Malawak ang Grei Vale at nasa dulo pa sila ng village na iyon kung saan nakatirik ang mansiyon. Naisipang maglibot ng Brain sa palibot ng malaking bahay ni Erajin Hill-Miller. Hindi pa man niya naaabot ang likurang bahagi ng mansiyon ay nahatak na agad ng atensiyon niya ang malapit na playground ilang metro din ang layo sa bahay ni Erajin.
Hindi pa siya puwedeng tumakas. Kung makaalis man siya, wala na rin siyang ibang mapupuntahan dahil hinahanap na rin siya sa labas para lang patayin.
Naupo siya sa swing at pinagmasdan ang paligid habang dinuduyan ang sarili. Tahimik sa lugar pero nakakakita siya ng mga tao. Hindi iyon residential na lugar, at alam niya sa sariling walang matinong tao ang hihiling na tumira sa Grei Vale lalo na kung malalaman nilang teritoryo iyon ng pinakasikat na assassin na walang puso kung pumatay.
"Hey."
Napatingin sa kanang gilid ang Brain at nakita si Shadow na naglalakad papalapit sa kanya.
"What are you doing here?" tanong ng bata habang sinusundan ng tingin ang lalaking papaupo sa katapat na concrete bench.
"You, what are you doing here?" pagbabalik ng tanong ni Shadow.
"I'm playing. I'm a kid, remember?"
Tumango si Shadow at napaisip na tama nga naman ang sinabi nito. "May pangalan ka ba?" tanong niya habang pinanonood ang Brain na mag-swing.
"Catherine," simpleng sagot ng Brain.
"Totoo mong pangalan?"
"Yup. Catherine Millicent Etherin. Ikaw?"
Tumingin sa malayo si Shadow. "I'm using my mother's name. Malavega. Rynel Joseph Malavega."
"But according to your profile, you're Richard Zach. Derivative name of Ricardo Zacharias from Zacharias monarch."
Natawa nang mahina si Shadow at bahagyang napabilib. "For a kid, you sure knew a lot. Congregation's cream of the crop agent."
Umiling lang ang Brain at tumingala sa langit. "My parents funded my training. I just had my first bachelor's degree last year and am starting my master's this year."
"May magulang ka?" nagtatakang tanong ni Shadow. "Alam ba nilang target ka ngayon ng marami?"
"Yup. Nasa England sila ngayon at nagpapakasaya. Wala nga silang alam na delikado ang lagay ko ngayon." Nagkibit ang Brain at huminto sa pag-swing. "They don't care about my status. They need results . . . and money. The Congregation paid me with nice figures. My parents love that."
"Anong balak mong gawin sa data kapag nalaman mo ang lahat ng kailangan mong malaman?"
Nagkibit na lang ang Brain at tinitigan niya si Shadow. "Wala akong gagawin. Aalamin ko lang. Natsa-challenge lang ako kasi hindi ko maintindihan, 'yon lang. I don't care if it will ruin the felon's system of beliefs. Kung papatayin nila ako, then fine. We live to die, right?"
Natahimik si Shadow sa sinabi ng Brain. Tumingin na lang siya sa paligid at tinanaw ang napakalawak na lupain ni Erajin Hill-Miller.
"Masyado ka pang bata para mamatay. Marami ka pang puwedeng gawin pagtanda mo." Matipid ang naging ngiti ni Shadow sa bata. "May pangarap ka ba?"
Mapait na ngiti lang ang naibigay ng Brain kay Shadow saka umiling nang bahagya.
"Mabuhay nang normal . . . 'yon ang pangarap ko," malungkot na sagot ng Brain.
Tango ng pagsang-ayon lang ang naibigay ni Shadow sa Brain.
"Mabuhay nang normal . . . sa bagay. Para sa 'kin, mas madali pang maging astronaut kaysa mamuhay nang normal," sabi ni Shadow at binigyan na lang ng matamis na ngiti ang dalagita pampalubag-loob.
