Chapter 73 - To die (January 11, 2020)

22.5K 763 309
                                    

Chapter 73 - To die

Chapter 73 - To die

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

November 11, 2019

Odyssey booked the earliest flight to Samar the next day.

Hindi niya alam kung tama ba na humiling siya ng regalo ngayong kaarawan niya dahil hindi niya din alam kung maganda ba ito o hindi.

The tail of his conversation with Dani is still ringing on his ears

("Papunta na ako sa airport when I saw Lee walking on the streets. I asked her what's happening, pero umiyak lang siya. I didn't tell her to come with me, pero 'nung umupo siya sa kotse, umiyak lang siya ng umiyak. Nag-sorry siya sa'kin kasi aalis pa daw ako dahil... dahil sa inyong dalawa pero 'yun 'yung nangyari. Hindi siya nagku-kwento what's happening between the two of you, but when I said I'm going to the airport to go back here at my dad's hometown, wala siyang imik hanggang sinama ko na lang siya.")

("When we got here, she told me not to tell you and apologized a few times more. Odi hindi ko naman alam na buntis siya kaya hinayaan ko maghanap siya ng trabaho. She was working as a massage therapist in a spa near our ancestral house, ilang bwan na, tapos nalaman ko na lang when she was rushed into the hospital kasi dinugo daw, tapos nakunan pala.")

("Kung alam ko naman na buntis siya, Hindi ko sana hinayaan na magtrabaho. Pwede naman kasi siyang tumira dito muna na parang bisita. Hindi ko naman alam na malala na 'yung away niyo. And... if I knew, I would've told you. So I'm sorry.")

Nakatulala lang si Odi sa buong byahe papuntang Calbayog. Hindi niya alam kung blessing ba na nakasalubong ito ni Mizzy noong panahong lumabas ito sa bahay niya, pero ang sakit pa rin ng kalooban niya habang iniiisp ang hirap na pinagdadaanan ni Lee palagi nang dahil sa kanya.

Kasama si Mizzy at Perci, pagbaba sa Calbayog, dumiretso agad sila sa ospital kung saan nandoon si Lee.

"Dani..." Si Mizzy ang unang sumalubong sa babae at dinala sila sa cafeteria ng ospital

"Sorry ah. Hindi ko pa talaga nasasabi kay Lee na tinawagan ko si Odi. Kaya dito muna tayo. Tulog pa rin naman siya."

"How is she?" Tanong ulit ni Mizzy.

Nanatiling tahimik si Odyssey at hinahayaang si Mizzy ang makipagusap.

"Her body's okay. She's just..."

"What?"

"A little distressed. And..."

"Alam niya ba ang tungkol sa nanay niya?"

"Nalaman niya lang noong isang bwan. Iyak ng iyak... baka nga nakadagdag din sa dahilan kung bakit siya... nakunan."

Tumigil si Dani sa pagsasalita.

"Tinawagan ko nga rin pala 'yung Yaya niya? She was calling her name a few times yesterday. Si Yaya Melay. Kaya susunduin ko din pala siya mamayang tanghali. Lilipad din siya dito."

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon