Dumeretso agad si Shadow at ang Brain sa kusina ng bahay na napasukan. Kinarga ni Shadow ang dalagita at iniupo sa tabi ng kitchen sink. Hinugasan agad ng lalaki ang mga sugat ng bata para malinis iyon.
"Lagyan mo ng pressure para tumigil ang dugo," utos niya habang inaalalayan ang Brain at binitiwan ang ipinantatakip sa sugat sa braso ng bata.
Agad namang humanap si Shadow ng medikit sa malapit na banyo ng bahay. Gaya ng sa kuwarto niya ang hitsura ng banyo roon at nakakuha siya ng medikit sa likuran ng salamin. Bumalik agad siya sa kusina para gamutin ang Brain.
"She's lunatic," hinihingal na sabi ng Brain habang pinupunasan ang mukha niyang basa ng luha.
Napailing si Shadow. "Tingin ko, hindi si Erajin ang kausap natin kanina." Iniikot na niya ang benda sa braso ng bata.
"I think she dissociates her identity, Shadow." Napalunok ang Brain habang nagpapaliwanag. "Multiple identity. Isa 'yon sa content ng data. Parang—parang symptoms? Parang side effects?" Kunot-noo niyang inaanalisa ang mga natatandaan sa impormasyong nalalaman. "Pangalan lang ang mga nasa data. Pero—hindi 'yon, e. Gusto kong malaman kung sino ang may-ari ng katawan."
"Ang sabi niya, hindi si Jocas ang may-ari ng katawan kasi patay na si Jocas."
"Shadow, alam ko na kung bakit . . . alam ko na ang ibig sabihin ng data. Aray—" Napapangiwi ang Brain dahil sa hapdi ng mga sugat niya sa braso.
Mas lalo pang naging maingat si Shadow sa paggamot ng mga sugat ng dalagita.
"Naka-focus ang data sa apat na batang babae pero isa lang ang subject," pagpapatuloy ng Brain. "Nakalagay roon ang life process niya. Experiments, drug prescriptions, statistics, anatomical structures, BMI, body mechanism, skills, and abilities. She was a product. She is the product."
Natigilan sa pagbebenda si Shadow at kunot-noong tiningnan ang bata. "Product of what?"
"Not what. Who, rather. Product of who." Inilipat ng Brain ang tingin niya sa labas ng bintana. "Eight years ago, kumuha ang Four Pillars ng isang candidate para sa experiment nila. Pumunta sila sa Isle para pumili ng batang papasa sa critera nila. Nakapangalan ang project sa acronym ng mga agent code nila. Railey, Yuki, Jasfyr, Otwell."
Napalunok na si Shadow at napahugot ng hininga. "Four Pillars . . ."
Mukhang alam na ni Shadow ang tinutukoy ng Brain.
"May plano ang Four Pillars. Gusto nilang pabagsakin ang mga Superior at ang Criminel Credo. That's why they created a perfect killing machine. The perfect Slayer."
"Ito ba 'yong"—humugot na naman ng hininga si Shadow at saglit na tumingala bago ilipat ang tingin sa Brain—"Project RYJO?"
Tiningnan naman ng bata si Shadow at nagtataka kung paanong nalaman nito ang tungkol sa Project RYJO. "How did you know?"
Muling paglunok at umiling si Shadow. "I just . . . know."
"Galing ka ba ng Isle?" usisa ng bata. Ngunit kahit ang Brain ay alam na hindi galing ng Isle si Shadow. Nasa record naman ni Shadow na nag-aral ito sa isang disenteng eskuwelahan, kahit na hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa napiling larangan. "No. I know, hindi. May profile ka sa Congregation. Hinahanap namin ang mga profile ninyo kaya imposible."
Tinitigan ni Shadow ang Brain. Doon pa lang sa sinabi nito, talaga ngang hahanapin ito ng kahit sino dahil sa pagiging intelligence agent nito. "Kaya ka gustong ipapatay ng Four Pillars. Ayaw nilang malaman ng lahat ang tungkol sa Project RYJO. Gusto kang makuha ng mga association kasi hindi pa nila alam ang tungkol sa kung ano ba talaga ang content ng data."
Doon nga napatunayan ni Shadow na tama nga ang Brain—wala siyang mapapala sa top secret data na kailangan ng lahat.
"Formula lang ang content ng data. Alam na natin ngayong si Erajin—o kung sino man siya—ang Slayer. Galing siya sa Isle. Assassin siya. At siya . . . siya si RYJO," sabi ng Brain. "Pero hindi 'yon ang problema ko. Sino ang may-ari ng katawan kung patay na ang lahat ng nasa laman ng data na 'yon?"
Tinitigan ni Shadow ang Brain. Inaalam kung ano na ang susunod na gagawin nito matapos ang mga nangyari sa umaga nila.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...