"You're a good man, Shadow. Mabuti kang tao para sa isang sikat na magnanakaw," sabi ng Brain sa lalaki. Ngumiti lang siya rito at ibinalik ang tingin sa langit.
Humiga na si Shadow sa bench at tiningnan din ang langit.
"Kapag nalaman ko kung sino ba talaga si X, si Jocas Española, at si Jin Findel, baka masagot na ang lahat ng tanong na nasa utak ko," sabi ng Brain.
"Sa tingin mo, buhay pa 'yong Jocas Española? Siya lang ang hindi pa sure na buhay based sa data, di ba?" tanong ni Shadow.
"Kung isa siya sa mga batang napunta sa Isle, fifty percent ang chance na patay na siya."
Napatingin si Shadow sa Brain. Tulala itong nakatingin sa itaas.
"I told you, isang babae lang ang nagmamay-ari ng apat na profile. Ang gusto kong malaman ay kung bakit isa lang. Apat sila, di ba? Different age, different profile, all of them are different people, but they all came from one place—"
"Yung Isle," dugtong ni Shadow.
"Exactly. The data focused on a single biodata and location, yet it included four distinct profiles. That data is the key to the Superiors and Criminel Credo's fall. Now, I want to find out who that person is . . . or was."
Umalis ang Brain sa swing at tumabi kay Shadow.
"Meaning, galing si Erajin Hill-Miller sa Isle," paninigurado ni Shadow.
"Precisely. Now, kung nakaalis si Erajin Hill-Miller sa Isle, may possibility na siya ang tinutukoy sa data. Pero base sa mga sinabi niya, may possibility rin na sina Jin Findel o Jocas Española ang babaeng 'yon."
Sabay pa silang tumingin sa ground at nag-isip.
"Napansin mo bang pareho ng pangalan si Erajin Hill-Miller at Erajin Findel?" tanong ni Shadow.
"'Yon nga rin ang napansin ko," sagot ng bata. "Pero magkaiba sila ng age, right? Twenty-two si Miller at seventeen 'yong Findel."
Tumanaw sa malayo ang Brain at pumikit para mag-concentrate.
"Twenty-two, seventeen, twenty . . ." bulong ng Brain. Napakamot na lang siya ng ulo at nagbuntonghininga. "Ugh! I want to know the whole information! I don't fully understand what it says! I hate it!"
Natawa nang mahina si Shadow at bumangon na. "Itulog mo na lang 'yan nang tumangkad ka pa. Tara na." Ginulo niya ang buhok ng bata at inaya itong bumalik sa mansiyon.
Napanguso na lang ang Brain at sumama kay Shadow. At hindi gaya noong unang pagsasama nilang dalawa, mas naging malapit na sila ngayon sa isa't isa.
"Biodata lang ba talaga ang laman ng confidential file na 'yon?" tanong ni Shadow.
"Yup."
"Sa tingin mo, si Erajin Hill-Miller ang owner ng biodata na 'yon?"
Huminto ang Brain sa harapan ni Shadow.
"I want to figure out if Erajin Hill-Miller knew the owner of that data," sabi ng Brain.
"Paano kung hindi niya alam? Paano kung isa lang na confidential report 'yon tungkol sa mga VIP ng association? Paano kung wala talaga rito sa Grei Vale ang hinahanap mo?"
"Then, we must immediately leave this place to investigate the threat posed by the Superiors." Tumakbo agad ang Brain sa may pintuan ng mansiyon. "But my instincts say the answers are here, and I will prove it to you!"
Tumakbo agad ang Brain sa loob ng mansiyon at umakyat sa second floor.
Napailing na lang si Shadow at sinundan ng tingin ang bata. "Masyado niya yatang wine-welcome ang sarili niya sa lugar na 'to."
Nadako naman ang tingin niya sa office ni Erajin. Naisip niyang baka puwede niya itong tanungin tungkol sa ilang mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...