Napapaisip si Jin. Ano nga ba'ng gagawin niya?
"Hindi pumapatay si RYJO nang walang dahilan," katwiran ni Laby kay Jin. "Meaning, may hidden agenda siya sa pagpatay sa mga bidder."
Walang alam si Jin maliban sa pupunta siya sa auction para kunin ang Herring's Eyes at makita ang Escadron Elites.
Kung siya si RYJO, ano nga ba'ng maaaring dahilan para pumatay maliban sa pera?
"Nandoon ako para sa mata," sagot niya. "'Yong Herring's Eyes."
"It was a fake."
Kumunot ang noo ni Jin. "What? Paano?"
"Alam ni RYJO na fake ang lahat. Alam din niyang trap ang auction. Invited ang mga felon because of one thing. This is the system: A Ranker or a Leveler's mission was to protect their clients. Then, a Ranker or a Leveler's task was to kill their targets. If target niya ang client mo, then target mo ang client niya, sa tingin mo, ano'ng ibig sabihin n'on?"
"Kailangan nilang patayin ang isa't isa."
"Exactly. And in order for that not to happen—"
"RYJO killed the targets and the clients."
Napataas ng kilay si Laby sa sinabi ni Jin. "I thought you were going to say is to kill the assassins."
"Why would I do that?"
"Because . . . you're the killer of the killers? You assassinate the assassins? Your job is to terminate them that is—that was your job. Oh." Inilagay ni Laby ang dulo ng hintuturo niya sa ilalim ng pang-ibabang labi. "Okay, muntik ko nang makalimutan. Resigned ka na nga pala."
Beep. Beep.
Napatingin silang dalawa sa telepono sa office table. Pinindot ni Laby ang answer button.
"Match ang DNA. Confirmed. Siya nga si Shadow. Pumunta ka agad sa ward ASAP."
Malaking ngiti ang nabuo sa mga labi ni Laby habang iniisip ni Jin kung tama ba ang narinig niya.
"Shadow? Nandito si Shadow?" gulat na tanong ni Jin.
Naningkit ang mga mata ng dalaga habang sinusukat ng tingin ang kausap.
"Jin, na-encounter mo ba si Shadow sa isang mission six years ago?"
Ang alam ni Jin, hindi siya pinalalabas ng ibang alter kapag may mission si RYJO kaya wala siyang maisasagot na makatutulong kay Laby. Pero kilala niya si Shadow.
"Nope. Wala akong matandaan."
Tiningnan siya nang maigi ni Laby. Tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
Alam ni Jin ang tungkol kay Shadow. Ang pinakasikat na Level 1 First Echelon cat burglar ng Assassin's Asylum. May file si Shadow kay RYJO pero hindi siya interesadong alamin pa ang buong pagkatao ng taong iyon dahil wala siyang balak ma-involve sa business ng ibang alter. Basta usapang misyon at trabaho, ayaw niyang makisawsaw.
Sa pagkakaalam niya, matagal nang wala si Shadow, at si RYJO ang dahilan niyon. Hindi siya sigurado kung mga alter ba ang dahilan o ang totoong owner ng katawan niya.
Pero dahil sa sinabi ni Laby, isa lang ang naisip niyang gumawa: si Jocas.
Si Jocas lang naman ang tumatanggap ng misyon na alam niyang hindi papatay ng target. Alam ni Jocas ang Heartstopper na technique ni Ranger kaya hindi ito mahihirapang pekein ang pagkawala ni Shadow kung ito ang nag-handle sa misyon.
Lumalalim na ang pag-iisip ni Jin, pilit hinahanap ang mga sagot na baka lang sakaling alam niya kahit na hindi siya ang nasa katawan nang mga oras na iyon. Hindi lang niya inaasahang mahagip ng tingin ang kanang tainga ni Laby. Isang pamilyar na peklat ang nakita niya. Sunod niyang tiningnan ang leeg nito para hanapin ang isang maliit na pilat. Mayroon nga. Sunod niyang tiningnan ang kamay ni Laby para hanapin ang peklat na gawa ng malaking hiwa. Nakita nga niya. Naroon ang mga sugat na alam niyang isang tao lang ang magmamay-ari.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...