga ako. Alam mo ba sa Magno’s Bar? QC?” tanong ni Mrs. Janine sa anak.
“Ah yes mom. Bakit? May lakad kayo ng mga amiga mo? Bakit doon?” pagtatanong ng binata.
“Hindi. Kailan pa ako pumunta sa mga bar? Ang kapatid mo, lasing. Hindi makauwi at doon na nakatulog. Wag mong sasabihin sa dad mo okay? Halika na” sabi ng ina.
“Akala ko gagala ka eh.” Tumawa ang binata.
“Mamaya kana magbiro Josh”
Pinuntahan nila si Jake at iniuwi sa bahay. Hindi na ito pumasok kinabukasan dahil sa sobrang hilo at sa sumunod na araw ay hindi pa rin siya pumapasok sa school.