Chapter 72 - Lies (January 11, 2020)

22.8K 709 203
                                    

Chapter 72 - Lies

Chapter 72 - Lies

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August 25, 2019

Matagal na nakapikit si Odyssey habang nakaupo isang lugar na walang katao-tao maliban kay Clarissa na nakatingin sa kanya. Pero kung seryoso ang itsura ni Odi, nangingimi ang ina na parang hindi alam kung paano magsisimula.

Naiinip, pero hinahabaan ni Odyssey ang pasensya. For once, ngayon lang niya kinailangan ang ina. Not for any care, not for some support, but for a simple thing. Kahit ngayon lang, gusto niya itong magsalita. He wants her explanation.

Nandoon sila sa lumang parke na malapit lang sa memorial chapel kung saan ginaganap ang lamay ni Kristina Gabriel.

Nanatili siyang nakapikit siya dahil pinipilit niyang ibaling ang atensyon sa ayaw niyang isipin. Sa ayaw ng puso niyang damhin. Iniisip na lang ni Odyssey kung paano inilabas si Ericka sa lugar na 'yon— halos buhatin ng dalawang lalaking kasama ni Clarissa kanina— para mailagay niya sa likod ng utak niya ang mga rebelasyon ni Yaya Melay. Para hindi niya muna maramdaman ang sakit at pagsisisi habang inaalam niya ang totoo sa nanay niya.

Sumigaw na parang nababaliw habang binubuhat ang ate Ericka niya. Nagpupumiglas. Na kahit lahat sila ay halos nabuhusan na ng malamig na tubig dahil sa mga sinasabi ng matanda, heto pa rin ito at parang walang narinig. Parang kabayong may takip sa mga gilid ng mga mata at hindi makita ang mga nangyayari sa paligid— tuloy-tuloy pa rin sa pag-atake.

Isang napakalaking eskandalo na dumagdag pa sa patong-patong na kasalanan niya kay Lee.

Dahil dito sumisigid pa rin ang sakit. Naramdaman na naman ulit ni Odyssey lahat ng pinipigilan niya.

Sakit na galing sa pag-aalala sa nararamdaman ni Lee. All her sacrifices for other people.

He didn't know how he found such girl in his lifetime.

Tapos, sinaktan niya lang.

Odyssey didn't know how it reached to the point that Lee even gave his father good graces. Hindi niya maintindihan kung bakit pati napakawalang kwentang ama, nakaranas ng mga magagandang bagay na pwedeng ibigay ni Lee. Na kahit na madami na ang pinagdaanan nito sa sariling pamilya, hindi ito naubos at nagdamot para sa iba. Nagbibigay at nagbibigay pa rin kahit parang walang-wala na.

"Hahh..." Malakas at malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Sumasakit lahat ng parte ng katawan niya dahil naiisip niya na dahil umalis na ito, iniwan ang mga bagay na nagko-konekta sa kanila, hindi malabong mangyaring naubos na si Lee.

"Ano?" Tanong niya sa ina para mabaling na naman ang atensyon niya at matapos na ang pakay kay Clarissa.

Pero may isa na namang pumasok sa utak niya na sinabi kanina ni Yaya Melay.

Na muntik nang pagsamantalahan ni Aldrin si Lee?

Gusto niyang magalit at manakit. Dahil ano bang pinagkaiba niya sa ama niya noong marahas niyang ipinilit 'yung sarili niya noong isang gabi? Na kahit sabihin pang nagpaalam siya at pumayag ito, malupit pa rin siya. Malayong-malayo sa ipinangako niya.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon