Napatayo ang mga tao sa balcony. Napuno ng gulat ang mga mukha habang nakatitig nang maigi sa gitna ng arena kung saan ginaganap ang live termination.
"Oops!" sabi ng babaeng paikot-ikot sa kinatatayuan. Napatingin siya sa paligid. "What's this? Ano'ng nangyayari? May initiation rites ba ngayon?"
Nadako ang tingin niya sa balcony. Nakita niya ang matataas na official ng MA at HQ doon.
"Um, excuse me, sir!" sigaw niya habang nakataas ang kanang kamay. "I have a question. What's this all about?" Nilingon pa niya ang katawan ng Ranker sa likuran niya bago ibinalik ang tingin sa mga nasa balcony.
Nagbulungan ang mga nasa itaas.
"Excuse me. Who are you again?" tanong ni Laby sa tonong halatang alam na nito ang kalagayan niya.
"Jocas. Are you the spokesperson?"
Bumalik si Laby sa tabi ng mga nasa balcony. Napasimangot na si Jocas dahil hindi siya sinagot ng dalaga. Tiningnan niya ang buong arena. Puno ng mga naka-suit na lalaki at mga naka-gown na babae. Bakas pa ang dugo sa mga damit nito. Mga nakapiring at nakaposas din.
"Oh . . ." Dahan-dahang pagtango ang nagawa ni Jocas dahil mukhang alam na niya ang ginagawa roon ng mga nakapalibot sa kanya. "Mukhang nasa problema yata ako ngayon. I see, I see."
Napahawak siya sa baba at nag-isip. Nadako ang tingin niya sa isang lalaking mababa lang nang kaunti sa taas niya. Wala itong suot na posas at takot na nakatingin sa kanya.
"Hey, psst!"
Tumingin pa sa paligid ang tinatawag niya.
"Ikaw nga, huy!" tawag uli niya sa Ranker.
Itinuro naman ng kausap niya ang sarili nito.
"Ikaw nga! Kulit!" tawag pa uli ni Jocas.
Tumingin naman sa balcony ang Ranker na kausap niya. Abala ang mga naroon sa pag-uusap. Ibinalik rin kay Jocas ang tingin ng Ranker na tinatawag niya.
Nagtanong na naman si Jocas. "Ano'ng meron?"
"This . . . this is the live termination. And . . . and we are going to kill you," paisa-isang sabi ng Ranker. Halata sa timbre ng boses ang kaba.
"Oh!" Nag-pout si Jocas at namulsa. "Okay!" Tumango-tango siya at pinaikutan ang katawan ng Ranker na pinatay niya. "Kill me. Live termination. That's heavy."
Huminto siya sa paglalakad. Itinaas ang magkabilang kamay at tiningnan ang kaliwa't kanang palapulsuhang kinakabitan pa rin ng nasirang posas. Ngumiti siya sa Ranker na kausap niya.
"Spinal Cutter." Itinuro ni Jocas ang batok niya. "Breaking seven cervical vertebrae just to cut the spinal cord. Puputulin n'on ang connection ng katawan sa utak." Itinuro niya ang sentido pagkatapos. "Respiration is affected. Very fatal." Itinuro ni Jocas ang Ranker na pinabagsak niya gamit ang sinabing technique. "Uulitin ko ang sinabi mo, h?. This is the live termination, and . . . you are going to kill me?"
Nakita niya ang paglunok ng Ranker sa pag-uulit niya ng sinabi nito.
"I-digest mo muna ang idea, baka nalilito ka lang." Pinaikot-ikot ni Jocas ang kamay para ipaunawa sa kausap ang gusto niyang sabihin. "Bago ka lang ba rito sa MA? Alam mo ba kung paano ginagawa ng Slayer ang live termination?"
"Pe . . . pero kasi . . . wala naman kaming—hindi namin ito ginusto," malungkot na tugon sa kanya ng kausap na Ranker. "Itutumba rin naman nila kami kapag hindi ka namin—"
"Sshh!" pagpigil ni Jocas sa sinasabi ng kausap niya. "Okay, ganito na lang. Makikipag-deal ako sa mga nasa itaas. One moment."
Tumalikod si Jocas at iwinagayway ang magkabilang kamay.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 2: The Slayer's Creed
ActionPagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination Process at inilabas ang totoong pagkatao ni Shadow na anim na taon nang patay sa mata ng Associations...