Chapter 67 - Band of gold (January 05, 2020)

21K 617 160
                                    

*WARNING*

Some scenes at the latter parts need reader discretion.

Siguro last last na, before we go to the dark again. So pagbigyan niyo na po sila huehue.

~~~

Chapter 67 - Band of gold

Chapter 67 - Band of gold

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

July 17, 2019

"Anong pinagusapan niyo?" Tanong ni Odyssey habang nililingon si Lee na nakaupo sa likod.

Ngayon lang sila umuwi, kinabukasan nang mahanap ni Odyssey si Lee sa Asian. Hinatid muna nila ulit si Yaya Melay bago sila dumiretso pabalik sa kanila.

Hindi kumibo si Lee sa tanong at nanatiling nakapikit.

"Lee..."

Ngumiti si Lee. Odyssey has been insisting for her to sit on the backseat kahit na hindi naman kailangan. Now that he's treating him like a driver, nangungulit naman ito.

"I'm sleeping po, manong driver."

Natawa si Odyssey.

"Ikaw makulit ka na naman. Parang wala kang sakit."

Finally, bumangon si Lee at umayos ng upo. He looked at Odyssey through the rearview mirror.

"Wala naman na po akong sakit. Masakit lang 'yung kamay ko pero hindi ito sakit."

"Huwag ka ng magulo, pagdating natin sa bahay, matulog ka na agad. Huwag ka nang maggagagalaw."

"Ikaw lang naman gumagalaw sa'k—"

Lee stopped mid-sentence, knowing where all of this is going. Lalo na't tumawa na rin si Odi.

"Odyssey ha. Magpahinga tayo ngayong gabi. Kung may sakit ako, mas may sakit ka."

"Wala naman akong sinasabi. Ikaw 'yung nagsasalita ng kung ano-ano diyan."

"I didn't say anything wrong, though."

"Bakit ka nagpapaliwanag?" Kumindat si Odi mula sa salamin.

"Hay. Basta. Magpapahinga ako."

"But tell me. Ano ngang pinagusapan niyo ni Perci?"

"Secret. Amin na lang 'yun."

Sumeryoso ang mukha ni Odi.

"Oh, manong driver, mukhang badtrip po kayo." Paguudyok ni Lee dito.

Hindi sumagot si Odi.

"Hey, poging driver."

"Hindi ako driver."

Ngumiti ng mas malawak si Lee at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Pst. Ang pogi mo po talaga, manong. May girlfriend ka na po ba?"

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon