Part 22

1.6K 103 3
                                    


PRESENT TIMELINE

Mga nakatuon lang ang tingin nila sa salaming bintana habang nakatitig sa taong nasa loob ng Intensive Care Unit ng HQ Treatment Center.

"Baliw ka talaga, Razele."

"Gabrielle, they asked for it," tugon ni Razele sa babaeng katabi.

"Sobrang bait mo naman dahil ibinigay mo ang hinihingi nila. He's alive. Ewan ko lang kay Erajin."

Nasa labas ng ICU sina Razele, Ranger, at Laby habang hinihintay nilang maging maayos ang lagay nina Shadow at RYJO.

"Ano'ng nangyari sa mga bombang nasa katawan ni Shadow?" tanong ni Laby.

"According sa scanned results. Diffused na. RYJO did an excellent job. Ang kaso, hindi na natin matatanggal ang mga fragment sa katawan ni Shadow," sabi ni Razele habang nakangiti kay Laby na animo'y iyon na ang pinakamagandang balita sa mga sandaling iyon.

"Shadow is alive. But, RYJO . . . she's dying," malungkot na bulong ni Laby habang nakatitig sa loob ng ICU.

Napailing na lang at saglit na nanlaki ang mga mata ni Ranger sa narinig. Para bang nagsasabing naroon na naman sila sa ganoong sitwasyon. "She always die," sabi niya sa dalaga.

"Hindi siya puwedeng mamatay!" singhal ni Laby kina Razele at Ranger.

"Alam naming hindi siya puwedeng mamatay . . . siya pa rin ang Slayer," ani Razele. "Wala pang nahahanap na papalit sa trabaho niya—"

"No! Not that. Hindi siya puwedeng mamatay kasi siya na lang ang nakakaalam ng tungkol sa data na hinahanap ng mga intel!"

Nagbago agad ang reaksiyon nina Razele at Ranger sa sinabi ni Laby. Tiningnan nila ang dalaga na animo'y ang laking pagkakamali ng sinabi nito.

"Anong siya na lang? Ang sabi nila, ikaw ang Brain. Ikaw ang nakaalam ng tungkol sa data kaya paanong siya na lang ang may alam?" ani Ranger sa tonong naninisi pa.

"May ginawa siya sa akin. Isa sa mga technique ni Crimson," sagot ni Laby.

"Oh . . . hell." Napatakip ng mukha si Razele sa sinabi ni Laby at napahilamos pagkatapos. Kalmado pa siyang nagtanong uli. "Totoo? I mean, ginawa niya talaga sa 'yo?"

Tumango naman si Laby. "Primary identity niya ang nakakaalam ng lahat. Ngayon lang siya nagpakita uli kaya kailangan niyang mabuhay."

Nagkatinginang bigla sina Razele at Ranger.

"Lumabas na siya," pabulong na sabi ni Ranger na gulat na gulat sa narinig. "Bitch, lumabas na siya!"

"Bakit hindi mo agad sinabi?!" sigaw ni Razele kay Laby. "Akala ko, joke lang 'yong kanina!"

"E, bakit mo naman kasi hinayaang patulan niya ang kalokohan mo?" reklamo ni Ranger sabay batok kay Razele.

"Ano ba? E, nanghingi siya ng tulong! Kailan ko ba siya tinanggihan?" katwiran ni Razele.

Napailing na si Ranger at napasandal sa pader na kaharap ng ICU. Bumuga pa siya ng hininga at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalaga at sa lalaking kasama. "Paano na ngayon 'yan? She's in a coma right now. Hindi natin alam kung gaano katagal ang recovery niya."

"Brielle!"

"Hey!"

Lumapit naman si Neptune kay Ranger. Tiningnan ng bagong dating si Razele at si Laby. Sumilip din siya sa loob ng ICU para makita ang dalawa nilang espesyal na bisita.

"She's dying . . . again," paalala ni Neptune na para bang walang bago sa sitwasyong iyon. "Tunay na ba 'yan? Baka mamaya, makita ko 'yan sa itaas at pumapatay na naman ng agents natin."

"Ha-ha-ha. Very funny, Markus. Very funny," sarcastic na sabi ni Ranger kay Neptune.

"Why? I'm just saying. Malay mo, totoo," sagot pa ni Neptune habang nakangiti.

"Nasa kanya ang kailangan ngayong confidential data na hinahanap sa Central. Kailangan niyang mabuhay," seryosong paalala ni Ranger sa asawang ginagawang biro ang sitwasyong iyon.

"Teka . . . akala ko ba—" Itinuro ni Neptune si Laby na nasa gilid lang niya.

"Amnesia ni Crimson," simpleng sagot ng dalaga.

"Oh . . . ." Dahan-dahan naman ang naging pagtango ni Neptune at sinulyapan si Razele na may tinging hindi na biro ang sitwasyon nila. "Problem . . . a huge one."

"Sir Razele."

Napalingon ang apat sa isang Ranker na bigla na lang sumulpot sa entrance ng treatment center.

"Nasa third floor sina Hawkins at Diaz, pinatatawag kayo."

Agad namang nagbago ang reaksiyon nilang apat. Napanganga na lang sina Neptune at Ranger sa narinig. Dahan-dahan nilang inililipat ang tingin kay Razele na pinandilatan na lang ng mata ang Ranker na nagbalita.

"Uh-oh." Napakagat ng labi si Ranger at napahugot ng napakalalim na hininga.

"What the hell is happening right now?" tanong ni Neptune dahil hindi naman tipikal na dumaraan ang mga Superior sa mga branch ng kahit anong association.

"Hawkins at Diaz?" paninigurado pa ni Razele dahil hindi rin siya makapaniwala sa narinig.

"Yes, sir. ASAP." Umalis na rin ang Ranker pagkatapos sabihin iyon.

Naiwan silang apat na gulat na gulat.

"Ano'ng ginagawa ng dalawang Superiors dito sa HQ?" nalilitong tanong ni Laby habang hindi mapakali ng titingnan.

"I'll be right back." Itinuro ni Razele ang mga kasama. "Kayong tatlo, huwag kayong aalis dito. That's an order."

Pinanood ng tatlo ang pagtakbo ni Razele palabas ng treatment center.

"Malamang alam na nilang nandito si RYJO," ani Ranger sa tonong naninigurado sa binitiwang salita.

"Sana hindi nila nalamang hawak ng HQ si Shadow," dagdag naman Neptune. "I can't imagine what will happen next kung sakaling alam nga nila."

Napailing si Laby at napabuga na naman ng malalim na hininga. "Delikado ang lagay namin ngayon kapag nalaman nilang nandito ang tatlong Zeniths na hinahanap nila."

Sumilip si Laby sa salaming bintana ng ICU at tiningnan sina Shadow at RYJO na walang malay at nag-aagaw buhay sa mga sandaling iyon.

"Paano ko ba matatandaan ang lahat?" bulong ng Brain sa sarili.

Project RYJO 2: The Slayer's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon