Chapter 10 - Was usually calm (July 04, 2019)

36.7K 1K 69
                                    

Chapter 10 - Was usually calm

Chapter 10 - Was usually calm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

December 17, 2010

Hindi inaasahan ni Odi na alam pala talaga ng kapatid niya ang bahay nila Lee.

"Paano mo nalaman 'to?" Tanong niya sa kapatid niya nang makaikot sila sa may bukana ng village kung saan nakatira si Lee.

"Sinama niya ako dati. Pinakain niya ako ng cheeseburger na sobrang daming cheese."

Biglang sumama ang mukha ni Odyssey.

Maybe it was really the cheeseburger that made him snapped that day.

"Sinong kasama niyo?"

"'Yung yaya niya. Wala mommy't daddy ni ate Lee noon may work. Eto naman seloso." Biro ni Perseus.

Pero hindi pinansin ni Odyssey ang panunukso ni Perseus at nagtuloy sa pagtatanong.

"Wala nang iba? Ibang bisita?"

"Bisita? Wala. 'Di ko alam. Wala naman akong pake sa bisita basta ako kumakain."

"Kelan 'yan?"

"'Di ko na tanda. Basta last year pa."

"Ba't 'di ko alam 'to."

"Alam mo kuya Di 'wag na nga masyadong maraming tanong. Mag-door bell ka na at mag-sorry. Huwag ka mag-alala, titirahan naman kita ng ulam. Pero kaunti lang kasi alam ko naman na papakainin ka ni ate Melay."

"Baliw ka talaga." Inambaan niya ng sapak ang kapatid. "Umuwi ka na nga doon."

Nang makalayo-layo na si Perci, at saka lang pinindot ni Odyssey ang doorbell as he practiced to calm his facial muscles.

Labas pa lang kasi, nakakaintimidate na ang bahay nila Lee. May halos tatlong palapag ito na napapaligiran ng mga glass panels. Wala talaga siyang kaalam-alam sa bahay ni Lee dahil minsan, hindi naman talaga sumagi sa isip niya na papasok siya dito. Naging mag-classmate man sila noong isang taon, hindi naman din kasi nataon na napili ang bahay nila Lee bilang lugar kung saan magpa-practice o gagawa ng project. May kalayuan din kasi ito.

"Phew! Ano bang ginagawa ko dito." He sighed too hard, parang sumakit ang ulo niya.

"Yes?" Isang babae ang nagbukas ng gate. Nakangiti ito pero may pagtataka at halatang hindi siya kilala.

Doon naisip ni Odi na sana hindi niya pala muna pinaalis ang kapatid. Baka mas naalala pa ito ng mga kasambahay nila Lee.

"Ah, s-si Lee po? Kayo po si ate Melay?" Agad niyang tanong, just to gain advantage.

"Ah. Hindi ako 'yung yaya niya." Sagot ng babae pero iniawang ng mas maluwag ang gate. "Pasok. Ka-klase ka rin ba niya?"

Napahiya naman ng kaunti si Odyssey dahil imbes na advantage, 'di rin pala masyado maganda ang nagmamagaling. Malamang ay hindi lang yaya ni Lee ang kasama nito sa bahay.

"Ah... opo."

Lalong namangha si Odi nang makapasok sa bahay. Walang-wala pala talaga 'yung apartment na tinitirahan nila. Halos mas malaki pa nga ang garahe ng bahay nila Lee kaysa sa kabuuan ng bahay nila ni Perci. Lalo tuloy nagdulot ito ng masamang pakiramdam sa kanya.

Hindi niya talaga alam kung bakit nagtitiis pumunta at makikain si Lee sa kanila kung ganito naman kaginhawa ang buhay nito— at halatang kayang kaya nitong kunin lahat ng gusto nitong kainin.

"Umupo ka muna diyan. Ako nga pala si ate Marie. Pababa na rin 'yun sila Lee. Intayin mo na lang."

Nahihiyang umupo si Odyssey sa malambot na sofa. Niyakap niya ang bag niya na nilalaman ang libro na binigay sa kanya ni Lee. Hindi niya alam kung bakit dala niya ito o naglagay lang siya ng pampabigat sa bag niya para may dahilan siya para magdala ng backpack.

Maya-maya, biglang napatayo si Odi nang may lumabas na lalaki mula sa isang kuwarto doon sa baba. He contained that regal energy na kahit hindi sabihin, alam niyang ito ang tatay ni Lee.

"A-ahm... Magandang tanghali po."

"Magandang tanghali din."

Mabuti na lang at ngumiti ito at hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng pagtataboy. Odyssey silently thanked the gods na hindi naman pala lahat ng mayayaman ay matapobre. Pero pinagalitan niya rin ang sarili niya for thinking that, dahil alam niyang hindi ganoon si Lee. Kaya bakit niya inisip 'yun sa mga magulang nito?

"Ka-klase ka rin ba ni Lee?"

"A-ah... opo." Pero habang sinasagot niya 'yun, mariin ang pagkakahawak niya sa kamay niya na halos kurutin niya na ang sarili dahil hindi naman talaga sila magkaklase ngayong taon. Pero ayaw niyang sabihin na hindi, dahil baka kung ano-ano pa ang itanong sa kanya at manganak pa ng iba pang mga katanungan.

Nakita niya lang na tumango ang tatay ni Lee at may kinausap sa telepono.

Hindi alam ni Odi kung saan siya titingin o haharap habang inaantay si Lee at nasa paligid lang ang ama nito. Mabuti na lang, 'pagkatapos ng tawag, hinarap ulit siya ni Mr. Gabriel at pinaupo.

"Maupo ka ano..."

"Ah, Odi po. Odyssey."

"Upo ka Odyssey."

"Salamat po."

"Nanliligaw ka ba sa anak ko?"

Nagulat si Odi sa tanong, dahil kakapatanag pa lang ng kalooban niya ng paupuin siya ni Mr. Gabriel at hindi niya inaasahan ang tanong na ito.

"P-po?" Halos mahulog ang bag niya.

Naging sabaw ang utak niya. He was usually calm, and proud, and rationale. Pero ngayon, para siyang mababaliw.

"H-hindi po. May ano po, ibibigay lang po ako."

Sasabog na 'yung dibdib ni Odyssey. He didn't know that there is something that will put him more on the hot seat 'pagtapos ng pag-uusap nila ng kapatid niya.

Kinuha niya ang libro mula sa bag at ipinakita ito.

"Ah... Mabuti naman."

May parang kung anong tumarak sa dibdib niya. He didn't know something could feel physically painful as this. Na parang niyurakan ang pride na binuo niya simula pagkabata.

"Mga bata pa kayo..." Dugtong ni Mr. Gabriel.

May sasabihin pa sana ang tatay ni Lee pero may narinig silang doorbell. Maya-maya, pumasok ang isang lalaki at binati ang tatay ni Lee.

"Tito Arthur!"

It's Aldrin.

"Oh, kamusta hijo?" Malugod naman ang pagtanggap ni Mr. Gabriel sa bagong dating na napansin agad si Odyssey.

"Oh!" Sabay turo nito.

Hindi alam ni Odyssey kung paano sasalubingin ang tingin ng lalaking ito.

"Ang dami niyo ngayon dito. Tamang-tama, sabay-sabay na tayo kumain." Malaki ang ngiti ng tatay ni Lee. "Wala ang mommy ni Lee kaya magandang mas marami tayo sa hapagkainan."

Magpapaalam na sana si Odyssey dahil nahihiya siyang makikain, pero biglang bumaba mula sa malawak na marmol na hagdan ang isang babae.

"Tito, ayaw kumain ni Lee!" It's Mizzy. Napataas na lang ang kilay nito nang mapansin ang tatlong lalaki sa sala.

"Oh, kuya Aldrin? Odyssey?!"

Hindi pa man nakakapagsalita ang isa sa mga lalaki, tumakbo na paakyat si Mizzy.

"Lee! Lee!"

*later*

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon