Chapter 49 - Bittersweet
November 29, 2011
"Ay akala ko pera." Natatawang sabi ni Perci nang buksan niya ang regalo ni Lee sa kanya ngayong birthday niya.
Odyssey playfully flicks his forehead for being ungrateful pero nakaiwas ito.
"Biro lang kasi! Salamat, ate! Mahal kaya itong Moleskine! Kaya nanghihinayang ako kasi sana bumili ka na lang nag tigfi-fifty pesos tapos binigay mo na lang sa'kin 'yung 900."
He was talking about he journal that he received. Ang totoo, matagal na niyang nakikita 'yun sa bookstore at namamangha siya kung bakit ganoon kamahal, eh papel lang naman.
"Hayaan mo na. Maganda 'yung quality niyan. At saka, para 'yan sa'yo. Sulat-sulat ka lang diyan ng mga nararamdaman mo."
"Bakit ako? Si kuya din dapat."
"Birthday ba niya? Iba naman naman nakuha niya 'nung birthday niya."
"Ano?"
"Basta. Pagkain." Natatawa-tawang sabi ni Lee.
Halos masamid si Odyssey sa sa sarili niyang laway. He knew what he got in his birthday days ago, and he's sure Perci's heard it, too. He's just not sure if his young mind can connect the dots.
Pero dahil nanatili itong nakatingin sa Moleskine, nakahinga naman ng maluwag si Odyssey.
"Isulat mo lang diyan lahat ng mga nararamdaman mo. Halimbawa galit ka, gusto mong manakit, i-process mo lahat diyan ng nararamdaman mo. Tanong mo sa sarili mo kung bakit mo nararamdaman 'yun. Mas masaya isulat. Tapos pagtatawanan mo na lang sa susunod kapag binasa mo. O kaya maiiyak ka naman kapag masaya."
"Hindi ba nakakabakla magsulat ng ganito?"
"Maka-bakla ka naman. Ayos lang 'yan pramis. Kapag nasanay ka na, mas madali mo na maiintindihan 'yung sarili mo."
Perci is still confused. He was really not the type of person who writes. Pero naisip niya na baka mas maganda nga ito para sa mga katulad niyang hindi rin masyado nagpapakita ng nararamdaman. Madalas nga kay ate Lee niya pa siya bumibigay. Madalas nahihiya din siya sa kuya niya.
He suddenly cringed his nose.
"So ano 'to? Feeling niyo ba may anger management issue ako?"
"Gagi. Wala ka naman ganon." Kinurot ni Lee si Perseus. "You guys are not like that. Sorry baka minamasama niyo na 'tong gift—"
"Kung ayaw mo, akin na lang."
Akmang aagawin ni Odi ang journal, pero pinigilan ni Perci.
"May pangalan oh. Mark Perseus." Itinuro ni Perci ang silver engraving sa itim na Moleskine na 'yun. Personalized pa pala talaga ang regalo.
What Perci didn't know is that in the future, he will develop this into a full fledged hobby that he will have a collection of 8 set of journals when he meets Lee again.
BINABASA MO ANG
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)
Romance"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel than Odyssey Lee. If love was a manifestation, iyon ay ang pag-ibig ni Lee. At unti-unti rin yong naram...