Chapter XI

96 1 0
                                    

Nang naglalakad sila Lj at Hannah sa corridor biglang may lumapit na lalaki na may iniabot na mga rosas, sumunod pa ang mga balloons na may naka print na… “Give me a chance”

Doon naman lumapit ang binata na naka blue chekered polo at naka maong.

“Be my girlfriend Lj” sabay bigay ng chocolates at isang malaking teddy bear.

Agaw eksena na naman ang beauty ni Lj.

“Oh my god bes.” Ani Hannah. Kinikilig parang siya yung inaalok ah.

Effort appreciated para sa dalaga. “No, not now… but I will give you a chance Will.” Sabay ngiti ng dalaga. Kahit hindi sinagot, atleast binigyan siya ng chance ng dalaga. Siya pa lamang ang pinayagan ni Lj na manligaw sa kanya. Yayakapin na sana ng binata ang dalaga ngunit sumulpot naman ang naka shades na binata at hinila niya si Lj.

“Ano ba? Para akong aso sa ginagawamo! Let me go” pagproprotesta ng dalaga.

“Hoy! Bitiwan mo nga siya. Ayaw na nga sumama ng babae sayo pinipilit mo pa”

Tumigil si Jake ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ng dalaga at lumapit si Will.

Nang suntukin na sana niya si Jake ay nakailag ito at doon na pinakawalan ni Jake ang isang kamao niya at dumapo sa mukha ng karibal. Bumagsak si Wil sa lakas ng suntok ni Jake.

“Wag kang makikialam. And don’t you dare court this girl. She’s mine.” Sabi ni Jake.

Walang nagawa si Lj kundi sumama na lang sa binata. Hindi na nakapalag pa si Will dahil sa natamong matinding suntok.

“San mo ba ako dadalhin? May klase pa ako!” sabi ni Lj.

“Shut up” tanging sagot nito.

“Wag mo na ulit gagawin yun kay Wil kung gusto mo pa akong makita. Matinong nanliligaw ang lalaking yun kaya sana wag ka naming bastos no?” pagsusungit ng dalaga.

Hindi sumagot ang binata. Tahimik lang itong nag drive. Mahigit 30 minuto ang nakalipas ng makarating sila sa malaking bahay.

“Ang ganda” wikang dalaga. “Hala! Pagsasamantalahan na yata ako! Wag naman!” sabi sa sarili. Kinakabahan na rin siya kung bakit bahay ang pinagdalhan ng binata sa kanya.

Pinagbuksan ng gwardya ng gate ang kanyang amo. Nang nasa loob na ay pinababa niya si Lj ngunit ayaw nito.

“Bumabaka sabi! Gusto mong kaladkarin kita ha?” pagsusungit ng binata.

Nagdabog naman ang dalaga. Natakot sa tuno ng boses ng binata.

Pumasok sila sa bahay at namangha si Lj sa ganda ng bahay na iyon. Kulay puti ang bahay at karamihan ay babasagin ang mga naka display dito. Pinaupo ni Jake ang dalaga sa couch. Doon naman lumapit ang isang katulong at tinanong kung anong gusto niyang inumin.

“Tubig na lang ho” sagot nito.

Bumaba naman ang isang babae sa hagdan. Ang mommy ni Jake.

“Son, she’s simple yet so beautiful” wika sa anak.

“Thank you po. Anak niyo po? Akala ko kapatid lang” sabi ni Lj.

Natutuwa ang mommy ng binata sa dalagang ito, marunong makisama at totoo sa sarili.

“She’s my mom. Mas maganda pa siya kesa sayo” pagsusuplado ng binata.

“Sama mo. Pero totoo ma’am. Ang ganda po niyo” ani Lj. Pero bakit nga ba dinala ng binata ang dalaga sa bahay nila?

“Mom she’s Lj” pagpapakilala ng binata.

At bakit kailangan ipakilala ni Jake sa kanyang ina si Lj?

 “Ang bait naman ng kanyang mommy, san kaya nagmana itong lalaking ito?” tanong sa sarili.

Lust to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon