“Anak nagpunta pala dito si Jake.” Wika ni Aling Nena.
Biglang kinabahan ang dalaga. Ano kaya ang pinunta niya sa bahay nila?
“Ipinaliwanag niya ang mga nangyari at nagpaalam siyang ligawan ka” sabi naman ng kanyang ama.
Nagulat si Lj sa sinabi ng magulang niya, nawala ang kaba at gusto niyang tumawa. “Corny” wika sa sarili pero kinikilig naman ito. “Ipagpapaalam pa talaga ako sa magulang ko ha? Pero ilang magulang ng mga babae kaya ang mga napaniwala niya?”
“Ang ganda talaga ng anak ko, biro mo anak pala siya ng kilalang abogado pero mahirap lang tayo anak” sabi ng kanyang ina.
“Pansin ko naming seryuso si Jake sayo” dagdag naman ng kanyang ama.
“Sus. Wag po kayo mag-alala. Pag-aaral muna. Playboy yun” sagot sa kanyang mga magulang.
“Sa gwapo at yaman ba naman eh talagang ganun” sabi ng ina.
“Hindi naman po playboy ang kuya niya. Magkaiba po ugali nila, ang bait at disenteng tao yung kuya niya”
“Ibig mo sabihin ang type mo yung kuya niya?” tanong ni Mang Ben.
“Hindi ho. Wala. Sige po magluluto pa ako” ani Lj.
Ayaw bigyang importansya ng dalaga ang ginagawang effort ng binata. Ayaw niyang mapaglaruan at masaktan. Pero nakakaramdam siya ng kilig na ayaw niyang aminin sa kanyang sarili dahil sa takot na baka laro lamang ito para sa binata.
“Hindi ako makapaniwalang ginagawa lahat ni Jake yun para sa babaeng yun” pagkainis ni Ivon.
“Girl ayuko muna sumali sa mga plano ha? Nagbanta na si Jake, ayukong ma bully” sagot ni Lara.
Kinakabahan si Lara na kapag nalaman nilang sila ni Ivon ang may kasalanan kung bakit naipagkalat ang bagay na iyon ay pagtritripan siya ng mga barkada ni Jake. May punishment kasi ang bawat taong babangga sa barkada nila at pasalamat si Will at hindi siya pinatulan ng binata dahil sa ginawang panununtok kay Jake.
“Walang makakaalam, sa ating dalawa lang iyon girl. Ayuko rin naman magalit si Jake sa akin” wika ni Ivon.
Sa parking lot kung saan hinihintay ni Ivon ang binata…
Nagpark ang pulang jaguar, kotse iyon ni Jake at doon na umiksena ang dalaga kasama ang isang lalaki.
Sinadyang pinakita ni Ivon ang pakikipaghalikan sa ibang lalaki para pagselosin si Jake ngunit ng lumabas ng kotse ang binata ay naglakad ito sa harapan nila na parang walang nakita.
Nang makalayo si Jake. Tinulak ng babae ang lalaking kasama…
“Oh tapos na. Pwede ka ng lumayo” pagsusungit ng dalaga.
“Yun lang? Let’s have sex” sagot naman ng lalaki.
“You’re useless as G in lasagna! I-sex mo na lang kotse ko. Diyan ka na” at iniwan ng dalaga ang lalaki.
Ginamit lang pala niya ang lalaki para lang pansinin siya ni Jake pero wala naming pakialam itong binata sa nakita.