Part 18

1.7K 100 5
                                    


Nakalabas na ng kulungan si Shadow at ang Brain. Hinatid sila ng dalawang babaeng maid sa dining room ng mansiyon ni Erajin Hill-Miller. Bumungad sa dalawa ang napakahabang mesa na may napakaraming pagkain. Nakaupo sa dulo niyon si Erajin na sinusundan lang silang dalawa ng tingin.

Iginiya ng dalawang maid si Shadow sa pinakamalapit na kanang upuan ni Erajin at sa kaliwa naman ang Brain.

"Have a seat."

Naupo naman ang dalawa pero hindi inalis ang tingin kay Erajin.

"Kumain na kayong dalawa."

"Yes!" masayang sigaw ng Brain na ikinahinto naman ng dalawang nasa mesa ring iyon.

Kumuha agad ang bata ng lahat ng klase ng pagkaing nakahain sa mesa. Kaunti pero lahat ng klase.

Si Shadow naman ay hindi kumuha ng kahit ano. Pinanood lang niya ang Brain na kumuha ng mga pagkain. Ni hindi rin siya uminom kahit na nauuhaw na siya o kahit pa natutuyuan na siya ng labi at lalamunan dahil halos dalawang araw na siyang walang inom at kain.

Isang makahulugang ngisi mula kay Erajin. Pinanood lang nilang dalawa ang ginagawa ng bata.

Pagkatapos makuha ng Brain ang lahat ng klase ng pagkain sa mesa ay inamoy niya ito isa-isa. "Ang bango naman! Nakakagutom!"

Kumurot siya ng maliit sa chicken fillet at dinurog iyon sa daliri niya. Ganoon din ang ginawa niya sa lahat ng nakuha niyang pagkain. Matapos durugin ay inilapat niya iyon sa dila at inaalam ang lasa.

Napataas na lang ng kilay si Erajin sa ginagawa ng Brain at naiinis na nagtanong. "Mabubusog ka ba diyan sa ginagawa mo?"

Hindi pinansin ng Brain si Erajin. Kumuha lang ang dalagita ng kaunting orange juice sa high ball glass at inilagay sa kutsara. Inamoy niya ito at tinikman. Inamoy din niya ang tubig sa water goblet at tumikim nang kaunti.

Hindi maintindihan nina Shadow at Erajin ang ginagawa ng Brain sa pagkain niya.

Pagkatapos ng pag-amoy at pagkurot sa mga pagkain, itinabi ng dalagita ang platong puno ng pagkaing kinuha niya at ipinalit sa platong nasa katabi nitong puwesto. Pagkatapos ay kumuha na siya ng maraming serving ng tuna salad, pork chop, black bean soup, at kanin. Ininom na rin niya nang tuloy-tuloy ang orange juice.

"Ang tamis nito! Concentrated," nakangiting saabi ng Brain at kumain na rin siya nang maayos.

Napakunot na lang ng noo sina Erajin at Shadow.

"Ano'ng balak mong gawin diyan sa mga pagkaing kinuha mo?" galit na tanong ni Erajin.

"Throw it, I guess." Kumibit ang dalagita.

"You're wasting food, kid!" galit na sigaw ni Erajin.

"No! It's you who's wasting food! Hindi nila ibibigay sa 'kin ang title na Expert nang walang dahilan. You can't fool me. I'm the Brain."

Gaya nga ng paniniwala ni Shadow, "One of the basic rules when you're not in your comfort zone: Never accept anything from anybody, especially food." Pero mukhang alam ng Brain ang ginagawa niya kaya kumuha na rin si Shadow ng lahat ng kinuha ng Brain at nagsimula na ring kumain.

"Hindi mo na sana nilagyan ng sedatives ang ilan sa mga pagkain, pati na ang tubig. Wala naman kaming balak tumakas," sabi ng Brain habang ine-enjoy ang pagnguya sa pagkain niya.

"Walang balak? Kaya pala pinahabol mo 'ko noong isang araw sa 'yo," naiinis na sabi ni Erajin. Kumuha na lang siya ng pagkain niya. Tamang serving lang ng sweet and sour pork, sirloin steak, bacon chowder, at seafood paella.

Project RYJO 2: The Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon