Higit kalahating taon na rin mula nang makabalik si Jocas sa loob ng opisinang dati niyang hinahawakan. Nakaupo siya sa single-seat sofa at naglalaro ng Tetris sa tablet na pagmamay-ari ni Tank.
"So . . . she's the Slayer," mahinang sabi ni Leevee na nakatitig kay Jocas. Nagkumpulan kasi silang mga rookie sa may metal table at nakamasid lang sa pinakadelikadong tao na nasa loob ng U Office.
"Hindi naman siya mukhang delikado," sagot naman ni Crose.
"Pero pinatay niya si Mister J."
"I was expecting a six-footer guy," sabi naman ni Leevee.
Higit kalahating oras na rin ang lumilipas na animo'y walang kakaibang nangyari bago sila nakabalik sa opisinang iyon.
"Tank, nabibigyan ka ng update ngayon sa ibaba?" tanong ni Jocas na naka-focus sa tablet na hawak.
"Wala pa sa ngayon," sagot ni Tank, inaasikaso ang mga papeles na naipon sa mesa niya na kailangang pirmahan.
"Ano pala ang nangyari at dito ako dinala?"
"Nakatanggap ng immediate report ang handler ng Annual Elimination na patay na raw ang lahat ng bidder at ang auctioneer kaya pinahinto nila ang laro."
"Kayo ang nagdala sa akin dito?"
"Wala naman kaming magagawa. Naglapag ng order, e."
"I can't take this anymore," sabi ni Tomi at lumapit na kay Jocas. Tumayo siya sa harapan nito at saka namaywang. "Hey, alam ba ni Josef kung sino kang talaga?"
Hindi naman tumigil sa paglalaro si Jocas. "Kilala mo ang asawa ko?"
"Josef is a kind man. He's my friend. At kapag nalaman niyang ikaw ang Slayer—"
Natawa si Jocas at saglit na sinilip ang mukha ni Tomi na inis na inis sa kanya. "Kilala ako ng asawa ko. Ikaw, kilala mo ba si Josef?"
Kumunot bigla ang noo ni Tomi sa sinabing iyon ni Jocas. "What do you mean by that?"
"Saka mo na ako kausapin kapag kilala mo na ang asawa ko." Nagpatuloy sa paglalaro si Jocas at hindi na pinansin ang nanggigigil sa inis na si Tomi.
"Erajin, alam mo namang nandito si Shadow, di ba?" tanong ni Tank dahilan para matigilan si Jocas sa paglalaro.
Ang nananahimik na si Silver sa sulok ng opisina, malapit sa pintuan, ay umimik na rin, sa wakas. "Bago kami dalhin sa arena, usap-usapan na ng mga Class F ang pagkakahuli sa kanya sa 1B."
Tumayo si Jocas at pasugod na lumapit sa mesa ni Tank. "Dinala mo siya rito?" galit na bulong ni Jocas sa commander ng Upsilon.
Napakamot na lang ng leeg si Tank at mababasa sa mukha ang sagot na Oo.
"Tank!" galit na sigaw ni Jocas.
"Wala akong magagawa! Kapag iniwan ko siya sa venue, iba ang papatay sa kanya! Dumating ang mga Guardian pagkatapos ng laban, hinahanap nila ang katawan ni Shadow. Mas mabuti nang tayo ang nakakuha sa kanya kaysa sila, di ba?"
Dinabog ni Jocas ang palad sa office table. "Maling-mali! Tank, maling-mali!"
Agad na tumalikod si Jocas at binalak tumungo sa direksiyon ng pintuan palabas.
"Erajin, wala ka nang magagawa sa kaso ni Shadow," paalala ni Tank. "Nasa detention cell na siya. Posibleng siya ang i-trade ng MA para sa ginawa mo sa auction. Kapag isinuko siya ng HQ sa mga Superior, baka makaligtas pa ang MA sa castigation. Si Razele ang pagbabayarin nila sa kasalanan mo, alam mo ba 'yon? Mamimili lang naman tayo. Buhay mo? Buhay ni Razele? O buhay ni Shadow?"
"Walang isusuko ang HQ sa kahit na sino! Hindi ako, hindi si Razele, at mas lalong hindi ang asawa ko!" galit na sigaw ni Jocas. Aabutin na sana niya ang doorknob nang matigilan dahil sa dagger na bumaon sa hamba ng pinto—babala ni Tank na hindi na dapat niya pilitin ang gusto niya.
"Jin, intindihin mo ang sitwasyon. Kalaban siya. Paikot-ikutin mo man ang sitwasyon, tao pa rin siya ng Asylum, nagtatrabaho man siya roon o hindi na."
"Hindi ko isinuko ang posisyon ko sa lugar na 'to para lang sabihin mo 'yan sa 'kin, Tank." Mabigat ang tinig ni Jocas. "Hindi mo alam kung ano ang isinuko ko para sa kanya."
Wala nang magagawa si Tank. Tiningnan niya si Silver at matipid na pagtango ang isinenyas niya rito.
Tunog ng pagkasa at isang malakas na putok ng baril.
"Tank!" sigaw nina Leevee.
Masyadong naging mabilis ang pangyayari.
Sinalo ni Jocas ang paparating na paralyzing dart mula kay Silver at malakas na ibinato iyon pabalik. Kinuha naman ng isa niyang kamay ang patalim na nasa hamba ng pinto at pinatama sa direksiyon ni Tank.
Pagbagsak na lang ng pinto ang narinig ng mga tao sa loob ng U Office matapos ang nangyari.
Naiwan doon ang mga rookie na inaalam pa ang eksaktong naganap dahil hindi nahabol ng mga mata nila kung ano nga ba ang nangyari sa loob lang ng iilang segundo.
Napalunok si Silver nang makita ang dart na galing sa kanya—nakabaon sa dingding na nasa likuran niya, ilang sentimetro lang ang layo sa kanyang sentido.
Si Tank naman, nadaplisan sa balikat ng talim ng kutsilyong bumaon sa symbol ng Upsilon sa likuran lang niya.
"Tank! Ayos ka lang?"
Buntonghininga mula kayTank at pag-iling. Dismayado siyang bumulong. "Hindi ka talaga kayang pigilan."
♦ ♦ ♦
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
AcciónPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...