Nakipagkwentuhan ang ina niya sa dalaga, iniwan ng binata ang dalawa upang magpalit ng damit.
“Hindi ko po alam na dito po ako dadalhin ni Jake. Pasesniya na po ma’am” wika ni Lj.
Tumawa ito “Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensiya. This is the first time na may ipapakilala sa akin si Jake. Tita na lang tawag mo sa akin, okay?”
Ngumiti ang dalaga. “Anong ibig niyang sabihin? Pinapakilala akong girlfriend ni Jake sa kanyang ina?” tanong sa sarili.
“Ah pero hindi naman po kami close.” Sabi ng dalaga.
“Hindi ba? Naku si Jake talaga. Obviously, my son likes you”
Bumaba na ang binata…
“Mom kailangan na naming umalis, may klase pa siya” pagpapaalam sa ina.
“Okay son. Nice meeting you Lj. Bumisita ka ulit dito para makapagkwentuhan pa tayo ng matagal.” Sabi ng ina ng binata.
“Wag niyo ngang spoilin tong babaeng ito mom, baka masanay” ani Jake.
“Be nice to her son” sagot naman ng ina.
Nang buksan na ng maid ang kanilang pintuan sabay namang papasok ang isang binatang mas matangkad kay Jake, malinis kung tignan at nakasalamin ito.
“Ohh hi” sabi ng lalaking ito.
“Bro, she’s Lj. Sige alis na kami” sabi ng binata.
“Sige po” ani Lj.
Nang nasa kotse na si Lj at Jake.
“Bakit mo ba ginawa yun?” tanong ng dalaga.
“Ang alin?” patanong na sagot naman ni Jake.
“Sabi sa akin ng mommy mo ako pa lang pinapakilala mo.”
“Ano naman?” pagsusuplado ng binata.
“Next time sabihin mo sa akin para makapaghanda naman ako” sabi ni Lj.
“Wag ka masyadong feeling. Pinakilala lang kita. Ganun lang yun”
“Antipatiko. Hindi naman tayo close para isama mo ko ha? Hindi naman kita boyfriend!”
“Mula ngayon… Babe na tawag mo sa akin. Girlfriend na kita” wika ng binata.
“Ano to? Sapilitan? Grabe ah. Ang gwapo mo! Ayuko nga” pagtanggi ni Lj.
“Kung sinabi kong girlfriend na kita. Yun ang masusunod”
“Wag mo nga akong itulad sa mga babae mo” pagkainis ng dalaga.
Hindi na umimik ang binata at nagpatuloy na lamang sa pagdra-drive.
Nang makarating sila sa school. Nagtinginan ang mga studyante dahil kasama ni Jake si Lj na bumaba sa kotse ng binata.
“Ano tinitingin-tingin niyo? She’s my girlfriend” sabi ni Jake sa mga studyanteng naroon.
Nagulat ang dalaga, hindi pala nagbibiro ang lalaking ito at sinabi pa talaga sa lahat ng studyante na naroon. Hindi na nakaimik si Lj sa sinabi ng binata.
“Totoo ba ang balibalita dito sa school na kayo na ni Jake? Akala ko ba you’re giving me a chance?) laman ng mensahe na natanggap ng dalaga galling kay Wil.
“Hindi ko siya boyfriendJ) reply naman ni Lj.
Sa library kung saan nagreresearch ng assignment sila Hannah at Lj, lumapit sakanila ang isang babae.
“Girl, totoo bang boyfriend mo si Jake?” tanong nito.
“Hindi” tanging sagot lang ni Lj.
“Naku bes ha! Dinedeny mo boyfriend mo” sabad naman ni Hannah.
“So totoo?”
“Hindi nga. Bes hindi ko siya boyfriend. Tapusin na natin itong ginagawa natin para makauwi na rin” ani Lj.