Sa school nila kinausap ni Ivon si Lj para sa kanilang group project sa math, alam naman niyang si Lj ang matalino kaya gusto niyang magpatulong sakanya.
“Pahiram ko nalang itong laptop ko sayo tsaka itong disc na ito, dito mo isasave yung activity ha? Paki-check na lang kung may laman ang cd” bilin ni Ivon.
“Doon na lang ako sa library gagamit ng computer, baka masira ko pa yan eh, wag na lang” pagtanggi naman ng dalaga.
“Sige na isang araw lang naman” pagpupumilit naman nito.
“Hmm sige gawin ko na lang pag-uwi ko may gagawin pa kami sa library ni Hannah”
At iniabot na ni Ivon ang kanyang laptop at cd.
Nag-vibrate ang cellphone ng dalaga…
“Ihahatid kita pauwi” galing kay Jake.
“Wag na” reply naman ni Lj.
“Wag na matigas ulo. Basta ihahatid kita” pangungulit ng binata.
Hindi na ito sinagot ni Lj dahil alam naman niyang hindi titigil ang binata kapag hindi siya nasusunod.
Nang makagawa ng assignment ang mag best friend nakita nila si Will sa labas ng library at mukhang may hinihintay.
“Hi TDH” bati ni Hannah sakanya.
“Hello. Uwi na kayo? Hatid ko na kayo” alok ng binata.
“Wag na” sagot naman ni Lj.
“Hindi, okay nga yun eh. Sige payag kami Will. Halika na bes” sabay hatak kay Lj.
“Lagot na naman ako” wika sa sarili.
Alas sais na at nakauwi na rin ang lahat ng mga teachers ngunit nandoon pa rin sa labas si Jake naghihintay sa dalaga. Hindi na naipaalam ni Lj dahil low batt nap ala ito. Matagal na naghintay si Jake at dahil sa walang nahintay, sobrang nainis siya at nagalit sa dalaga. Tinext niya ito ngunit hindi nagrereply si Lj.
Nang makauwi ang dalaga, ginawa niya ang activities para bukas. Gamit ang laptop ni Ivon.
Isang oras bago makapag charge ng cellphone, dun niya nabasa ang galit na galit na mga text message ng binata na puro may exclamation point at puro capital letters ha. Kinabahan si Lj at tinext na niya ang binata.
“Sorry Jake. Hindi ko nasabi sayo na hinatid kami ni Will, si Hannah kasi pinilit ako. Sorry na dead batt kasi tsaka ngayon lang naka-charge. Sorry talaga” text ng dalaga.
Wala pang isang minute ay tumawag na si Jake sa kanya.
“Dahil ba dun sa negrong yun kaya pinaghintay mo ako ng ilang oras ha? Wag mo ngang idahilan yang kaibigan mo! Lumalandi ka na rin!” sabi ng galit na galit na binata.
“Ayaw mo maniwala di wag. Wag mo nga akong pinagtataasan ng boses! Hindi kita kaano-ano para tratuhin ako ng ganito! Wala kang pakialam kahit lumandi ako!” sagot naman nitong pikon na dalaga at ibinaba na nito ang tawag. Tumawag at nagtext pa ang binata pero hindi na ito pinansin ni Lj.
Nang matapos niya ang ginagawang activity, kulang na lang maisave niya ito sa cd. Tinignan niya ang cellphone niya… may 28 messages at 15 missed calls na siya at galing ito sa iisang tao except for the 2 messages dahil tinext din siya ng bestfriend niya at nagtext din si Will ng “Goodnight. See you tomorrow :*” Hindi namalayan ni Lj na 11:00pm na pala kaya bago matulog isisave na niya ang ginawa niya pero full naman ang cd kaya tulad ng sinabi ni Ivon tignan na lang niya kung may laman ito at meron nga. Isang video na nakapangalan ay JakeIvon. Dahil naman sa pagtataka, pinanuod niya ito.