Iyon ang unang beses ni Shadow na makadaupang-palad nang matagal ang isang gaya ni Erajin Hill-Miller. Sikat ang pangalang iyon at mukhang tinatapatan ang kasikatan niya sa pagiging tycoon. Ngunit ngayon? Mukhang hindi lang ito basta businesswoman at outstanding young entrepreneur gaya ng ibinibigay nilang titulo rito.
Umakyat na siya sa second floor ng mansiyon at dumeretso sa office ni Erajin. Kumatok siya at pumasok sa loob kahit hindi pa siya nito sinasabihang pumasok.
"Sana hindi ka na lang kumatok kung papasok ka rin nang walang paalam," naiinis na sabi ni Erajin habang iniisa-isa ang mga papeles na nasa mesa nito.
"I just want you to know that I'm coming." Isinara na rin ng lalaki ang pinto at lumapit sa table ni Erajin. "Galing ka ba sa Isle?" deretsong tanong niya. Tiningnan siya nang masama ng babae. "Assassin ka ba nila?"
Natigilan si Erajin. Masamang titig ang ipinukol niya kay Shadow at padabog na binitiwan ang mga hawak na papel.
"Ang sabi ng Brain, lahat ng nasa data ay galing sa Isle," pagpapatuloy ni Shadow. "At kung ang mga lumalabas lang sa Isle ay mga assassin, ibig sabihin, assassin ka rin." Ibinagsak ni Shadow ang mga palad sa mesa at bahagyang yumuko para itapat ang mukha sa kausap. "Teritoryo ang lugar na ito ni RYJO. Ibig sabihin, kilala mo siya."
Napangisi si Erajin at pinaningkitan si Shadow. "Alam mo ba ang ginagawa sa mga taong marami nang alam, Shadow?"
"Gusto mong malaman ang laman ng data, di ba? Simple lang naman ang gagawin mo. Sasabihin mo lang ang nalalaman mo, sasagutin mo lang ang tinatanong namin."
Hindi maalis ang ngisi kay Erajin habang nakataas ang isang kilay. Sumandal siya sa inuupuang office chair at humalukipkip. "Paano kung sabihin kong wala akong pakialam sa data?"
Nagbago ang timpla ng mukha ni Shadow dahil sa sinabi ni Erajin. "Everybody wants that data. Alam kong alam mo 'yan."
"Sorry, Shadow. I'm not one of that everybody—"
Tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang namagitan sa pag-uusap nilang dalawa.
"Erajin?" tawag sa labas.
Nanlaki agad ang mga mata ng dalawa dahil sa kumatok. Sabay pa sila sa pagtingin sa pintuan.
"Shit!" Tumakbo agad si Shadow papunta sa pinto ngunit bigla itong bumukas at lumitaw ang ulo ng isang lalaki sa siwang.
Sinabayan naman ni Shadow ang galaw ng pinto at nagtago siya sa likod niyon.
"O, bakit ganiyan ang mukha mo? Nagulat ka bang nandito ako?"
"D-Daniel . . . ?" Nakikita ni Erajin sa gilid ng mga mata niya si Shadow na pinipilit magtago sa likod ng pinto.
"Nakita mo na ba ang mission mo?"
Pumasok na si Daniel sa loob. Nakahinga naman nang kaunti si Erajin dahil hindi nito isinara ang pinto.
"Um . . . Daniel. Ano'ng—" Sinusulyapan ni Erajin si Shadow sa likod ng pinto. Nakatayo lang ito at kampanteng nakatingin sa kanila.
"Sino ba'ng tinitingnan mo diyan—" Lilingon na sana si Daniel ngunit napigilan agad siya ni Erajin.
"Ah! Yeah! Um . . . I mean . . . oo, may balita na." Pilit naman siyang ngumiti kay Daniel. Pasimple siyang sumulyap kay Shadow na hindi pa rin nakalalabas ng pinto.
"Talaga? Ano'ng update?" Naupo naman ito sa upuang katapat niya.
"Um . . ." Dahan-dahan namang naupo si Erajin sa office chair niya habang hindi makali ng titingnan.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...