Part 25

1.7K 106 16
                                    


SIX YEARS AGO . . .

Pinagpahinga muna ni Shadow ang Brain sa kuwarto ng bahay na pinasukan nila. Magmula sa leeg ng bata, sa ulo, sa mukha, hanggang sa mga braso ay puno ito ng hiwa. Alam niyang limitado lang ang kakayahan ng mga intel pagdating sa pakikipaglaban nang pisikalan, kahit pa alam ng mga ito ang konteksto ng kung paano lumaban. Paano pa kaya ang Brain na labing-isang taong gulang lang?

Sumisilip siya kada oras sa labas para tingnan kung nasundan sila ni Erajin.

Mukhang hindi siya nagpatawag ng tao para hanapin kami, bulong niya sa sarili.

Nilibot niya ang bahay kung nasaan sila hanggang sa mapadpad siya sa isang kuwartong kulay pula at itim ang interior. Mukhang bagong linis lang ang lugar at mabango pa. Amoy-bulaklak sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali, signature scent iyon ng isang sikat na pagawaan ng pabango.

Kulay pula ang malaking kama at itim ang mga unan. Kulay puti naman ang dresser. May dalawang ottoman na kulay itim bilang upuan. Naalala niya ang theme ng Red Queen ng Alice in Wonderland sa buong kuwarto. May mga nakasabit sa dingding na painting. Nakaagaw lang ng pansin niya ang isang nakasabit na retrato sa itaas ng study table. Larawan ng batang si Erajin katabi ang anim pang mga bata.

Kumunot ang noo niya dahil naroon ang ilang pamilyar na mukha.

"Bakit nandito sina Arkin at Ranger?" nalilitong tanong niya. Inilibot pa niya ang tingin at nakita ang ibang picture sa study table. Kasama ni Erajin si Daniel. Halos karamihan, puro si Daniel, kaya alam na niyang malapit talaga ang dalawa sa isa't isa.

Kapuna-puna ang isang maliit na glass box sa mesa na katabi ng desktop computer. Puro compact disk ang laman niyon at may mga nakasulat pang mga date kada CD.

Kumuha siya ng isa at inusisa. "March 17 . . . two years ago pa 'to."

Binuksan niya ang computer. Masuwerte dahil hindi naka-lock ang user kaya isinalang niya agad ang CD para mapanood sa video player.

Click!

"Hello! Jocas Española here! And today is March 17, Tuesday at 9:17 na ng gabi. May natanggap akong order kahapon kaya kailangan kong bumiyahe pa-Brussels tomorrow. Milady . . . kaya mo bang mag-isa?

Click!

Biglang lumaki ang ngiti ni Shadow at pinatay ang player. Pumasok agad sa isip niya ang sinabi sa kanila ni Jin.

"Kung sakaling mahanap n'yo ang camcorder ni Jocas, malalaman n'yo ang mga impormasyong kailangan n'yo."

Binalikan niya ang glass box at hinanap ang CD na may recent record.

"August 3. Kahapon lang." Isinalang niya agad iyon.

Click!

"Hi, I'm Jocas Española! Today is August 3, Friday, 10:43 ng gabi. Vivi, alam mo, nakita ko na naman siya. Buti naman at nabuhay siya. Akala ko, hindi siya bubuhayin ni Milady.

Richard ang pangalan niya.

Alam mo, Vivi, malamang na hindi sasabihin ni Milady ang lahat ng nalalaman niya kay Richard kaya sana makausap niya si Jin. Siguro, sasabihan ko na si Jin na umamin para hindi na mahirapan si Richard. Tapos alam mo, Vivi, nagpakita na naman si Erah at muntik na siyang patayin. Napaka-war freak talaga ng babaeng 'yon! Tingnan mo, o! Sinaksak na naman niya ako ng kutsilyo! Bakit ba kasi hinahayaan ni Milady na lumabas ang taong iyon, e napakadelikado n'on. Buti pa si Jin, mabait. Akala ko ba, magkapatid sila? Bakit hindi sila magkaugali . . . ?

Ugh! Nandito na naman ako. Jocas, puwede bang sa susunod, magpasabi ka naman kapag aalis ka na? Ayokong iniiwan mo 'ko rito sa kuwar—"

Click!

Project RYJO 2: The Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon