Chapter 52 - Inner demons
August 20, 2011
"Happy birthday to me!"
Palakpakan ang mga ibang guest kabilang na ang dalawampu't limang ulila at abandonadong street children na napabilang sa napili ni Lee na makasama sa celebration ng birthday niya, apat na araw matapos ang totoong araw ng kapanganakan niya.
Nandiyan ang mga mascots na sina Jollibee, Hetty, at Twirlie na tumutulong sa kaniya na aliwin ang mga bata. Kahit si Lee ang may birthday, siya na rin ang host at kumakausap sa mga bata at ilang bisita gamit ang mic at ang boses niyang napakalambing.
"Kakainin niyo lahat ng 'yan mga bata ah?"
"Opo!" Sabay-sabay na sumagot ang ilang bata na hindi pa nagsisimulang kumain dahil ang iba ay busy na sa paglantak sa napakaraming laman ng meal sa harap nila.
Tawa lang ng tawa si Mizzy habang pinapanood ang kaibigan. Katabi niya si Odyssey na kumakain din ng chicken at spaghetti.
"Ang cute ni Lee ano? One-man team eh."
"Oo..."
"Yeeh! Aba't sumasagot ka na ngayon sa mga tanong ah." Malakas na sagot ni Mizzy at muntik pang mahulog ang spaghetti niya sa sahig dahil sa biglang pagtayo. "Hindi pa rin ako makapaniwala. Sasagutin mo rin pala si Lee, bakit hindi mo pa in-advance para naging mas masaya naman siya dati pa."
Napayuko lang si Odyssey. Kung alam din naman niya na dito rin ang hantong nila, bakit hindi niya gagawin? But people don't say what they mean and do what they're meant to do. They only do it once they realize it.
At tama si Mizzy, masyado siyang napagiwanan ng totoong nararamdaman niya. Kaya ngayon, habang nakatingin siya sa isa sa pang lalaki na nakaupo sa harap, kinakain na naman siya ng kung anong masamang iniisip niya.
"Mga bata, magpasalamat din kayo kay kuya Aldrin. Isa siya sa mga tumulong para mabuo itong party na ito!"
"Salamat kuya Aldrin!"
Suddenly, Odyssey is not anymore interested in his chicken.
Napansin naman agad ito ni Mizzy at kinuha ang drumstick at itinutok sa bibig niya.
"Ano ba?"
"Alam ko 'yang iniisip mo! Huwag mong sirain 'yung birthday ni Lee dahil sa mga insecurities mo! Sa ibang araw mo na ilabas 'yan." She muttered under her breath. "Huwag mong sabihing nagseselos ka diyan?"
"Sana nakatulong din ako..."
"Jusko! Pera lang 'yan. Tignan mo si Lee! Ang dami-dami nilang pera ng pamilya niya pero nandito siya sa Jollibee nagdaraos ng birthday kasama 'yung mga bata. Huwag kang ano diyan."
Tumango si Odyssey at kinuha ang chicken sa kamay ni Mizzy and pretended to eat a bit more.
Pagtapos kumain, nagpalaro pa ng isang beses si Lee at inimbitahan si Mizzy na samahan siya sa harap para magdemo.
BINABASA MO ANG
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)
Romance"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel than Odyssey Lee. If love was a manifestation, iyon ay ang pag-ibig ni Lee. At unti-unti rin yong naram...