Dahil sa isang tawag sa opisina ng Z Office, kinailangang puntahan ni Laby ang underground ward para bisitahin ang importanteng panauhin ng HQ sa mga oras na iyon.
Guwardiyado ang labas ng Ward 03B at tatlo lang sila sa loob: si Jin, si Laby, at ang magnanakaw na si Shadow.
Closed ang lugar. Isang pinto lang ang tanging entrance at exit sa loob ng ward. Nakababaliw ang puting pintura at white LED light sa loob ng kuwartong halos tatlong dipa lang ang laki. Camera sa southwest corner at tatlong upuan lang ang mayroon sa loob na hindi kulay puti.
Nakatuon ang atensiyon ng dalawa sa nakaupong si Shadow na nasa gitna ng kuwarto. Nakadikit ang nakaposas nitong mga kamay sa upuan, ganoon din ang mga paa. Nakatakip ng mask na may strap ang buong ulo at nakayuko habang tahimik at walang imik. Kapansin-pansin ang suot nitong tuxedo na may mga mantsa ng dugo.
"Gising ba siya?" pabulong na tanong ni Jin kay Laby.
"Hindi pa, sa ngayon. Three a.m. ang expected na paggising niya."
Palalim nang palalim ang paghinga ni Jin.
Si Shadow . . . nasa harapan niya si Shadow.
"Kailangan bang ganiyan ang paggapos sa kanya?"
Nagkibit si Laby. "Shadow was—is good at escaping. If he really is Shadow, wala pang ilang minuto, makakatakas na siya riyan."
Tumango si Jin at seryosong tiningnan ang camera sa sulok ng kuwarto.
"Pupuntahan ba tayo ng mga guard dito kung tatanggalin natin ang mask sa mukha niya?" tanong ni Jin para makasiguro.
"Nope. Be our guest," madaling sagot ni Laby at inilahad ang palad sa harap para alukin si Jin sa gusto nito.
Iyon ang unang beses na nakapasok sa ward si Jin. Kaiba sa detention cell, alam niyang hindi ganoon kahigpit ang security sa loob, pero sapat naman ang bantay para walang makaalis nang hindi nahihirapan. Kung ano man ang gawin niya sa loob, alam niyang wala namang mangyayari kakaiba.
Nasa ward sila, hindi sa detention cell. Ward lang.
Dahan-dahang lumapit si Jin kay Shadow. Mabigat ang mga hakbang niya. Kinakabahan siya dahil isang identified legend ang nasa harapan niya at kinokonsiderang delikado dahil trained to kill ang lahat ng klase ng kriminal sa mundo nila.
Tumayo si Jin sa harapan ni Shadow at unti-unting itinaas ang mga kamay para tanggalin ang mask nito sa mukha.
"Shadow . . ." pabulong niyang tawag dito. Umaasang maririnig nito ang pagtawag niya para magising.
Nagulat siya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan nang biglang hawakan ni Shadow ang mga kamay niya.
Umalingawngaw ang kalansing ng nalaglag na posas sa sahig.
"Wow." Napalunok si Laby na nanonood sa mga nangyayari.
Hindi alam ni Jin ang sasabihin niya. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nabigla siya dahil sa ginawa ni Shadow. Hindi niya alam kung paano natanggal ang posas sa palapulsuhan nito.
Natatakot siya dahil alam niyang delikado na ang sitwasyon niya, ngunit natutuwa rin dahil may parte sa kanyang gustong patakasin si Shadow sa hindi niya malamang dahilan.
Unti-unting ibinaba ni Shadow ang mga kamay ni Jin at saka ito bumitiw. Napaatras si Jin at napabalik sa tabi ni Laby.
Tinanggal na ni Shadow ang mga posas sa paa nang hindi man lang ginagamitan ng susi.
"He's good," bilib na sabi ni Jin.
"Cuffs are nothing. As I expected," kompiyansang sabi ni Laby habang nakahalukipkip.
Tumayo si Shadow at dahan-dahang tinanggal ang mga strap ng mask nito. Hinihintay nina Jin at Laby na ipakita ni Shadow ang mukha nito sa kanila. Itinapon na nito ang mask sa sahig. Nginitian lang ni Laby nang matamis ang lalaking nasa harapan nila. Napanganga naman si Jin sa nakita niya.
Tiningnan ni Shadow si Laby, sunod ang katabi nitong babae.
"Ikaw na ba ang asawa ko?" kalmadong tanong ni Shadow kay Jin.
Humugot muna ng malalim na hininga si Jin bago sagutin ang tanong na iyon. Dama niyang may bigat na ang tono ni Shadow, pero kasabay niyon ay may tono ring natutuwang makita siya.
"Jin," tanging sagot ng babae.
"Mabuti naman at nakabalik ka na," nakangiting sagot ni Shadow.
"Josef . . ." mahinang pagtawag ni Jin sa pangalan ng kaharap.
Nilibot ng tingin ni Shadow ang paligid. Nasasakal siya sa kulay ng kuwarto. "Mas nakaka-suffocate dito kaysa roon sa unang pinagdalhan n'yo sa 'kin."
"Alam n'yo ba kung paano kayo napunta rito sa HQ?" tanong ni Laby.
Inalala ni Shadow ang huling nangyari sa kanya bago siya mawalan ng malay. Ang natatandaan niya, kasama niya si Ring at kausap nila si RYJO sa ground floor ng hotel ng Criasa Marine. Pagkatapos niyon, parang may kung anong insektong kumagat o tumusok sa batok niya at saka siya nawalan ng malay.
"Nandito na ang asawa mo, baka may balak ka nang magsalita," panimula ni Laby sa tunay na pakay niya.
"Wala kang impormasyong makukuha sa 'min," katwiran agad ni Shadow.
Lalong lumapad ang ngisi ni Laby. "Cliché." Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "By the way, nandito kayo ngayon sa custody ng MA dahil sa nangyari sa Havoc of the Summoned. You two are the event's unexpected expected guests."
Puno ng pagtatanong at pagdududa ang mababasa sa tingin ni Shadow kay Laby.
"I know, I know. Havoc of the Summoned was this year's Annual Elimination. And you know na hindi nila ina-announce ang eliminations, right? Bigla na lang nag-o-occur whenever the Superiors want."
Kinuha ni Laby ang phone niya sa bulsa at tiningnan ang messages. "The bidders were just pawns, the items were decoys, and the auction was bogus. Top Rankers and Levelers have clients. The average and low Rankers have targets. Mission: kill the targets and protect the clients. The prey should act as predators. Still, predators would be predators. A cat needed to be a lion, and a lion would still be a lion no matter what. You know the drill, guys. Hindi naman bago sa inyo ang elimination theme." Ibinalik na rin niya ang phone sa bulsa. "Rules of Elimination were not changed. Prove your worth, and you're up."
Alanganin ang pagtango ni Shadow sa mga sinabi ni Laby. "Allowed ka bang sabihin ang impormasyong 'yan sa 'min?"
"It doesn't matter. Tapos na ang laro," sagot ni Laby. "Unfortunately, nangyari ang hindi inaasahan. After ng auction, ang plano, susunduin dapat ng private jet ang mga bidder. Ang kaso, hindi pa sila nakakatapak sa jet, pinatay na silang lahat ni RYJO. Pati na rin ang auctioneer."
Sabay pa sina Shadow at Laby sa pagtingin kay Jin.
"I didn't do that," depensa ni Jin.
"I know," sabay pa sina Laby at Shadow sa pagsagot, dahilan para mapatingin sila sa isa't isa.
"Pero nandoon ang Escadron Elites," katwiran ni Shadow. "Nandoon si January at ang herd ng Asylum. Nandoon ang mga Commander ng HQ. May Special Security Forces. May personal security guards ang Criasa. I was there. Alam ba ninyo kung ano ang nangyari?"
"Exactly!" malakas na sagot ni Laby habang nakadipa ang mga kamay.
"Kaya ba nandito ako?" sabad ni Jin sa usapan. "Para ba masagot ko ang mga tanong n'yo sa nangyari sa auction?"
"Nah." Umiling si Laby sa sinabi ni Jin. "If you're in that body? Wala kaming makukuha sa 'yong sagot. Kaya nga ipinatawag ngayon sa HQ si Crimson para mag-report."
"Huh!" Mapaklang natawa nang mahina si Shadow at saka umiling. "Dapat lang na magpaliwanag siya."
"Kung gano'n naman pala, bakit ako nandito?" tanong ni Jin. "Bakit nandito si Shadow? Higit sa lahat, bakit nandito kami sa labas?"
♦ ♦ ♦
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...