Chapter 46 - Rings
May 05, 2016
"Magpaalam ka na sa mommy mo." Ani Yaya Melay habang tinutulungan siyang mag-ayos ng ilang gamit.
Dahan-dahang lumapit si Lee sa ina na ngayon ay itinutulak ng isang carer ng Dela Cerna.
"Salamat, Sally ha? Dadalhin ko na lang si mommy sa labas pag aalis na kami." Aniya bago lumuhod sa harap ng wheelchair ni Kristina.
Nang lumabas ang carer, iniharap ni Lee ang kamay niya sa ina.
"Mommy, look. I'm married." She didn't look happy, nor sad. She's just... deadpan. "I got married today."
Ni hindi humaharap sa kanila si Yaya Melay na patuloy lang sa pagliligpit. Wala man lang reaksyon na makuha kay Kristina sa mga oras na ito.
"I'm also leaving..."
"Dalian mo na, Lee." Gayak ni Yaya Melay na lumapit at humalik sa ulo ni Kristina bago naglakad palabas. Pinipigilang maiyak. "Lumabas kayo agad 'pagtapos niyo. Kausapin mo lang ng maigi ang nanay mo ha? Kung anong gusto mong sabihin. Naniniwala ako na nandiyan lang si Kris sa loob ng katawang 'yan. Naiintindihan ka niyan. Kaya sabihin mo lahat."
Tumango lang si Lee sa palabas na Yaya pero nanatiling walang pakiramdam. These years had made her so jaded. Ni ayaw niya na lang makaramdam.
"Mommy... Babalik din ako agad ha? May kailangan lang akong gawin."
"A-ano?" Hindi inaasahang sasagot si Kristina.
There was suddenly a light in her eyes. As if she can recognize Lee.
"Ma..." Hinawakan niya ang kamay nito. "I said I got married today. Kilala mo ba kung sino ako?"
"Bata ka pa... High school ka pa lang. Hindi ka pa puwedeng magpakasal..."
Hindi sumagot si Lee. She just smiled bitterly. At least her mom can recognize her before she leaves for long.
"Kasal na ako mommy..."
"Doon kay Odyssey?"
Finally, her heart can't take the hurt. Sa lahat ng puntong maalala ng nanay niya, doon pa sa panahong masayang-masaya siya. At this point, all the happy memories can become really really sad.
Hinalikan niya ang kamay ng nanay niya at umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)
Romance"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel than Odyssey Lee. If love was a manifestation, iyon ay ang pag-ibig ni Lee. At unti-unti rin yong naram...