Chapter XVIII

109 1 0
                                    

Tulad ng kinagawian ng mag-ina ay pumupunta sila sa simbahan kada Linggo. Kahit malayo ay hindi nila kinakaligtaang magsimba.

Isang oras sila sa simbahan at umuwi na rin. Malapit na sila sa bahay nila ng naririnig nilang may kausap ang kanilang padre de pamilya at patawatawa pa ito.

“Nay si itay ba yun? Hala nababaliw na siya nay” sabi ng dalaga.

Minadali nilang maglakad para tignan ito baka nga nababaliw na at mag-isang kinakausap ang sarili.

“Tay sino po ang kausap niyo?” tanong ng dalaga.

“Oh nandito na pala kayo, nandito ang mapapangasawa mo” sagot nito.

“Nandito si Will?”

Pero iba naman ang nakita niyang lalaki.

“Ohh Jake. Kumusta naman?” tanong ni Aling Nena sa binata na nandoon sa bahay nila.

“Ok lang ho” sagot ng binata. “Si Will ba talaga ang gusto mong mapangasawa?” tanong ni Jake sa dalaga.

“Bakit na naman? Bat ka ba nandito? Para kang kaboteng susulpot sulpot” pagtataray ng dalaga.

“Mamanhikan daw” sabi ng kanyang ama.

Naku ha. Botong-boto sila kay Jake!

May dumating naman na wrangler sa tapat ng kanilang bahay.

At ang nag-drive nito ay isang gwapong binata at may kasama itong maganda na may edad ng babae.

“Here they are” sabi ni Jake.

Nagulat sila. Nang makita ni Lj kung sino ang binata at ang kasama nito.

“Yan ba ang nanay mo? Ang ganda” sabi ng ama ni Lj.

“Hoy wag mong sabihin na may gusto ka? Puputulin ko yan!” sabi ni Aling Nena sa asawa.

Tumawa naman si Jake.

“Yes po. She’s my mom and that’s my brother” sabi nito.

“Ang gwapo ding binata. Hindi mo man lang sinabi sa akin at sana nakapaghanda ako” sabi ng ina ni Lj.

Parang nanigas si Lj at parang rebulto na lang itong nakatayo.

“Lj umayos ka” sabi ng ama.

Lumapit si Mrs. Janine at nakipagkamay sa mag-asawa, ganun rin si Josh.

“Nice place” Sabi niya sa mag-asawa.

“Thank you ma’am” sagot ni Aling Nena.

“No. Don’t call me ma’am pls” pagtanggi nito.

Hindi siya matapobre dahil galing din siya sa hirap. Nagagandahan siya sa lugar nila Lj.

Hinatak ni Lj ang binata.

“Wait lang po ha? May pag-uusapan lang kami” pagngiti ni Lj sa kanila.

Pinapasok naman ngmag-asawa sila Mrs. Janine at si Josh.

“Ano ba itong ginagawa mo ha? Bakit mo sila dinala dito?” tanong ni Lj.

“Mom misses you” sagot ni Jake.

“Kahit na! Hindi mo dapat ginawa ito. Jake may boyfriend na ako. Kay Ivon ka na lang. Parehas pa kayong mayaman”

“Tell me you don’t love me and I will go home with my family” paghahamon ng binata.

Hindi nakasagot si Lj. Hindi rin naman niya masabing wala siyang nararamdaman para sa lalaking ito.

“You love me, right?”

Hinawakan ng binata ang mukha ni Lj.

“I will not promise anything but I just want you to know that this love I have for you is real. Babe I love you” sabi ng binata.

Hindi nakasagot si Lj. Ramdam niya ang sinseridad ng binata. Unti-unting naglapit ang kanilang labi at sa wakas, pareho nilang ginusto ito at walang pagtutol sa dalaga. Sa hindi malamang dahilan, hindi tumutol si Lj sa ginawang matamis at mainit na halik ng binata.

“Ui mamaya na yan sabi ni Josh sakanila” nakatingin pala ang mga magulang nila.

Bumitaw ang dalaga at nahiya sa kanyang magulang.

Sa halip na magalit ang mga magulang ni Lj at sila pa ang kinilig pati na rin ang ina ni Jake.

“That’s my bro” sabi naman ni Josh.

Nagdala ng mga makakain ang pamilya ni Jake para pagsaluhan nila. Masayang silang nagkwentuhan. Nang matapos kumain sila Lj at Jake ay nagpunta sila malapit sa ilog.

“Kanina ka pa hindi umiimik ah” pansin ng binata.

“Si Will kasi…”

Tinakpan ni Jake ng kanyang kamay ang bibig ng dalaga…

“Shhh… Nevermind.” Sabi nito.

“Pero hindi ganun kadali Jake. Anong iisipin nila sa akin? Pinagtabuyan kita noon para sa kanya at bakit ba kasi nanggugulo ka?”

“Dahil mahal kita at ayukong mapunta ka sa ibang lalaki Lj. Akin ka lang” sabay hawak sa kamay ng dalaga.

“Mahal mo rin ako, diba?” dagdag pa ni Jake.

Hindi sumagot si Lj.

“Lj, answer me” pangungulit ng binata.

“Sige ka hahalikan kita” sabi pa nito.

“Oo na. Oo mahal kita. Tigilan mo nga kamanyakan mo” sagot na ng dalaga.

“Yes! Yes! This girl loves me! I know! Yes! Thanks God! I love you!” pagsisigaw ng binata.

Natawa si Lj sa ginawa ni Jake. “Para kang baliw. Tumigil ka nga” sabi nito.

“Babe mo na rin ako right? Babe?” sagot naman ng binata.

“Babe” matipid na sambit ni Lj.

Pero nababahala siya, paano si Will? At mas lalo na namang magagalit si Ivon sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lust to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon