Chapter 07 - Far more thought than he let on
December 17, 2010
Christmas party. Pagandahan ng suot ang mga estudyante dahil isa lang naman ito sa mga oras na makakapagsuot sila ng civillian.
Ito na siguro 'yung exciting na araw para sa lahat. Magbibigayan ng regalo, magpapalitan ng kwento at walang katapusang kulitan. Walang klase!
Everyone feels great waking up in the morning. Everyone except Perci and Odyssey na nagtatalo nang umagang 'yun.
"Sabi meron daw siyang bago, tapos ako lang pala. Nasaan bagong damit na sinasabi mo?!" Angal ni Perseus sa kuya niya. Kaya lang naman kasi niya tinaggap ng maluwag ang bagong polo at pantalon na binigay ni Odyssey kagabi ay dahil sabi nito na meron din itong nabiling bago.
Mahirap lang sila. That's one single fact that Perci can't change. In fact, kahit suwail siya and rebellious in his age, alam niya kung kailan siya sumosobra. Alam niyang scholar ang kuya niya at tuition fee na lang niya at pangkain nila araw-araw ang pinaghihirapan ni Odi na kitain sa kung ano-anong pinapasukan nito. Kaya nang bigyan siya nito ng damit, tinanong niya agad kung saan ito galing at kung mayroon din ito para sa Christmas Party. Nang sumagot ito na mayroon din, he easily accepted his new clothes.
Pero hindi niya alam kung bakit ngayong umaga, 'yung lumang polo pa rin nito na ang nakita niyang suot-suot. Perci can't help but feel guilty.
"Huwag ka nang makulit. Male-late na tayo."
"Late? Party na lang late-late pa. Palit tayo. Kahit pantalon lang, isuot mo na 'tong bago."
"Perseus. I am not miserable. Huwag ka nang maarte diyan baka sapakin kita."
"Wow." Tumaas ang kilay ni Perci. "Nakakatakot." He said sarcastically.
"Besides, hindi tayo magkasukat. Ganyan talaga 'yung size ng nabili ko kaya sa'yo ko na lang ibinigay. Maluwag 'yan sa'kin." Ani Odyssey kahit alam naman talaga ni Percy that he was only saying this para tumahimik na siya. His older brother is trying to be tough for the both of them. Kahit alam niya naman na hindi nito kailangang gawin ito.
Pero dahil alam ni Perci na hindi naman niya mapipilit na makipagpalitan ng salita kay Odyssey, tumahimik na lang din siya. Mahirap kalaban ang kapatid niya kapag pinili na lang nitong tumahimik.
Inayos niya na lang ang kuwelyo niya at umupo sa hapagkainan.
Tatlo pa rin ang nakahaing pinggan. Perci can't help but smile. Pero agad niya rin 'yung pinawi nang umupo na ang kuya niya sa tabi.
Magkalayo ang building nila sa school bilang 1st year pa lang siya. Pero nababalitaan niya naman ang nangyari sa pagitan ng kuya niya at ni Lee. Hindi niya man matanong ng personal kay Odyssey, nabalitaan niyang may pagaaway na naganap sa pagitan ng mga ito. Hindi man maisip ni Perci kung paano nangyari, but apparently, Odyssey lost his cool at sinigawan si Lee. Mayroon pa daw nakakitang nagdabog ang kuya niya at nagtapon pa ng isang bagay like he was having tantrums. Hindi niya alam kung magtitiwala siya sa sabi-sabi, pero ang kuya niya pa daw ang unang nag-walk out, leaving Lee crying on the floor.
His older brother, who never lost his cool before. Kahit pa nga sa mga magulang nila dati, ni hindi ito nagpaapekto. Odyssey has built his great facade around him which made him appear and look like he is cool and distant of everything. That he won't let his emotions run him.
Kaya imbes na matakot para kay ate Lee niya, Perci is even more thrilled to know how this girl will continue to affect his brother. Because knowing Odyssey he is only making it seem what he's doing is spontaneous, but only someone like Perci who has lived with him will know that Odyssey will put far more thought into things than he let on.
Katulad kagabi sa bagong damit, kunwari binili lang ng basta-basta. At ngayon sa tatlong pinggang nakahain. It's even obvious that he is kind of waiting for Lee to arrive.
"Uhm, kuya pakibigay na lang ito kay Ate Lee." Kinuha ni Perci ang regalo niya para sa babae. He for a fact is also so attached to this girl na alam niyang hindi naman mahahalata ng kuya niya that he's just trying to open a conversation about her.
"Ano 'to?" Tanong ni Odyssey nang makita ang isang paperbag na medyo nakalabas ang laman sa loob.
"Nakuha ko lang 'yan sa claw machine. Regalo ko kay ate Lee ngayong pasko." Perci is so keen to observe his brother's microexpressions.
"'Di naman kasya sa paperbag mo."
"Okay lang 'yan kuya. Basta ibigay mo na lang ah." Perci tried his best not to tease about Lee not coming back to their house to eat breakfast. Ayaw niya kasing mailang ang kuya niya at lalong mabadtrip.
"Okay." Matipid na sagot ni Odyssey to Perseus' dismay.
Mas gusto pa sana niyang magsalita ito kung bakit hindi na pumupunta si Lee at kung anong nangyari talaga noong nakaraang araw. Kating-kati na rin siyang itanong kung bakit may pinggan pa ring nakahanda doon para sa babae.
"Uhm, ikaw, anong regalo mo kay ate Lee?"
"H-ha?"
"Hay nako, kung binili mo lang pala nitong damit na 'to 'yung regalo mo dapat para kay ate Lee, wala ka talaga. Panis ka. 'Di man lang makapagregalo 'to sa kaisa-isang friend natin na—"
"Meron kase!" Biglang salita ni Odi. Inilabas nito ang isang necklace na may nakalagay na L.
Nangningning ang mata ni Perci. Hindi niya alam na meron nga talaga. All he wanted was to prod his brother to speak more.
"Ganda. Magugustuhan niya 'yan."
Natahimik si Odyssey. And Perseus thought this is the best time to interrogate him more. He felt like his brother's walls are falling brick by brick. But he still has to be careful on his questions. He is treading on thin ice here.
"Anyare?"
"I don't know." Odyssey replied. Still looking at the necklace.
"Anong I don't know?" Pinipigilan ni Perci na tumaas ang boses niya kahit na naha-highblood siya sa kapatid. "Nako kuya ah. You don't do that to my life benefactor. Baka nakakalimutan mo, I owe her my life. Kaya kung aawayin mo siya, ako makakakatapat mo."
"'Di ko naman sinasadya."
"Ano bang ginawa mo?" Perseus asked kahit na narinig niya na naman na sa buong school.
"Nasigawan ko. Sabi ko isa siyang abala."
"W-what?!" Halos mapatayo si Perci sa kinauupuan. Not because he's disappointed to finally know the details of his brother's and Lee's row, but because he is thrilled. Hindi niya akalaing may ganitong reaksyon ang kapatid niya! "Bakit?"
"I don't know. Uminit lang siguro ulo ko."
"Dahil..."
"When she opened up about money... Na babayaran niya na lang daw 'yung libro."
Pinipigilan ni Perci na mapangiti. Ngayon alam niya na. So it was all about his brother's pride. He knew that in their situation, his brother is still a man with his big pride. Lalo na't mahirap lang sila. Siguro nahiya ito nang mabanggit ang pera. Lalo na't alam niya na malayo ang agwat nila ni Lee. She who's obviously very well-off.
"Eh paano mo mabibigay regalo ko?" Perci tried to tread the conversation safely bago pa maging senstibo ang usapan tungkol sa buhay at finances nila.
"Ewan."
"Paanong ewan? Ako na lang ba magbigay?"
"Huwag na ako na..."
"Okay." Tumayo si Perci at sinimulan nang hugasan ang mga pinggan.
He can't help but smile pero hindi niya ipinakita sa kuya niya. He knew he has succeeded.
*later*
BINABASA MO ANG
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)
Romance"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel than Odyssey Lee. If love was a manifestation, iyon ay ang pag-ibig ni Lee. At unti-unti rin yong naram...