Part 29

1.6K 115 11
                                    


CLICK!

"Maraming nangyari sa Isle habang unti-unti kaming nauubos. Hindi lang namin inaasahan na isang araw ay mabibigyan kami ng pagkakataong makalabas sa isla.

Iniisip naming lahat na si Daniel ang kukunin o kaya si Brielle. Kaso mali kami ng akala.

Kinailangan naming patunayan ang mga sarili namin sa pakikipaglaban. Sila . . . sila ang lumaban.

Hindi naging malinaw ang lahat ng mga sumunod na nangyari.

Isang araw, dinala kami sa isang abandonadong building para sa sumunod na abolition. Sumunod ay nagising na lang akong nasa loob na ng isang malaking lugar.

Maraming tao roon. Mga nakaputing damit. Nakatingin sa akin—o sa amin.

Nakababad ako sa tubig. Malamig na malamig na tubig. Sa sobrang lamig, parang tinutusok-tusok ang balat ko.

Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko kasi nasa loob ng malaking glass chamber ang katawan ng batang may amnesia. Sinusubukan niyang tumakas sa loob n'on habang pinupuno siya ng tubig na color blue. Hindi ko alam kung nasa Isle pa kami noon pero isa lang ang alam ko . . . nakaalis kaming dalawa pagkatapos n'on.

Click!

"She managed to escape," di-makapaniwalang bulong ni Shadow. "Nakatakas silang dalawa! She's alive. Jocas is alive! Pero . . . nasaan ang batang may amnesia?"

"I had to kill her."

Napalingon si Shadow sa nagsalita. Nagulat siya at napatayo sa kinauupuan. Wala siyang makitang magagamit para lumaban kaya lalo pa siyang umatras para makalayo. Paisa-isang hakbang paatras kada lakad paabante ng babaeng bagong dating.

"Erajin."

Lumapit ang babae sa kanya at mukhang kalmado na ito nang patayin ang computer. Wala naman siyang ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin habang inilalapit niya ang posisyon sa may pintuan palabas.

"She was dying," paliwanag ni Erajin sa kanya. "We were dying." Inayos niya ang mga nagkalat na CD. "We were begging at that time. Gusto lang naming makaalis. Freedom is not and will never be free. Alam mo 'yan." Isinalansan niya ang mga CD at ibinalik sa glass box.

"Paano mo . . . ikaw ba si Jocas?" nalilitong tanong ni Shadow.

Matipid na ngiti lang ang naibigay ni Erajin kay Shadow. "Nasa ligtas na lugar na si Jocas."

"Ibig sabihin . . ."

"Anyway, about the data," pagbabago ng usapan ni Erajin.

"Walang importante sa data," sagot ni Shadow sa kanya.

"I already know." Nginitian lang siya ni Erajin. At masyadong mabait ang salita nito. Parang ang hirap paniwalaan. Para bang ibang tao na naman ito. "You're in my territory, remember? Lahat ng sabihin at gawin n'yo, nakararating agad sa akin."

Tumanaw si Erajin sa labas ng bintana. Noon lang din napansin ni Shadow na gabi na pala. Hindi niya agad napuna dahil abala siya sa panonood.

"Kagagaling ko lang sa Brain ngayon. Nagising siya kanina—"

"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ni Shadow.

Umiling si Erajin at natawa sa inakto ng lalaki. "I removed a part of her memory. Hindi niya matatandaan na siya ang Brain, sa ngayon. Ganoon din ang tungkol sa data. Kaya kahit makita siya ng mga tao rito ng Assemblage, o ng kahit sinong bahagi ng association, wala siyang maisasagot sa kanila. Para na rin 'yon sa kaligtasan niya. Don't worry, pansamantala lang ang lahat. Darating din ang panahon na maaalala niya ang lahat ng nangyari ngayon."

Project RYJO 2: The Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon