Chapter 17 - Really Good Day (October 11, 2019)

36.3K 987 134
                                    

Chapter 17 - Really Good Day

Chapter 17 - Really Good Day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 16, 2011

"Hindi ka ba natulog kuya?" Naabutan ni Perseus ang kuya niya na nagsisipilyo.

Tinignan lang siya nito. His eyes are clearly fuming with irritation.

Umismid lang si Perci at saka tumingin sa dalawang daliri niya sa paa na ngayon ay parang paglalamayan na dahil sa patay na kuko.

Naalala niya na naman ang nangyari kagabi. Nag-aagaw tawa at inis niya.

"Kung maka-tingin siya kala mo siya 'yung nasaktan." Bulong niya pero siguradong malakas at maririnig ni Odyssey.

"Hindi nakakatuwa 'yang mga biro mo, Perci ah." Ani Odyssey pagtapos magsipilyo.

Nagkibit-balikat si Perseus at dumireto sa banyo bago ngumiti ng abot tenga. Tawang-tawa pa rin siya sa reaksyon ng kuya niya nang biruin niya ito na may nangyari sa kanila ni ate Lee niya.

"H-hindi pwedeng mangyari 'yun? W-wala akong natatandaan!"

"Hindi porket wala kang natatandaan, hindi na nangyari!" Malakas na sagot ni Perci kagabi habang sapo-sapo ang paa. Kahit nasaktan sa nalaglag na lamesa, may gana pa rin siyang ipagpatuloy ang birong ito.

"P-pero imposible!"

"Paanong imposible? Kasi hindi ka marunong ng ganon?" Gatong pa ni Perci bago makatanggap ng suntok sa dibdib. "Aray!"

Nasasaktan na siya pero nasisingkit na rin ang mga mata niya sa pag-ngiti. Minsan lang niya mabiro ng ganito ang kuya.

"Kawawa naman si ate Lee..."

"H-hindi..."

"Anong hindi?"

"Hinga ako marunong 'nun..." Pag-amin ni Odyssey.

Doon na tuluyang bumunghalit ng tawa si Perci at hindi na naituloy pa ang birong nasimulan. Hindi niya inaasahang 'yun ang mismong sasabihin ng kapatid niya. Gusto niya pa sanang ituloy ang charade nila. Na sabihing kahit hindi marunong, human nature ang gagabay sa mga tao kung gagawin nila 'yun.

Pero alam niyang mapapagalitan pa lalo siya kapag sinabi niya 'yun at itanong kung saan na naman niya natutunan.

Tumakbo na lang siya sa loob ng kwarto nila dahil buking na siya na pinaglalaruan niya lang ang kapatid.

Nang namalayan niyang tumatawa siya mag-isa sa loob ng banyo, agad niyang binuksan ang gripo para malunod ang malakas niyang tawa.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon