Chapter 20 - Rain is Falling (November 03, 2019)

35K 937 139
                                    

Chapter 20 - Rain is Falling

Chapter 20 - Rain is Falling

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May 16, 2019

"Hi, Lee? Kamusta?"

"H-ha? Wait lang..." Napakamot si Lee habang tumatawid. Nag-go na kasi bigla ang ilaw sa pedestrian 'pagka-sagot niya ng tawag ni Mizzy. Tumatawag na naman kasi ang kaibigan niya na masahol pa sa nanay niya kung makapag-alala. Halos kalahating buwan pa lang matapos ang reunion pero walang araw na hindi siya nito dinalaw, tinawagan, o tinext.

Noong una, she's just really grateful of her concern. Lalo na ngayon na bihira na rin naman talaga na makakakita ka ng tao na maglalaan ng oras para mag-alala sa ibang tao dahil alam niyang bawat isang tao, nilalabanan ang sarili-sarili nilang personal na problema.

Kaya medyo nako-konsensya si Lee ngayon na nakakaramdam na siya ng kaunting pagkairita. Alam niyang maling pakitaan ng masama ang isang taong nagaalala lang sa'yo at sa mga dinadala mong problema kaya kahit na nararamdaman niya 'yun, sinasagot niya pa rin ang tawag ni Mizzy kahit nakakaramdam na siya ng parang kakaiba. Bakit ba kasi siya tawag ng tawag?

"Sorry, tumatawid ako. Ano 'yun Miz?"

"Wala lang. Papasok ka na ba?"

Napangiti si Lee. Halos kabisado naman ni Mizzy ang schedule niya. Alas-sais na ng umaga kaya alam nitong papasok na siya sa opisina niya. Hindi ba't hinatid pa siya nito kinabuksan pagtapos ng reunion nila na parang wala isa siyang baldado na kailangan pa ng maghahatid.

"Okay ako. Mizzy." Seryoso niyang sabi. She's starting to think that something's really up with her friend for being so overprotective. "Ano bang nakain mo? Anong meron?"

"Wala lang. Siyempre gusto kita kamustahin palagi. Kita naman tayo mamaya?"

"Mamaya na agad?" Bahagyang nag-isip si Lee bago muling nagsalita. "Naku, hindi pwede. Baka bukas na lang? May iuuwi kasi akong trabaho mamaya eh."

"May iiuwing trabaho? What the? Hindi ka pa nga nakakapasok, alam mo na agad na may iuuwi kang trabaho? Anong klaseng trabaho mo ba talaga 'yan? Gusto mo awayin ko boss mo? Punta ako diyan sa office mo?"

"Huh? Bakit?" Gusto pa sanang idugtong na itanong ni Lee kung wala bang pasok si Mizzy para makapunta pa ito sa opisina niya. But she decided against the question dahil alam niya namang kung anong gustong gawin ni Mizzy ngayon, ginagawa nito. Katulad noong kinaumagahan 'pagtapos ng reunion, inihatid pa siya nito dito sa trabaho niya kahit na hindi may pasok din ito. Kahit out of way ang industrial center sa kung saan pumapasok si Mizzy, ipinilit pa rin nitong maihatid siya.

Naisip tuloy niya na sana, hindi na lang siya nakitulog doon sa bahay ni Mizzy dahil kahit papaano, may tinutuluyan na ulit siya dito sa Metro. But at that time, sobrang drained na talaga siya kaya hinayaan niya na lang din si Mizzy na gawin ang gusto nito.

"Ano, game?"

"Ano ka ba. Sige na papasok na ako..." Ngumiti na lang siya habang nai-imagine na tototohanin ni Mizzy ang sinabi nito na aawayin ang boss niya. Alam niya naman kasing imposible 'yun. Kahit na medyo unrestraint si Mizzy ngayon at nagagawa ang mga gusto nitong gawin, she has proprietary.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon